Matamlay ako na pumasok sa trabaho. Kahit noong nakasalubong ko si Sir Zerzy, hindi ko magawang ngumiti sa kanya kahit ang saya ng pakiramdam niya kagabi. Kahit pinagmayabang niya sa mga empleyado niya na ako ang gumamot sa kanyang bansang pisngi. Ngunit nang tanungin kung paano niya nakuha, ngising aso lang ang sagot niya.
Iniisip ko pa rin ang problema namin. Kung totoong paaalisin sila, saan sila tutungo? Ang mga kapatid ko. Nag-aaral pa sila. Ayaw kong ma-distract sila sa pag-aaral nila nang dahil lang sa problema namin.
Kay hirap nga naman maging mahirap. Parang bawal pa yatang sumaya.
Nang pinatawag ako ni Sir Zerzy sa kanyang opisina, malaki ang ngiti sa kanyang labi. Salungat naman ako. Parang wala akong gana sa harapan niya dahil nasa utak ko ang problema naming hindi ko na alam kung paano ko sosolusyunan. Dumagdag pa ang natanggap kong balita na hindi na ako pababalikin sa tinatrabahuan ko na bar dahil sa nangyari.
“Sir, narito na po ang mga schedule—”
“Hindi kita pinapunta rito para diyan,” pagputol niya sa akin. “How was your sleep? D-Did you think about me?”
“H-Ha?” Parang lumutang ang pag-iisip ko sa sinabi niya.
Lumabi siya at nag-iwas ng tingin. “Because I think about you…all night…”
Mahina akong napasinghap at nagbaba ng tingin. “P-Pasensya na, Sir. I-Isang pagkakamali po ang halik na iyon.”
Napawi ang naramdaman niya at mula sa pagiging malambing, napalitan ito ng lito at inis.
“What?”
Tiningnan ko siya. “K-Kalimutan mo po iyon, Sir.” Hindi ko na alam kung ano na ang pumasok sa isip ko. Basta-basta na lamang akong nagsasalita. “Wala po iyon.”
Napatayo siya mula sa pagkaupo sa swivel chair. “W-What do you mean? Pinaglaruan mo ba ako?”
Namilog ang mata ko. “H-Hindi po. G-Gusto ko lang po magtrabaho, Sir.” Nagbaba ako ng tingin. Sorry po.”
Umigting ang panga niya. “Get out!”
“Sir—”
“Get out! I don't want to see your face today! Mas maganda kung maaga kang umuwi. I don't mind. Get out!”
Kinagat ko ang ibabang labi ko at mabilis na lumabas. Bumalik ako sa opisina ko at tahimik na pinalis ang luha sa aking mga mata.
Masaya ako kagabi. Kahit papaano, natakpan ang nakaka-traumang pangyayari sa bar dahil sa halikan naming dalawa. Totoong masaya ako. Hindi ko nga maipaliwanag ang nararamdaman ko. Ngunit agad akong sinampal ng reyalidad. Na ang pamilya ko…ay siyang top priority ko. Ang dahilan kung bakit ako nasa syudad na ito.
Kung maging malupit siya muli sa akin. Ayos lang. Mas mabuting hindi pa lalalim iyon dahil natatakot din ako sa posibleng mangyari kapag ipagpapatuloy pa iyon.
Maaga akong umuwi. Plano kong maghanap muli ng trabaho kahit part time muna. At habang busy ako sa paggawa ng resume sa loob ng kuwarto ko, umilaw ang selpon ko. Nagpahiwatig na may bagong message na dumating. Mensahe na naman mula kay Nanay. Kinakabahan ako. Ayaw ko na madagdagan ang problema ko pero wala akong magawa kundi ang tingnan ito.
Nanay:
Nak, pasensya na talaga. Nagagalit na si Aling Rosa. Kung di tayo makakabayad, puwersahan niya kaming paaalisin.
Suminghap ako sa nabasa at agad napatayo. Wala na. Wala na akong choice kundi ang pakapalan ang mukha. Kaya nang gumabi, nagtungo ako sa bar. Hindi sila bukas ngayon pero naroon ang mga nagtatrabaho.
BINABASA MO ANG
His Obsession
RomanceEver since I touched your body, it's become my new obsession. Started: August 22, 2024