Kabanata 5

528 22 1
                                    

Nagkaproblema sa tiyan ang aking tatay. Ayon kay Nanay, GERD daw ito na posibleng dahilan ay ang pagpapalipas ng gutom at ang pag-iinom ng alak. Kaya kinailangan ding huminto ni Tatay sa kanyang trabaho bilang construction worker upang mapahinga ang sarili. Dahil sa karagdagang problema na dumating sa aking buhay, kinailangan kong magkayod. Kaya naman, nag-apply ako sa isang bar bilang waitress na nasa gabi ang duty at natanggap agad ako. Bukod kasi sa pagkaroon ni Tatay ng sakit, kinailangan ko rin magkayod para sa mga kapatid ko na pareho ng nasa college. Scholar ang dalawa sa awa ng Diyos ngunit kahit gano'n, may mga gastusin pa rin naman na ako ang umako.

Hindi alam ni Nanay na nag-apply ako ng sideline. Ayaw ko na ma-konsensya siya. Ayaw ko na mag-alala siya sa akin kaya inilihim ko na lang.

Ngayon, isang buwan na ako rito sa side line ko. Hindi naman nagkaproblema kahit papaano dahil alas singko ng hapon ang out ko. Alas syete naman ng gabi ang duty ko sa bar.

"Hindi ka ba nahihirapan? Dalawang trabaho ang pinagsasabay mo, ah!" ani Jessa sa akin at napamewang. "Ang payat-payat mo pa na babae! Grabe! Ang tatag mo!"

Halos sigaw na nga niya iyon sinabi sa akin dahil sa ingay ng dance floor. Required sa amin ang magsuot ng maiiksing damit. Kaya ito ako ngayon, naka-sleeveless na itim at short na hapit sa hita ko. Noong una, hindi ako komportable pero dahil nangangailangan ako ng pera, wala akong karapatang mag-inarte at sinanay na lang ang sarili.

"Kailangan eh," sagot ko kay Jessa.

At nang oras na para mag-entertain ng mga bagong dating, nagtungo ako sa mga table na bago pa naupuan ng mga customer at kinuha ang gusto nila.

Mahirap sa akin noong una. Hindi pa kasi ako sanay lalo na noong unang linggo. Grabeng pagpapahirap ba naman ang pang-umagang trabaho tapos sa gabi naman, kailangan ko pang mag-adjust sa mga lalaking may malalagkit na tingin. Nilagnat pa nga ako noong una dahil hindi sapat ang tulog ko pero naka-survive naman ako kahit papaano.

"Narito na po ang mga inumin ninyo, mga Sir!" maligayang wika ko sa mga lalaking customers sabay lapag sa kanilang inumin.

May narinig pa akong sumipol sa tabi dahil sa pagdating ko ngunit hindi ko na iyon pinansin. Mga grupo ng mga kalalakihan ang hinatiran. Hindi sila kadalasang mga kalalakihan nakikita ko dahil nakasuot pang-opisina pa sila.

"Thank you, Lady!" ani ng lalaking may hikaw na kumikinang sa kaliwang tainga sabay kindat sa akin.

Tumango lang ako at akmang aalis na sana sa kanilang table nang mahagip ng aking tingin ang isang lalaki na ngayon ay galit nang nakatingin sa akin. Ang kanyang mga mata ay kulang na lang, tusukin ako dahil hindi niya gusto ang kanyang nakita. Ang kanyang buhok na halos tumakip na sa kanyang mga mata dahil bumaba ito ay sinuklay niya gamit ang kanyang mga daliri kasabay ng pag-igting ng kanyang panga. Nakaupo siya kasama ang mga lalaking ito na tingin ko ay mga kakilala niya.

Nanlamig ako.

"WHAT THE HELL ARE YOU DOING HERE!?" Napatayo si Sir Zerzy at agad akong hinawakan sa palapulsuhan.

Namilog ang mata ko sa kanyang ginawa at nang pilit kong hablutin ito, hindi niya ako hinayaan. Mas lalo lang humigpit ang hawak niya.

"Lopez, what's wrong?" Narinig kong tanong ng kasamahan niya sa laki. "Waitress na pala gusto mo ngayon?"

"Shut up!" Nilingon niya saglit ang nagsalita bago ako muling tiningnan. "What are you doing here, huh? Dressing like that!?"

Pinasadahan niya ako ng tingin. Ramdam ko na mag-aalboroto na siya.

"N-Nagtatrabaho po ako, Sir. Puwede pakibitiw po muna?"

Nanliit ang kanyang mata. "What?"

"Nagtatrabaho po ako dito. Side line ko po. Hindi ko naman pinabayaan ang trabaho ko bilang sekretarya niyo kaya sana bitiwan niyo ako."

His Obsession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon