Chapter 1: Worst Start

10 0 0
                                    

Naihyia Pov

"Oh saan ka na naman pupunta? Makikipaglandian ka na naman sa boyfriend mo?" turan ni mama, as expected haliparot parin ang tingin nila sakin.

"Ma hind..." pinutol na naman ng kapatid ko ang sasabihin ko.

"Sus kailan pa hindi naging malandi yang anak mo ma" turan ni ate, ngumiti ako ng mapait dahil yun ang akala nila sakin.

"Magtatrabaho lang naman po ako ate eh" giit ko, hindi ko nga alam bakit ganito ang trato nila sakin.

"Excuses niya na naman yan ma, wag kang maniwala sa sinungaling na yan" turan ng bunso namin, she never treated me as her older sister at hindi yun ni mama sinasaway pero pinaniniwalaan niya.

"Ahhh" daing ko sa sakit, as expected sinampal ako ng sarili kong ina, maluha-luha ako sa hapdi ng pisngi ko pero pinigilan ko.

"Malandi ka! Subukan mong walang maibigay sakin sa sabado tingnan natin kung saan ka pupulutin!" sigaw ni mama, anak ba talaga ako? Ba't ganito niya ako ituring? Parang isang bagay na walang silbi.

"Pasensya na po ma, promise po ibibigay ko yung buong sweldo ko sainyo" mahinahon kong turan, wala akong lakas ng loob para suwayin siya, sino ba naman ako para hindi sundin ang sarili kong magulang.

"Aba dapat lang ako kaya ang nagpapakain sayo buti nalang kung konti ka kumain eh ang lakas mong kumain para kang kalabaw" they always treat me like animal, kalabaw ang turing sakin kahit hindi na nga ako makakain dahil sa mga luho ng kapatid ko.

Ang sweldo ko lahat nauubos dahil sa dalawa kong kapatid, panay ang bili nila ng mga luho tapos hahanapan  nila ako ng pambili ng bigas at kailangan sa bahay.

"Sige po ma alis na po ako, ate" tumingin ako sa kanila bago umalis pero hindi man lang nila ako magawang ngitian bagkus masamang tingin ang pinukol nila sakin.

Lumabas ako at naglakad papunta sa sakayan, kinakailangan kong magtipid dahil alam kong hihingian na naman ako nila pag-ubos na ang pera'ng binigay ko. Sumakay ako ng jeep pakarating ko ng sakayan.

I sighed after thinking what did I do wrong para gawin nila sakin 'to? Mabait naman ako ahh, oo nga pala ako lang ang nakakakita non, dahil lahat sila masama ang tingin sakin.

     I need to be strong dahil walang nandiyan para sakin, wala nga ba talaga?

"Uyy bhe papasok kana ba?" there she is, my one and only friend friah, she's kind at siya palagi ang nandiyaan para sakin, ay oo nga pala may isang tao pa palang may care sakin, ang boyfriend ko at siya.

"Oo kinakailangan alam mo naman na ako lang ang inaasahan nila" turan ko, kumunot ang noo niya at hinawakan ang pisngi ko kung saan ako sinampal ni mama.

"Anong nangyari sayo bhe? Bakit ang pula ng pisngi mo?" tanong nito, hindi ako makasagot dahil nasasaktan ako sa tuwing iniisip ko'ng ang sarili kong ina ang may kagagawan nito.

"Don't tell me sinampal ka na naman ni tita? Siniraan ka na naman ng mga kapatid mo?" I sighed after hearing it, mamuo-muo na ang mga luha kong tiningnan siya pero I should handle it.

"Wala na ba talaga silang magawa sa sarili nila?!" napataas ang boses ni friah kaya tinignan kami ng mga taong sakay ng jeep.

"Shuu masyado ng mataas ang boses mo" pagpipigil ko sa bunganga niya, kahit papaano nabawasan ang lungkot ng nararamdaman ko dahil may isang taong nandiyaan para sakin, para protektahan ako.

"Eh kasi naman bhe nakakainis yang kapatid mo" giit nito, I just smiled out of heaviness that I feel inside me.

"Hayaan mo na bhe naniniwala naman akong magbabago sila" may chance ba talagang magbago sila?

Destined to save Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon