Chapter 3: A wish

3 0 0
                                    

Naihyia Pov

"Ma bakit hindi na lang natin paalisin yang iyiah na yan?" huminto ako sa pagtatangkang pumasok sa loob.

Narito ako sa harapan ng pinto nanatiling nakatayo upang pakinggan ang pinag-uusapan nila.

"Hindi pwede Vallen, kung papaalisin natin ang malanding yun sino na ang magsisilbi saatin?" turan ni ate flecia.

Ngumiti ako ng pilit dahil yun lang ang turing nila sakin, isang katulong na handang pagsilbihan sila.

"Oo nga anak tsaka kailangan natin siya para magkapera tayo, sino na ang kukuhanan natin ng panggastos at alam mo naman yung mga gamit natin diba?" mahabang litanya ni mama.

Yun ba? Yun ba palagi ang pinag-uusapan nila tuwing wala ako?

Kung paano ako gamitin at mapakinabangan?

Pumasok ako para matigil sila, ayoko ng marinig pa kung paano nila ako gamitin.

"Oh umuwi ka pa? Akala ko patay ka na" turan ni mama

       Ngumiti ako ng mapait, instead of being worried na wala ako yun pa ang sasabihin niya pag-uwi ko.

"Dalian mo at umalis ka para maghanap ng trabaho, kailangan namin ng pera para dito sa bahay" turan ni ate.
Para sa bahay ba talaga o sa sarili nila.

"Pwede po bang bukas na? Magpapahinga lang po ako" kahit na sobrang sakit nila magsalita grabe parin ang respeto'ng  binibigay ko sa kanila.

"Bakit? Hindi pa ba sapat ang paghiga mo sa kama kagabi sa boyfriend mo?" turan ni Vallen.

They're accusing me again kahit di naman totoo.

"Wala ako do'n, pwede ba Vallen wag kang mang bintang ng walang patunay"

"Masyado kasing halata na binabaliktad mo ang pinagagagawa mo at sakin mo pa binibintang" hindi naman siya makasagot dahil guilty.

Oh diba hindi makasagot dahil totoo kasi, siya yung gumagawa pero sakin binibintang.

"W-wag mong ipasa sakin ang sinabi ko" nauutal niyang turan.

I raised my eyebrow."Talaga?....ba't nauutal ka?....hindi ba totoo?" panunuya ko sa kanya.

"Tumigil na nga kayo!" sigaw ni mama.
Sige na ma kampihan mo na si Vallen total doon rin naman patungo ang pagsalita mo ngayon eh.

"Pag minsan kasi wag magsasalita yan tuloy nababaliktad diba?" I smirked dahil kahit na hindi ako kampihan ni mama nagagawa kong barahin si Vallen.

"Vallen tumigil kana" madiing turan ni mama kay Vallen.

Nagulat siya sa sinabi ni mama na kahit ako ganon din ang reaksiyon ko, ba't hindi niya kinampihan si Vallen?
Ayokong umasa na ako ang kinakampihan niya sa puntong ito.

"Ma..." pinutol ni mama ang sana'ng sasabihin ni ate flecia.

"Flecia" tumahimik si ate, kinakampihan ba ako ni mama?

"Sige na iyiah, pumasok ka na sa kwarto mo, at bukas ka nalang maghanap ng trabaho kung yan ang gusto mo" hindi sigaw at hindi rin galit ang pagbitaw ni mama ng salita niya.

And for the first time that she called me iyiah and not a flirty woman.Maniniwala ba ako sa pinapakita niyang pagiging mabait? O palabas lang ito.

"Sige po ma" ngumiti ako sa kanya bago pumasok sa kwarto ko, pero hindi pa ako nakakalayo at narinig ko ang pagrereklamo ng dalawa kong kapatid.

"Ma bakit naman siya ang kinakampihan mo?" boses ni Vallen.

"Oo nga ma, ba't ang bait mo sa kanya ngayon?" boses ni ate.

Destined to save Her Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon