Chapter 4

28 2 0
                                    

"Oh my God! Sobra ba talaga akong late para madatnan ko na super drunk na iyan!" Tanong ng kararating lang na si Jessa sa mag partner na Neri at Precy.

Tinabihan na din nito at inakbayan ang halos hindi na makamulat na si Lucy.

"You're not late! Sadya lang talaga na nagmadali iyan na magpakalasing." - Neri.

"Bakit? Anong problema nito?"

"Malay namin, e hindi naman iyan naimik mula ng dumating kami dito. She's to focused with her drinks!" - Precy.

"Bat hindi ninyo naman pinigilan!"

"Anong hindi! E inaaway na nga kami niyan kapipigil namin... Mabuti pa iuwi mo na iyan!"

Magkakatulong ang tatlong magkakaibigan sa pag sasakay kay Lucy sa kotse nito.

"Ikaw na ang bahala dyan! Mag ingat kayo, ha!" Bilin ni Precy kay Jessa.

Tumango lang naman ito sa mga kaibigan. Bago nito iistart ang kotse ay kinabitan muna nito ng seat belt si Lucy at masuyo din nitong hinaplos ang mukha ng lasing na dalaga.

.
.
.

"​Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Jessa?" Itinulak niya ang kaibigan ng mamulatan niya itong hinahalikan siya. Bigla ay parang nahulasan siya.

"I'm sorry! Namiss lang - "

"Stop! Wag mo ng gagawin ulit ito kung ayaw mo na makalimutan ko na kaibigan kita!... Umuwi ka na sa pamilya mo at salamat sa paghatid." Nauna na siyang bumaba sa kanyang kotse at walang lingon-likod na pumasok na siya sa bahay.

"Bakit gising ka pa?" Tanong niya kay Ada ng mabungaran niya ito pagpasok niya.

"A-ah, hinihintay kasi kita."

"Okay! Nandito na ako kaya pwede ka ng pumasok sa kwarto mo!" Malamig na sabi niya dito saka niya ito nilampasan na.

.
.
.

Kinabukasan ay nagmamadali siyang umalis na ulit pero tinawag siya ni Ada bago pa man siya makalabas ng bahay para daw mag almusal muna.

"Sa opisina na ako kakain!" Sabi niya saka umalis na nga siya.

.
.
.

Kinagabihan ay sinadya niya na maglate na talaga ng uwi. Past 11pm na yata ng dumating siya sa bahay. Naabutan niya na natutulog sa mahabang sofa si Ada.

Nilapitan niya ito at hindi niya napigilan ang kanyang sarili na haplusin ang maamo nitong mukha na ikinagising nito. Tumayo siya agad ng bumangon na ito.

"Kadarating mo lang? Kumain ka na ba? Nagluto ako ng pinakbet at pritong isda. Teka at iinitin ko!" Lalakad na sana ito pa kusina pero pinigilan niya.

"Kumain na ako." Pero sabi lang naman niya iyon. Dahil ang totoo ay halos puro chocolate drinks lang ang laman ng tiyan niya maghapon. Wala kasi siyang ganang kumain. "Matulog ka na sa kwarto mo!" Sabi niya saka iniwanan na niya ito.

May ilang oras na siyang nakahiga pero hindi pa din siya makatulog. Tunog ng tunog ang tiyan niya, kaya naman bumangon na siya para kumain.

Pagdating niya sa kusina at magtingin siya ng pagkain ay walang bawas ang kanin sa rice cooker pati ang gulay at isda na nasa ref ay ganun din.

Ibig sabihin ay hindi din naghapunan si Ada. Pagkalagay niya ng pang ulam sa microwave at ininit din niya ang kanin ay pinuntahan niya si Ada sa kwarto nito.

Kumatok siya pero walang natugon sa loob, kaya pinihit na niya lang door knob. Bukas iyon. Pumasok na siya at napasukan niya itong natutulog na ng nakatagilid. Nilapitan niya at hinaplos ang noo at buhok. Mumulat ito at tumingin sa kanya.

"Lucy, bakit ka narito? May kailangan ka ba?" Tanong nito saka kahit hirap ay nagpilit na maupo sa kama.

"Bakit hindi ka nagdinner? Alam mo na bawal sa buntis ang nagpapagutom diba." Medyo pagalit ang tono ng boses niya.

"Pasensya na! Inaantay kasi kanina para sana sabay na tayo. Kaya lang ng dumating ka naman sabi mo ay kumain ka na. Kaya iyon nawalan na ako ng gana kumain."

"Don't do that again, okay? Halika, kumain na tayo. Iniinit ko na iyong mga niluto mo." Nakangiting aya ko dito. Inalalayan ko na din itong makatayo sa kama.

Habang tahimik kaming kumakain ay biglang dumaing si Ada.

"Bakit? Anong masakit sayo?" Tanong niya. Tiningnan niya ito, para itong uneasy.

"Sumasakit kasi ang tiyan ko. Galaw ng galaw si baby."

Nilapitan ko ito at naupo ako sa may tapat ng tyan nito. Kita ko nga kahit may suot na damit si Ada na gumagalaw ang tyan nito. Hinawakan ko iyon atsaka kinausap.

"Baby, wag ka masyado malikot dahil nahihirapan si Mommy mo. Tulog ka na at bukas pupunta tayo sa Doctor para mapatingnan ko kayo ni Mommy, ha."

Naramdaman ko na gumalaw ulit ang tiyan ni Ada. Tapos saglit lang ay nawala na din.

"Hindi na siya nalikot." Sabi ni Ada sa akin habang hinahaplos din nito ang tiyan.

"Oo nga. Naabala lang siguro siya kaya ganun. Anong oras naman na nga kasi daw, e."

Bumalik na ako sa upuan ko at itinuloy ko na ang pagkain ko.

"Bukas nga pala. Magpapasced ako sa kakilalang Doctor nina Jessa at Precy para macheck up kayo ni baby. Susunduin ko kayo dito siguro ng mga after lunch."

Tumango lang naman ito.

Nang tapos na kaming kumain ay tinulungan pa ako ni Ada na magligpit kahit pa nga sinasaway ko na ito.

Naghuhugas ito ng pinggan ng lapitan ko mula sa likod. Wala sa sarili na isinandal ko ang mukha ko sa likod nito.

"Sorry kung iniiwasan kita, ha." Sabi ko.

"Bakit mo nga ba ako iniiwasan?"

"Para hindi ka mailang sa akin."

"B-bat naman ako maiilang sayo?"

"Wala ka bang gustong itanong, about sa nakita mo kagabi?" Alam ko kasi na nakita ako nito na hinahalikan ni Jessa dahil ng pumasok ako sa bahay ay pansin ko na gulat ito at bahagya din na namumula ang mukha.

"A-ah, wala."

Marahan ko itong iniharap sa akin ng tapos na itong maghugas ng pinggan. Itinuon ko ang magkabila kong kamay sa may lababo at sadyang idinikit ko ang sarili ko sa katawan nito. Nag lean forward din ako para mailapit ko ang mukha ko sa kanya. Natatawa ako sa pag atras nito kahit pa nga wala naman na talaga itong aatrasan.

"A-anong ginagawa mo? Padaanin mo ako at matutulog na ako."

Saglit ko pa itong tinitigan bago ko inalis na nga ang mga kamay ko sa may lababo at lumayo din ako ng bahagya dito saka minustra ko na lumakad na ito. Napatawa ako ng halos patakbo na itong umalis at palingon-lingon pa ito na parang sinisigurado na hindi ko siya susundan.

Nang wala na ito ay nakapamulsa na akong naglakad para bumalik din sa kwarto ko. Habang sakay ako ng elevator ay naiimagine ko ang naguguluhang mukha ni Ada. Kahit ang laki na ng tiyan nito ay mukha pa din talaga itong inosente.

.
.
.

Napasandal ako sa likod ng pinto pagkapasok ko sa kwarto. Hinawakan ko din ang dibdib ko dahil sobrang lakas ng kabog niyon. Nagtataka ako sa kinilos ni Lucy. Tapos ay biglang naalala niya iyong nakita niya kagabi.

"Tomboy kaya siya?" Mahinang tanong niya sa kanyang sarili.

scared to love youWhere stories live. Discover now