Tahimik lang kami pareho ni Lucy habang magkaharap kami sa pagkain. Tunog lang ng kutsara at tinidor na lumalapat sa pinggan ang maririnig sa pagitan namin. Gusto ko sanang humingi ng pasensya sa hindi ko din pagsasabi sa kanya na sumama ako sa Doctor ko at sa hindi ko paghihintay sa kanya. Pero hindi ko magawa dahil para akong nakakaramdam ng takot sa seryosong ekspresyon ng kanyang mukha.
Tumunog ang doorbell. Tatayo na sana ako pero inunahan na ako ni Lucy.
"Anong ginagawa mo dito?" Rinig kong tanong ni Lucy sa kung sinong dumating.
"Lagi naman akong pumaparito pero ngayon mo na lang ako tinanong ng ganyan!"
Bumalik na sa kusina at sa lamesa si Lucy. Kasunod nito si Ms. Jessa. Naalala ko tuloy iyong sinabi ni Dok na humahabol pa din ito sa ex nito. Kung tama nga ang intindi ko ay dating magkarelasyon ang dalawa na ito at hindi lang basta na magkaibigan. Pero paano? at bakit? Pareho naman silang babaeng-babae kung kumilos, mahahaba din ang mga buhok. Tapos may asawang lalaki at anak si Ms. Jessa. Kung ganoon ay sino ang pumapapel na lalaki sa mga ito? At dahil sa labis na kuryusidad ko sa mga ito ay hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanilang dalawa.
"Bakit ganyan ka makatingin?"
Masungit na paninita sa akin ni Ms. Jessa.Mabilis na nagbaba ako ng tingin at nagmadali na din akong kumain.
"Kung pumarito ka lang para sungitan ang kasama ko sa bahay ay makakaalis ka na."
"Bakit ba dumating lang tong basurang ito!" Dinuro pa ako nito. "Ay palagi mo na akong tinataboy!.... Wag mong sabihin na hindi ka na lang sa baby interisado?"
"Shut up, Jessa!... Come with me!"
Muling tumayo si Lucy at iniwan ang pagkain. Hinawakan din nito sa braso si Ms. Jessa saka hinila palabas sa kusina. Gusto ko sanang makiusyuso pero sinaway ko na ang sarili ko. Sabi ko pa ay kung ano man ang isyu niyong dalawa ay labas na siya.
.
.
."What do you think you're doing?" Pasalya kong binitawan si Jessa paglabas namin sa teris.
"I still love you, Lucy at nagseselos ako na nandito iyong 'basura' na napulot mo!"
Lumapit ito sa akin at idinikit ang sarili sa katawan ko.
"Jessa, matagal na tayong tapos! At ikaw ang may gusto niyon kaya wag kang umarte ngayon dyan na nagseselos ka sa kung sinu-sino!"
"Akala ko kasi magiging masaya ako kung magkakaroon ako ng normal na buhay!"
"So you're saying that being with me is not normal?"
"It's not that!.... Lu, please let's be together again!"
She tried to kiss me, pero umiwas ako.
"Makuntento ka na lang sa pamilya mo! Ali and Adie are waiting for you at home kaya umalis ka." Tinalikudan ko na ito at iniwan ng tuluyan sa teris.
Dumiretso na ako sa kwarto ko at hindi ko naiwasan na balikan ang nakaraan. Iyong araw na hiniwalayan ako ni Jessa.
.
.Nanonood kami noon ng cartoons. Nakahiga ako sa mahabang sofa habang nakaulo sa lap ni Jessa. Patawa-tawa pa ako noon sa pinapanood ko ng mapatingin ako dito.
"May problema ka ba?" Tanong ko, matapos kong bumangon at umayos ng upo paharap dito.
"Maghiwalay na tayo, Lu!"
Nakangiti pa rin ako kahit pa napakaseryoso ng mukha nito.
"Joke ba to?" Tanong ko pa.
"Ayoko na, Lucy! Gusto ko namang maranasan na magkaroon ng normal na buhay! Magkaasawa ng lalaki at magkaanak!" Malakas ang boses nito na akala mo ay sa isang tanga ipinaiintindi ang sinabi.
Saglit akong hindi nakaimik.
"Ano, Lu? Wala ka bang sasabihin?" Untag nito sa pananahimik ko.
"Iyan ba talaga ang gusto mo?" Tanong ko.
And she answered yes at dahil sa mahal ko siya that time. I choose to let her go. Nanatili din akong kaibigan niya. At kahit masakit sa akin ay pumayag pa din ako na maging Bridesmaid sa wedding niya at ng magkaanak na sila ng lalaki na ipinalit niya sa akin at kinuha niya akong Ninang ay pumayag pa din ako.
At ng panahon na naguguluhan na naman siya between me and her husband ay muli ko pa din siyang inintertain. We had an affair behind her husband's back. Ginawa niya akong kabit. Pero dumating na ako sa point na naisip ko na hindi ko deserve ang ginagawa sa akin ni Jessa. Kaya naman hiniwalayan ko siya pero hirap akong makamove on sa kanya dahil palagi pa rin siyang nariyan. Wala naman sanang problema kung bilang kaibigan na lang, e. Kaso hindi.
Buti na lang din nga at natagpuan ko si Ada. Nagkaroon ako ng distraction pero nagiging literal na distraction na siya sa akin. I'm starting to see her as a beautiful woman at sa tingin ko ay hindi iyon maganda para sa amin. Kung pwede ko lang sanang madaliin ang panganganak niya ay ginawa ko na, para hindi na tuluyang lumalim ang kung anumang nararamdaman ko para sa kanya.
Muli akong lumabas ng kuwarto ko para kumuha ng tubig. Pagdaan ko sa kwarto ni Ada ay napansin ko na nakaawang iyon ng bahagya. Out of curiosity ay sumilip ako at nakita ko si Ada na nakaupo at nakasandal sa kama. Nakapikit ito pero bakas sa mukha nito na may iniinda itong sakit. Nakasapo din ang kamay nito sa tiyan.
"Anong nangyayari sayo?" Tanong ko.
Mumulat ito at tumingin sa akin.
"Subrang sakit ng tiyan ko."
Nilapitan ko ito atsaka dinampot ko din ang cellphone nito na nasa ibabaw lang ng side table. Dinayal ko ang number ni Athena kahit pa nga sura pa din ako sa babaeng iyon.
"Pumunta ka naman dito. Sumasakit daw ng sobra ang tiyan ni Ada."
Iyon lang at pinatayan ko na iyon ng tawag.
Tinabihan ko na si Ada sa kama at nakihaplos na din ako sa tiyan nito.
"Konting tiis na lang at papunta na dito ang Doctor mo." Sabi ko kay Ada. Yumuko at tumapat naman ako sa tiyan nito para si baby naman ang kakausapin ko. "Anak," Parang natural lang na lumabas iyon sa bibig ko. "Bakit mo naman pinapahirapan si Mommy? Be a good girl, please. Mama loves you." Hinalikan ko pa ang umbok ng tiyan ni Ada. I said sorry ng nahalata ko na naging uneasy ito sa ginawa ko.
Buti na lang at bago kami tuluyan na magkailangan ay tumunog na ang doorbell. Literal na sa save by the bell. Tumayo na ako para pagbuksan iyon na sigurado ako na si Athena.
.
.
."She's okay now. I gave her something para marelax siya at makatulog din ng maayos. She had spotting too but its normal. Nothing to worry. And if ever something like this happens again, don't hesitate to call. Okay!"
"Okay, thank you!"
"Your welcome, sis!"
Kahit alam ko na iniinis na naman ako nito ay hindi ko na lang ito pinatulan. Umalis na din naman na ito kaagad pagkatapos.
Pagkahatid ko kay Athena ay muli akong bumalik sa kwarto ni Ada. Natutulog na ito. Inayos ko ang kumot nito atsaka ako nahiga sa tabi nito. Para in case na sumakit ulit ang tiyan nito ay mabilis ko itong madadaluhan.
YOU ARE READING
scared to love you
FanfictionMatindi ang pagkagusto ni Lucy na magkaanak, pero ayaw naman niyang magbuntis. She's willing to pay someone to carry a child for her pero bago pa niya magawa iyon ay literal na nakapulot na siya ng babaeng buntis sa basurahan. Si Ada itinakwil ng m...