"Ano itong nabalitaan ko na namulot ka na lang daw basta ng palaboy sa basurahan at iniuwi mo pa sa bahay mo?"
Malakas ang boses na sugod sa akin ni Jessa sa opisina ko. Kasunod nito si Angie na humihingi ng dispensa sa hindi nito pag awat sa bestfriend ko na dire-diretsong pumasok sa opisina ko.
"It's okay, Angie!" Tinanguan ko ito para lumabas na.
"Hello to you too, Bes!" Tumayo ako mula sa upuan ko at sinalubong ko ito ng beso at yakap atsaka ko ito inakay paupo sa couch.
"Wag mo nga akong ma Bes Bes dyan!"
Umiwas ito mula sa pagkakahawak ko.
"Sagutin mo ang tanong ko! Totoo ba na nag uwi ka ng pulubi?"
"Yes, it's true!" Sagot ko na. Tutal malalaman at malalaman din naman talaga nito iyon. Sooner or later!
"Gaga ka talaga! Hindi ka ba nanonood ng Netflix? May movie na ganan. Nagpapasok ng maglolo na pulubi at inaampon nila ang bata. Ang ending pinagnakawan sila ng mag lolo!"
"I trust her at saka mukha namang mabait si Ada. Buntis pati siya so I don't think magagawa niya ang mga ganoong bagay gaya dyan sa sinasabi mo!"
"Masyado ka naman yatang mapagtiwala na ngayon! Where is she now?"
"Who?"
"The homeless pregnant woman that we are talking about!" Gigil na sagot nito.
"Nasa bahay."
"All by herself?"
"Oo, alam mo naman na nag iisa talaga ako sa bahay, e!"
"Let's go!"
"Saan?"
"Uuwi tayo ngayon sa bahay mo! Baka mamaya mo limas na lahat ng mga kagamitan mo!"
"Ano?"
"Hurry!"
Nagpatianod na lang ako sa trip nito ni Jessa. Good thing at clear na ang afternoon schedule ko dahil sadya naman na balak ko na talagang umuwi para maipamili ko si Ada ng mga personal things niya.
.
.
.Pagpasok namin sa bahay ko ay nag ikot agad ng tingin sa paligid si Jessa. She's checking every corner of my house.
"Ay, Mam Lucy nandyan na po pala kayo!" Bati sa akin ni Ada na kalalabas lang sa kwarto. Suot pa din nito ang oversized shirt na ibinigay ko kagabi.
"Siya ba iyon?" Tanong sa akin ni Jessa saka ito lumapit kay Ada at hinawakan nito ang tiyan ng nagulat na babae. At kinapakapa iyon.
"Jessa, what are you doing?" Nilapitan ko na ito at pinigilan ng akma ay itataas nito ang damit ni Ada.
"Sinisigurado ko lang na buntis talaga ang babae na iyan! Baka mamaya kasi modus lang niyan ang pagpapanggap na buntis kuno!"
"You better stop this, Jess! Sumusobra ka na!"
"I'm just worried about you!"
"I'm fine! And I can take care of myself!"
"Bahala ka na nga lang!" Anito saka nagdadabog na umalis at ibinagsak pa nito ang pinto pagkalabas.
Napaigtad naman si Ada kaya hinawakan ko ito para payapain.
"Pasensya ka na sa kaibigan ko! Masyado lang talagang protective iyon!"
"Akala ko po girlfriend ninyo kaya po galit na galit sa akin."
"Yes, she's my girlfriend. Babaeng kaibigan.... Okay ka lang ba?"
Tumango lang ito.
"Nag lunch ka na ba?" Tanong ko matapos kong tingnan ang oras sa wristwatch ko.
YOU ARE READING
scared to love you
FanfictionMatindi ang pagkagusto ni Lucy na magkaanak, pero ayaw naman niyang magbuntis. She's willing to pay someone to carry a child for her pero bago pa niya magawa iyon ay literal na nakapulot na siya ng babaeng buntis sa basurahan. Si Ada itinakwil ng m...