Chapter 1

104 6 0
                                    

Lucy's pov

Nandito ako ngayon sa binyag ng anak ng isa sa mga bestfriends ko na si Precy. Pinagmamasdan ko sila ng long time partner niya na si Neri habang nag iikot sila sa mga bisita kasama ang baby girl nila na product ng IVF.

"Inggit ka na naman, girl! Mag anak ka na din kasi."

Napalingon ako sa isa ko pang bestfriend na si Jessa. Nilalagyan nito ng towel sa likod ang 3 years old na anak nitong si Ardie.

"Ardie, give Ninang Lucy a kiss and hug." Utos ni Jessa sa anak. Matapos nitong mapulbohan at malagyan ng towel ang bata na excited ng makipaglaro sa ibang mga bata na nandoon.

Agad namang lumapit sa akin ang inaanak ko at ginawa ang sinabi ng Ina. May bunos pa na 'I love you, Ninang.' Bago ito umalis para makipaglaro na.

"Bakit kasi hindi ka na lang makipag one night stand sa kahit sinong pogi na mahahalbat mo para mabuntis ka na!"

"Luka-luka! Hindi pa naman ako ganan kadespirada ano! Atsaka one night stand talaga? Never! I value my body and my virginity!"

"E paano kang magkakaanak niyan? Anong hinihintay mo? Lukuban ka ng ispirito santo para mabuntis ka din gaya ni Virgin Mary?"

"Wag mo ng pilitin iyang kaibigan natin. Iba ang nasa isip niya kung paano siya magkakaanak!" Sabat ni Precy na naupo na sa table namin, kasama pa din nito si Neri at ang bininyagan.

Kinuha ko kay Neri ang baby na inaanak ko din. Binuhat ko ito at inilapit sa dibdib ko, habang tinititigan ko ito ng puno ng fondness sa mga mata. I imagine myself carrying my own child.

"Diyos ko naman! Hindi ako pabor sa gusto niya na magbayad ng surrogate mother or lalo naman ang pag aampon! Ano ba ang malay niya sa dugo na dumadaloy sa gusto niyang ampunin!"

Vocal naman talaga sa pag tutol si Jessa sa gusto at balak ko, pero wala e. Lagay na talaga ang loob ko na ganoon ang gusto kong gawin para magkaroon ako ng sarili kong anak.

Hanggang sa magpaalamanan na kami ay ako pa rin at ang balak ko na magkaanak ang topic ng dalawa kong kaibigan. Nagkaroon sila ng sarili nilang debate. Si Percy na pabor at si Jessa na kontra. Pareho naman silang dalawa na may mga punto pero sa huli, sarili ko pa din naman ang masusunod.

.
.
.

Nakahinto ako sa traffic light ng mapatingin ako sa babaeng buntis na tumawid sa harap ng kotse ko. Pumakabila ito at dumiretso sa tumpok ng mga basura sa gilid ng kalsada. Hindi ko alam kung bakit na focus na dito ang paningin ko. Hindi ko mapapansin na 'go' na ang signal kung hindi pa ako binusinahan ng sasakyan sa likod ko. Inalis ko na nga ang tingin ko sa babae at pinaandar ko na ang kotse ko.

Pagdating ko sa bahay ko ay agad kong binuksan ang lahat ng mga ilaw. Nang kumalat na ang liwanag ay inilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng malaki kong bahay. Sagana sa mararangyang kagamitan at mga makabagong appliances ang bahay ko pero pakiramdam ko ay wala pa din iyong laman. Parang ako lang, I feel so empty inside, everytime na umuuwi ako dito sa bahay.

Naalala ko iyong mag iinang pulubi na nakikita ko sa gilid ng kalsada tuwing papasok ako sa opisina ko. Kahit wala silang bahay at halos walang makain sa araw-araw ay mukha pa din silang masaya. Hindi gaya ko na sagana nga sa lahat ng bagay pero hindi naman masaya. Walang pamilya, walang makasama.

Napabuntong hininga na lang ako sa kadramahang naisip ko. Marahil ay madami lang akong nainom kaya ako nagkakaganito.  Sumakay na ako sa elevator na magdadala sa akin sa kwarto ko. Nang nasa kwarto ko na ako ay naligo lang ako ng mabilis at ng matuyo ang buhok ko ay agad na akong natulog.

.
.
.

Nagising ako sa patuloy na pag tunog ng cellphone ko. Kinapa ko iyon sa tabi ko at saka dinala ko sa tenga ko, matapos kong i swipe para sagutin ang tawag.

scared to love youWhere stories live. Discover now