Tsunami

794 25 5
                                    

Dahil Jhocey day, mag lapag po tayo.

I hope you like this one :) advance sorry din if my errors.

Anyways, I hope you guys enjoy reading, and once again
Happy Jhocey Day! 🤙🏻

Ps. TW: Some self loathing and wanted to yeet themselves.

-----
Jhoanna's POV

My tears keep coming and coming. I've been kneeling here for who knows how long. I'm in a hidden garden at the back of my department's building at school.

It's like a safe haven for me. I've found it when I was desperate for a safe place and I have nowhere to go.

Just like what's happening right now.

I'm at the edge again. Burnout, ubos na ubos nanaman ako pero hindi kaya tumigil ng mundo para sakin.

Kaya wala akong choice. Kung hindi lumaban at kayanin ang lahat.

"Pero pagod na pagod na po ako." Sobs after sobs keeps spilling out, my hand is in front my mouth like it'll help in keeping them at bay but it just prove useless.

I'm trying my best naman eh. President of the council, pati si classroom. Kasama sa broadcasting club, theater club, minsan sumasali narin sa events and charity organizations. Aside from that I'm on top of my class. I can do all of them. Kaya talaga.

Pero baket gano'n?

Baket pakiramdam ko I'm still not enough.

Na hindi ko deserve lahat ng recognitions na natatanggap ko. Na kailangan ko pa mag pursigi ng mag pursigi. Na ang tamad tamad ko parin tignan, bobo, failure at disappointing.

Pinalo ko dibdib ko, paulit-ulit, kasi ang sakit-sakit na ng kirot. Iniisip ko na baka sakali kumalma ito. Yung ulo ko nakasubsob na sa damo, wala na akong pake kung ano mangyari saakin ngayong gabi.

Naramdaman ko nalang din ang dahan dahan na pag patak ng ulan sa aking balat.

Sige. Okay lang naman na. Baka ito na iyon.

Gusto ko nalang din mawala parang bula.

Humimlay na ng payapa at wala ng problemahin na kahit ano.

Iyon ang mga tumatakbo sa isip ko, hanggang sa mapagod nalang ang katawang lupa ko at nawalan ako ng malay.

-----

Una kong naisip ng magising ako ay ang sakit ng ulo ko.

Pangalawa ay wala nako sa damuhan, sa ilalim ng ulan, at nakahiga ako ng maayos sa isang malambot na kama, protektado sa mundong kay hapdi.

Napatayo ako ng mabilis sa thought na iyon, kaya lalo lumala pakiramdam ko.

Napahawak nalang ako sa ulo ko habang tinitingnan ang paligid ko.

Mukhang isang kwarto ng babae. Kung di banaman halos buong kwarto ay pink. Pero hindi siya masakit sa mata.

Sa katunayan, napapakalma ako nito.

So calming, it's weird.

I should be panicking right now, right?

I don't know where I am or who have brought me here.

But I remained seated, absorbing my surroundings. I noticed din na iba na suot ko at malinis ako. A plain white shirt and black pajama pants, na napaka bango.

Actually buong kwarto ay ang bango na kala mo binuhusan ito ng perfume sa bawat sulok nito.

Napatingin ako sa gilid ko at doon ko napansin ang salamin ko ay asa beside table, agad ko to kinuha at napagpasya na tumayo na. Nakita ko rin ang bag ko sa tabi ng table. Hindi ko na muna chineck at pumunta muna sa harap ng mga kurtina sa left side ng bed.

JhoCey ImaginesWhere stories live. Discover now