Misteryoso

757 13 3
                                    

Characters:

Samaira Samson - Stacey S.
Jennica Romano - Jhoanna R.
Miles Roque - Maloi R.
Callum Vargas - Colet V.
Athena Alonzo - Aiah A.
Mica Tan - Mikha L.
Samantha Cruz - Sheena C.
Georgie Alvera - Gwen A.

JhoCey Au wherein Samaira Samson, their company's receptionist has been admiring their resident architect Jennica Romano from afar, until something happened that made them crossed paths and finally interact.

-------
Samaira's POV

Ito nanaman ako, pasimpleng nakasilip sa office na malapit sa pantry.

Ano ba naman kasi itong babaeng to. Napakaganda. Magsimula sa kumikinang niyang buhok, sa matatalim niyang mata kung makatitig, sa matangos niyang ilong, at sa hugis puso niyang labi.

Dagdag pa na naka specs siyang pink. Nako talaga, favorite color ko patalaga.

Yung suot niya ngayon, napaka simple pero ang lakas parin ng dating.

Jusko po, awa nalang talaga. Kung itatanong ng Nescafe kung para kanino ako bumabangon.

Sakanya po, your honor! Hindi lang bangon. Layungin ko pang yang dagat at ipagtanggol ang West Philippines Sea.

"Hoy, Sammy! Ayan ka nanaman."

"Ay palaka!" Muntik ko na natapon ang kape na tinitimpla ko.

Sinamaan ko ng tingin ang nanigaw saken.

"Ano ba Sam no. 2, muntik na tuloy matapon to."

Ngumiti lang sakin ito pabalik, kitang kita ang dimples niya dahil dito.

"Anong Sam no. 2 kajan, hindi ko kasalanan na nagulat ka no." Samantha crossed her arms ,"Kakakape mo yan, pang ilan mo nayan ha."

Inirapan ko siya at tumingin ulit sa motivation ko mag trabaho.

Busy siya nag ttype sa laptop niya, nakikita ko lang actually ang side profile niya. Thankful talaga ako na halos glass windows ang ginawang pag seseparate sa mga offices.

Mas thankful ako na malapit pa talaga sa pantry office nila. Omg. Thank you, Lord.

"Hirap kausap talaga pag nakatingin kay Boss Romano."

Tinignan ko kaagad si Sam, "Wag ka nga maingay jan."

"Alam kaya ng lahat na baliw na baliw ka sakanya."

"Pinagsasabe mo." Sinabi ko tapos may inabot ako sakanya.

It's a sandwich. Favorite sandwich na lagi kong nakikita na pino-post ni idol sa IG story niya.

Gumising pa talaga ako ng maaga para makadaan don, kasi hindi naman talaga siya along the way to the office. Pero okay lang, basta para sakanya hihi.

Next time, passenger ko na siya, nakayakap sa bewang ko habang nag rroadtrip vroom-vroom skrr-skrr kami papunta roon.

"Ano to?" Tinapik ako ni Sam.

"Sandwich malamang. Bigay mo kay Engr. Alvera, tapos sabihin mo bigay niya kay Ar. Romano, tapos pasabi mo na pinabibigay ng future lahams niya."

Kinilig ako lalo sa sinabi ko, napa paypay tuloy ako sa sarili ko. Ih.

Tinignan ako ni Sam ng parang baliw nako, tapos tinignan ang sandwich na nasa kamay na niya, may nakadikit na sticky note as usual.

"Dami mong ebas. What if ayaw ko?"

Ngumiti ako sakanya, alam ko naman kahinahan neto eh.

"Ayaw mo ng burger steak meal with jolly spaghetti mamayang lunch?"

JhoCey ImaginesWhere stories live. Discover now