Chapter 4: Making Bonds with Friends

6 0 0
                                    

Inimbitahan Ni Dana Sina Archie Na Pumunta Sa Birthday Party Ng Kaniyang Lola Sa Kanilang Bahay

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Inimbitahan Ni Dana Sina Archie Na Pumunta Sa Birthday Party Ng Kaniyang Lola Sa Kanilang Bahay. Nagsabi Rin Si Archie Kina Cecille Na Pupunta Siya Sa Birthday Party Kasama Ng Kaniyang Circle of Friends

"Ate Cecille, Pupunta Po Si Archie Sa Birthday Party Kasama Sina Dana." Saad Ni Archie

"Oo Naman, Nag-chat Sa Akin Si Dana. Birthday Party Ng Lola Niya Ang Pupuntahan Niyo, 'Di Ba? Ano'ng Oras Ba Matatapos Ang Party?" Tanong Ni Cecille

"Alas-singko Po Ang Simula Ng Party, Tapos Alas-otso Naman Po Matatapos. Uuwi Rin Po Kami Pagkatapos. Sabi Ni Dana, Pupuntahan Nya Lang Daw Niya Ako Para Makapunta Kami." Sagot Ni Archie

"Sige. Sinabihan Ko Rin Naman Si Dana Na Lagi Kayong Mag-a-update Sa Amin Ng Pics and Vids." Sagot Din Ni Cecille

"Okay, Nakabihis Na Rin Po Si Archie. Hinihintay Ko Na Lang Si Dana." Saad Ni Archie

"Bagay Pala Sa'yo 'Yung Ganyang Damit Na Bigay Sa'yo Ni Daddy. Ang Ganda Ng Damit Na 'Yan." Pagkamangha Ni Cecille Nang Marinig Ang Doorbell at Saktong Nandu'n Sina Dana

"Archie! Tara Na, Punta Na Tayo Sa Party! Malelate Na Tayo!" Sigaw Ni Dana

"Sige Po, Aalis Na Ako. Bye, Ate Cecille. Bye, Mama." Paalam Ni Archie

"Sige, Anak, Mag-iingat Ka Palagi." Sagot Ni Rosalie

Nang Nakapasok Sa Venue ng Party Sina Archie, Dala-dala Ang Kani-kanilang Mga Regalo, Matiyaga Nilang Hinintay Ang Party Dahil Nais Ni Archie Na Maranasan Ang Ganitong Klaseng Party Kasama Ang Mga Kaibigan

"Dana! Buti Na Lang Nandito Ka Na! Sino 'Yang Mga Kasama Mo?" Tanong Ni Mrs. Ramos Na Mommy Ni Dana

"Sila Po Ang Circle Ko, Mommy. Everyone, This is My Mom." Paliwanag Ni Dana

"Hello Po, Tita. Kami Po 'Yung Circle Ni Dana. Nandito Sina Archie, Rosemarie, Ako, Darius, Adam, Jannah, Alyana, at Paul." Sagot Ni Nicole

"Nice To Meet You All! Kayo Pala 'Yung Circle Ni Dana. Sige, Upo Na Kayo Para Makapagsimula Na Ang Party." Sagot Ni Mrs. Ramos

Nang Nagsimula Ang Party, Nag-usap Sina Archie Kung Ano Ang Gagawin Para Sa Weekend Dahil Sa Mga Araw Na Iyon, Wala Na Silang Gagawing Takdang-aralin at May Pagkakataon Din Sila Na Makasama Ang Kanilang Pamilya Sa Mga Araw Na Iyon

Hindi Nagtagal, Sa Kalagitnaan Ng Kainan Ng Mga Dumalo, Biglang Umugong Ang Speaker at Dahil Dito Ay Naingayan Si Archie. Wala Na Siyang Ibang Ginawa Kundi Takpan Ang Kaniyang Mga Tenga Dahil Naaapektuhan Ito Sa Ingay Ng Speaker

"Aray...Sakit Sa Tenga. Ang Ingay. Aray!..." Hindi Na Nakapagpigil Si Archie Sa Ingay ng Speaker. Pero Nilagyan Siya Ni Paul Ng Earplugs Para Hindi Na Maingayan si Archie sa Speaker. Pinatay Ng Nakatatandang Pinsan Ni Dana Ang Microphone na Naging Dahilan Upang Umugong Ang Speaker at Upang Maingayan Si Archie at Agad Humingi Ng Pasensiya Ang Event Organizer Sa Mga Dumalo Sa Party at Saka Nila Ito Ipinagpatuloy

My Sweet BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon