Chapter 15

205 19 3
                                    

Gavin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Gavin.

"Saan ba masakit? Iki-kiss ko."

Nadapa kasi ako habang tumatakbo kanina sa race. Kaya ang ending natalo na nga, nadapa pa. Double kill!

Naramdaman ko nga na may tumulak sa'kin dahilan para madapa ako kanina. Bwisit siya!

Nandito kami ngayon sa clinic dahil ginagamot ni Javi ang sugat ko. Nakukuha niya pa talagang magbiro kahit na umiiyak na ako. Bakit kung kailan ako naging nursing, ngayon pa talaga ako madalas masaktan? Kahit anong ingat ko, wala talaga.

"Ayan, okay na." saad niya. "Next time kasi huwag ka na sumali sa gan'yan, alam mo namang hindi mo kaya eh."

Napatigil ako sandali sa pag-iyak at tumingin sa kanya.

"Wala naman talaga akong balak sumali sa race kung hindi niyo lang sana ako pinigilan pumuntang faculty noong isang araw. Edi naalis ko sana yung pangalan ko sa list ng participants." mangiyak-ngiyak kong sambit sa kanya habang kinukusot ang mga mata ko.

Marahan siyang natawa at tumabi sa'kin. "Yakapin nalang kita..." malambing niyang bulong sa tenga ko at niyakap ako.

Hindi ko naman maiwasang mapangiti sa ginawa niya at yumakap din ako pabalik sa kanya. Pero naramdaman kong parang may kakaiba sa mga kilos niya.

"Hindi ba I told you na magi-ingat ka palagi? Paano kapag in the future nawala ako bigla sa tabi mo?" sabi niya dahilan para kumalas ako sa yakap niya.

Tumingin ako sa kanya ng seryoso na may namumuong luha pa sa gilid ng mga mata ko. "Mawawala ka?" tanong ko. "Bakit? Saan ka pupunta?"

"Kaya nga sabi ko 'paano', hindi ko sinabing mawawala talaga ako. Paano kung sobrang busy na ako? Paano 'di ba kung wala na akong time palagi sa'yo? Paano kapag wala ako sa tabi mo?" paliwanag niya. "Hindi naman ako palaging nasa tabi mo o palaging nand'yan para sa'yo sa lahat ng oras. May ibang bagay rin akong ginagawa, Gavin. Kaya sana mag-ingat ka at alagaan mo yung sarili mo para hindi ako nag-aalala." dagdag niya.

Tumalikod ako sa kanya at pinigilang hindi muling bumagsak ang luha sa mga mata ko. Naramdaman kong yumakap siya mula sa likod ko at inilapat ang chin niya sa balikat ko.

"Huwag ka nang magtampo. Maiintindihan mo rin 'yang sinasabi ko." sambit niya habang mahigpit siyang nakayakap sa'kin. "I love you." bulong niya sa tenga ko dahilan para mag-init ang magkabilang pisnge ko.

Napangiti ako ng bahagya dahil sa sinabi niya. Parang pakiramdam ko nakukuryente ako sa tuwing sasabihin niya ang salitang 'yun dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko tuloy maiwasang hindi kiligin.

"Wala man lang I love you too?" reklamo niya at umiling lang ako sa kanya.

Hinigpitan niya ang yakap sa'kin at napansin kong ipinikit niya ang mga mata niya. Medyo nakikiliti pa nga ang balikat ko dahil sa maliliit na tubo ng balbas niya.

I Wrote Something About You Where stories live. Discover now