••
•-•• - - - •••- •
-•-- --- ••-,
--• •- •••- •• -•-•---
"May sticky notes ka na naman sa locker mo?" natatawang tanong sa'kin ni Jaydee at kinuha ang sticky note na nasa kamay ko.
"Kanino naman kaya nanggagaling 'yan? Magpalagay kaya sila ng cctv dito?" saad naman ni Pau.
Ilang days na rin ang nakakalipas at madalas akong makatanggap ng mga morse code na nakasulat sa sticky notes. Kinikilig pa nga silang dalawa habang ako ay kinikilabutan na dahil hindi namin malaman kung kanino nanggagaling 'yun plus hindi pa namin maintindihan ang mga nakasulat doon.
Kapag talaga nagkaroon ako ng time ay ako na mismo ang aalam kung anong ibig-sabihin no'n. Pero the real question here, kanino naman kaya nanggagaling 'to?
"Ayun ang aalamin ko." sagot ko at napatingin sa kawalan.
"Ganap na ganap si bading oh!" asar ni Jaydee. "Detective 'yarn?"
Nagtawanan lang silang dalawa ni Pauleen pero agad din naman kaming napatigil nang biglang may nagsalita sa likuran namin.
"Puro pagchi-chismisan nalang ba gagawin niyo rito?" pagputol ni Mr. Won. "Balik sa trabaho!"
Napayuko kaming tatlo at dahan-dahang naglakad papalabas ng locker room. Pinipigilan ko nga ang tawa ko dahil sa itsura nung dalawa.
"Kapag 'yang si tanda naging pasyente ko in the future. Lagot sa'kin-" hindi na naituloy ni Jaydee ang sasabihin niya nang magsalita ulit si Mr. Won.
"Narinig ko 'yon!"
Disaster talaga...
BINABASA MO ANG
I Wrote Something About You
RomanceNagsimula lang naman ang lahat ng problema at challenges ni Gavin nang pasukin niya ang medical course na nursing. Sa kanyang panibagong journey ay makikilala niya si Javi, ang cute at knight in shining armor guy na handang tulungan si Gavin sa kahi...