Chapter 8 (Part 6)

81 16 0
                                    

Gavin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Gavin

Dumating ang araw ng sabado, ang araw kung kailan ako pinapapunta ng prof namin sa bahay nila. Sabi niya sa'kin ay ibabagsak niya raw ang grades ko kung hindi ako pupunta sa kanila kaya wala akong choice kundi ang pumunta ro'n.

Mabait at seryoso naman ang prof na 'yun kaso may iba kasi akong kutob sa kanya. Parang ganito yung mga napapanood ko sa mga palabas eh. That's why I asked Harry na samahan niya ako ng patago para if ever man na may mangyari sa'king masama, siya ang mananagot este siya ang magtatanggol sa'kin.

"Tara na-"

"What the sigma- huwag ka ngang padalos-dalos, Gavin." pagputol niya sa sasabihin ko at hinawakan niya ako sa kamay para pigilan ako. "May isa pa akong plano."

Nagkunot naman ang noo ko. "Oh, sige. What's your plan po Harry Styles?" pagbibiro kong tanong sa kanya.

Plano-plano pa eh outing nga namin nung highschool hindi na natuloy, plano nalang.

"Tatawag na ako ng pulis-"

"Gago ka ba?!" pagputol ko sa kanya. "Hindi pa nga natin sure kung bakit niya ako pinapapunta do'n eh."

"So pathetic! Then what's your plan? Tinawag-tawag mo pa ako tapos 'di mo rin naman pala tatanggapin suggestion ko." wow improving ang tagalog niya bes!

"Hindi tayo pwedeng magpadalos-dalos. Chill lang then kapag sure na nating may masama siyang balak, do'n mo na sugurin." paliwanag ko sa kanya pero napakamot lang siya sa ulo niya.

"Alright! Don't blame me if you get hurt there. I warned you." seryoso niyang bilin sa'kin.

Nang makarating kami sa address na ibinigay sa'kin ng prof ko, parang gusto ko nalang umatras sa pagpunta ro'n. Parang naiihi ako sa kaba.

"Pwede ka naman hindi tumuloy, if you don't want to, Gavin." aniya.

"Ayokong bumagsak." sagot ko sa kanya.

"I know. Basta kapag may nangyaring masama sa'yo, just call my name. I'll be there to protect you." sambit niya.

Nagtago siya sa gilid ng bahay na pinuntahan namin. Huminga ako ng malalim bago pindutin ang door bell. Umatras ako ng kaunti habang hinihintay ang taong lalabas sa pinto.

"Sandali!!!" rinig kong sigaw mula sa loob. Nakita kong unti-unting nagbukas ang pintuan. "Ano ba 'yan umagang-umaga may magdo-doorbell!" reklamo ng isang babae na nasa likod ng pinto.

Nagkatitigan kami at kitang-kita ko ang magugulo niyang buhok at malalaki niyang eye bags, mukhang kagigising niya nga lang. Anak ata siya ng prof namin.

"Ano hong kailangan mo?" pagtanong nito habang kamot-kamot ang kanyang buhok. Mukhang badtrip ata siya.

"Ah, dito ba nakatira si Prof. Danilo-"

"Hindi! Sa kabilang bahay 'yon! Sa tapat namin! Istorbo naman!" pagputol niya sa sasabihin ko at agad na sinara ang pinto. Sobrang lakas nga no'n dahilan para magulat ako.

Napakamot ako sa ulo ko at bumaling ang tingin ko sa direksyon ni Harry kung saan siya nagtatago kanina. Tinitigan ko lang siya habang tumatawa siya ng malakas. 

"Tawang-tawa?" naaasar kong tanong sa kanya.

"It's so funny eh." natatawa niyang sagot.

"It's so funny eh- bahala ka nga!" naiinis kong pag-uulit sa sinabi niya at nagdadabog na umalis do'n. 

Nagpunta ako sa harap ng bahay na pinuntahan ko kanina. Sana naman tama na talaga 'tong pinuntahan ko este namin, sumunod pala siya sa'kin. 

Muli akong napabuntong-hininga at dahan-dahan kong pinindot ang door bell. Agad namang nagtago si Harry sa gilid ng bahay na pinuntahan namin ngayon. Later on, nagbukas ang pintuan at lumabas ang prof namin mula sa pinto.

Ngumiti siya sa'kin. "Gavin? Buti pumunta ka. Akala ko hindi ka pupunta eh." pagbati niya sa'kin. "Ang laki-laki mo na." sabi niya habang pinipisil-pisil ang braso ko. "Pasok ka na."

Hindi ko naman maiwasang mapalunok. Nauna siyang pumasok sa loob at napatingin naman ako sa direksyon ni Harry, sinenyasan niya ako na pumasok sa loob ng bahay ng prof namin.

Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko dahil sa kaba. Hindi ko alam ang mangyayari o kung anong balak sa'kin ng prof na 'to. Pero isa lang ang ayaw kong mangyari sa'kin, at 'yun ay ang ibagsak niya ako. 

Malakas kasi ang kapit niya sa school katulad nung terror naming prof kaya I don't think paniniwalaan ako ng may-ari ng school if ever man na may gawing masama sa'kin ang prof na 'to.

Pagpasok ko sa loob, ramdam na ramdam ko ang pagtaas ng mga balahibo ko. Bahala na! Nand'yan naman si Harry, alam kong tutulungan niya ako kung sakali mang mayroong masamang mangyari sa'kin.

"Upo ka." utos nito sa'kin habang nakangiti. "Ito, inom ka muna ng tubig."

Do'n ako mas lalong kinabahan. Ganitong-ganito yung mga napapanood ko. Papainumin tapos may hinalo palang pampatulog. Tapos- ayoko na ngang mag-isip nung gano'n! Mas lalo akong napa-praning eh!

"May kukuhain lang ako, maging comfortable ka d'yan ha? Babalik din ako agad." paalam niya sa'kin at umalis sa harapan ko.

Pagkaalis na pagkaalis lang nung prof na 'yun ay nakita kong agad na pumasok si Harry sa loob at nilapitan ako. Kinuha niya ang baso na may laman na tubig at inamoy ito.

"I have a different feeling about his plan. Shall I call the police na ba?" he asked me.

I was about to nod at him when my prof suddenly came, he seemed stunned while I was so nervous about what was happening. Mukhang gulat na gulat nga siya nang makita niya rin si Harry na nandito sa bahay niya.

"Oh, may kasama ka pala-"

Harry faced him. "I know you are older than us but because of what you are planning to do, you are not respected." pagputol niya sa pagsasalita ng prof ko.

My prof frowned and looked at my direction. "What's going on here, Gavin?" my prof asked me.

Super kabadong-kabado ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Nanginginig ang kamay ko at walang salitang lumalabas sa bibig ko.

"Just try to do what you're planning to do with Gavin, you'll be screwed." maangas na sagot ni Harry sa kanya.

"Anong plano iho?" patay-malisya nitong tanong kay Harry. Napatingin siya sa'kin. "May plano ba, Gavin?"

Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso dahil sa takot. Naramdaman kong napatingin sa'kin si Harry at hinawakan niya ang kamay ko.

"Tinatakot-takot mo pa si Gavin na ibabagsak mo siya. What do you want to do with Gavin? Why are you sending him here?" Harry asked angrily.

Pero bigla kaming natigilan nang may ilabas siya mula sa likod niya. Nanlaki ang mga mata ko at napalunok ako dahil sa nakita ko. Napatingin din si Harry do'n habang nakakunot ang noo niya. Anong balak niyang gawin?

"Ang gusto ko lang naman, maibalik ang mga tupperware ng mama mo."

I Wrote Something About You Where stories live. Discover now