"Hey! How's Paris?" someone barged in and sat down on my sofa. Kahit kailan walang modo. Bahay niya ba 'to? Makapasok agad akala niya welcome siya dito. "Where's my perfume?" prente siyang umupo habang nakalahad ang mga kamay sa akin.
Pumunta ako ng Paris because I was invited sa isang fashion show ng isa sa aking designers. Di pa nga ako nakakapagpalit ng damit ay may asungot na nakapasok sa pamamahay ko. It's time to change my password. Baka mamaya di lang siya ang makapasok dito.
"May patago kang pera?" tinaasan ko siya ng kilay. Ang kapal talaga ng mukha. Di ko pa nga nabubuksan ang maleta ko, pasalubong na agad ang gusto niya. Di nga ako nakabili ng para sa akin tapos aasa siyang meron para sa kanya.
"Bro, ang damot mo. Madami ka namang pera, libre mo na sa akin 'yon" nakatanggap siya ng masamang tingin galing sa akin. Ano akala niya sa akin tumatae ng pera? And also marami din naman siyang pera kaya bakit di siya bumili ng kanya. Makapal na nga ang mukha, kuripot pa. Mas mayaman pa nga siya sa akin.
"Wala ka bang trabaho at namamalimos ka sa akin, Cian?" tinalikuran ko siya at humarap sa full body mirror na nasa sala. Inilugay ko ang mahaba kong buhok na naka high pony tail. Medyo sumasakit na ang anit ko sa sobrang higpit ng pagkakatali ng hair stylist ko. Ganto pala ang feeling ni Sandara Park tuwing nakaipit yung buhok niya ng ganto noon.
"Di ba pwedeng, naniningil lang ako" nakita ko sa reflection ng salamin na tumayo siya at kinuha ang maleta ko. Binuksan niya iyon at ginulo lahat ng gamit ko. Buset talaga kahit kailan. Lagi nalang, Lucian. Napabuntong hininga nalang ako kasi kulang nalang pati lalagyanan ko ng panty ilabas niya.
Ang gamit ko ay gamit niya rin. Pero ang gamit niya ay di ko pwedeng pakialaman dahil sa kadamutan niya. Where's the justice here?
Hinarap ko siya at lumakad papunta sa kanya. "Ano naman ang utang ko sayo? Wala naman akong atraso ah" Nakapamewang kong sabi. Di naman ako nangutang sa kanya. At never akong mangungutang sa kanya.
Napatigil siya sa paghahalungkat sa gamit ko at tumingin sa akin na parang nasaktan sa sinabi ko "Wow, Soraya! Really? 10 years mo na akong hinahabol pero di mo parin alam?". Pinagsasabi nito? Tumabi ako sa kanya at inayos ang mga kinalat niya. Para tuloy akong nanay na nag aayos ng mga kinalat ng anak niya.
"Nakasinghot ka ba ng katol?" masyado siyang high. Nabubuang na. Siya ata ang dikit ng dikit sa akin sa sobrang pagkaclout chaser niya. 10 years na kami magkasama dahil sa industriya namin. We are acting for a living. And its rare na sa 10 taon ay magkaibigan parin kami. Well sa mata ng iba ay may relasyon kami na nakakawtf nalang.
Me and Cian? Oh please, nakakasuka. Di kami talo. Di na rin namin nilinaw dahil di naman big deal. Normal lang naman ang shipping sa mga katulad naming mga nasa showbiz. Pero sana naman pumili sila ng maayos na ishiship sa akin.
I admit na Lucian is attractive. He is a hot guy with a bod of an athlete. Di ko alam kung saan niya nakuha yang abs na yan sa sobrang patay utom niya. Dahil sa mukha at katawan niya ay maraming nababaliw, swerte nila na di nila alam ang ugali niyang nakakairita. Magulo, feelingero, mahangin, and higit sa lahat ay isa siyang mapagpanggap.
Pag may camera akala mo kung sino ang santo o di kaya ay prince charming. Yung mukha niya ay napakaamo pero behind the scene ay kung ano-anong kapilyuhan ang ginagawa. Di ko nga alam kung bakit hanggang ngayon ay ang linis ng image niya sa iba samantala sa akin ay mataray at ate chona.
Sumama ang tingin niya sa akin "Nakakasakit ka na, Ray". Ano na naman? Wala naman akong ginagawa sa kanya. Naguguilt tuloy ako nang walang dahilan. Ano ba ang dinadrama nito?
"Di mo talaga naalala? Grabe ka, habang ang buong Pilipinas ay nagdiriwang, ikaw naman ay kinalimutan mo!" Ok. He look so serious. Gaano ba kalaki ang kasalanan ko sa kanya? Di ko talaga maalala. Ano ba ang meron? Ano ba ang petsa ngayon?
Kinuha ko ang hand bag ko at nilabas ang phone ko. Today is June 17. June 17?
Oh shoot!
Tinignan ko siya at ngumiti. I don't care if I look so guilty right now because guilty naman talaga ako. "Happy Birthday!" bati ko sa kanya. Nakalimutan kong birthday niya kahapon. Wala naman kasi ako dito. Nasa Paris ako, nagbabakasyon. Nawala na sa isip ko ang birthday niya dahil masyado akong nawili sa ibang bansa.
"Belated Happy Birthday" diin niya sa akin. Napabuntong hininga ako para naman gumaan ang guilt ko. Kahit ano pa ang explanation ang ibigay ko, nakalimutan ko parin ang birthday niya. Worse thing is di ko binili ang perfume na binilin niya bago ako umalis nung isang araw.
"Hindi mo na nga ako binati bago ka umalis, hindi mo rin ako binati ngayong bumalik ka. Mukhang hindi mo pa ako binilhan ng kung ano man. There's nothing for me in your luggage" reklamo niya. "How dare you, Soraya. Lagi mo nalang ako kinakalimutan. Are you really my friend? Do you really think of me as your friend?" ok OA na siya. Masyado na siyang dramatic. Pag nagdadrama na siya ng ganto ay iisa lang naman ang gusto.
Inirapan ko siya "Fine! I'll treat you somewhere. Pick the place, ako na magbabayad". Kita kong lumiwanag ang mukha niya. Iyon lang naman ang gusto niya eh, libre. Sa libre nalang umaasa. Baka nga pati free taste at free testing sa mall ay patusin niya.
"You sure about that?" nakangiti niyang tanong sa akin. "Let's watch 'The Bachelors' gig. Diyan sa may Dark Mirror Tavern" sumama ang mukha ko sa sinabi niya. Sa bar? Tapos kaming dalawa lang? Wag nalang baka mamaya nasa headlines na naman kami ng mga sites na puro naman fake news.
"Don't worry, private club naman yun. Safe tayo magparty. Invite ko rin sila Elo, Vira, and Kai para mas masaya" di ko na siya pinansin, tumayo ako at pumasok sa kwarto ko. Hinayaan ko na siya kung ano ang plano niya. Birthday niya naman kahapon. Oh diba parang isang araw ko pa lang nalimutan yung birthday niya, mukhang malaki na ang magagastos ko.
I lock the door and take off my clothes to get ready for bath. Dry na ang balat ko dahil halos 15 hours ang flight ko.
The Bachelors huh. The band of elite guys who perform for pleasure. Will he be there? Wait, ano klaseng tanong yan. Malamang nandun siya, Soraya. Siya ang guitarista nila. May banda bang walang guitarista? Isip- isip din minsan.
Binuksan ko ang shower at hinayaan mabasa ng tubig sa katawan ko. Looks like we will meet again. After taking me, you left without saying anything. Let's see kung anong ekspresiyon ang gagawin mo once you see me, you fucker. Aelius Cole Wellington.
BINABASA MO ANG
Under The Spotlight
RomanceSpotlight Series #1 "Let's see what face will you make once you see me again, Aelius Cole Wellington"