"Good evening, Madam" I was greeted by a big, bulky, and gangster-looking bouncer after opening the door for me. Dapat ba talaga mga mukhang gangster ang mga bouncer? Nasa requirements ba yun?
"Good eve, Mr. Bouncer" I smile at him and he look stun. Ganun ba talaga ako kaganda sa paningin niya at natulala siya sa mukha ko? Maliit na bagay. Sanay na ako sa mga ganyan.
Iniwan ko siyang nakatunganga doon at diretsyong pumasok sa loob. The interior inside screams luxury. Mukhang mamahalin talaga. Now I know why 20,000 ang nawawalang pera sa akin.
As I looked around, I recognized a lot of faces—from influencers to my fellow actresses. Meron din ibang business person na nakikita ko sa news ang nandito sa loob.
I never expect that many famous people were interested in seeing "The Bachelors" perform.
Dalawa lang naman ang nasa isip kong dahilan kung bakit. Una ay business related at ang pangalawa ay for flirt issues lang.
Siyempre isa ako sa pangalawa. Papahuli pa ba ako? Naunahan ko na nga sila sa kama, sa landian pa kaya.
Hello? Magpapaiwan ba ako sa kanila? Wala ka nang makikita na lalaking mayaman, gwapo, at malaki.... yung bahay! Malaki yung bahay.
The Bachelors raised the bar. Bibihira na nga lang ang tulad nila sa mundo tapos nagsama-sama pa sila. Magandang blessing ni lord.
"Soraya is that you!? Oh my gosh, it's been a while!" tumingin ako sa kanan ko at nakita ko ang isang maganda, matangkad, at maputing babae. Agaw pansin ang nunal niya sa bibig at ang damit niyang halos parehas sa akin.
Wow, nakakawala ng mood yung suot niya. Gusto ko na tuloy magpalit. Ilang oras akong nag ayos tapos may kaparehas lang ako. No way.
"Oh hi! How have you been?" despite the irritation I smile and hug her. Hindi ko siya kilala pero dahil sabi niya 'it's been a while' edi magfeeling close nalang ako. Masabihan pa akong maldita nito sa social media edi sisikat na naman ako niyan. Nasa number one trending na naman ako.
"I'm so glad you ask! Did you know that I got a new project this year? And I got the main character role! I'm so lucky right?...." para akong istatwa na nakangiti lang sa kanya habang nakikinig sa mga kwento niya na hindi ko na alam kung saan na papunta. Pumapasok nalang sa tenga ko at lalabas sa kabila lahat ng sinasabi niya.
Now I know why I don't really remember her. She's such a chatty person. Hindi mo maaalala ang mukha niya pero tatatak sa isip mo yung bilis ng pagsasalita niya at yung nunal niya sa bibig. Naniniwala na ako ngayon sa mga pamahiin tungkol sa nunal.
Can somebody save me from her? Di pa nga ako nagsisimula lumaklak ng alak, drained na agad ako. Nakakaubos ng social battery.
"How about you? How's career?" I stop daydreaming about alcohol when she suddenly ask me while clinging to my arm. Close ba kami nito?
Hinawakan ko ang kamay niyang nakapulupot sa akin ay inalis iyon nang dahan-dahan.
"Umm... It's great. Just resting for a bit." how I hate when people ask about work when I'm obviously out to play. Nagwiwindang nga yung tao tapos mangbabasak trip siya. Nagpapawala nga ng stress tapos ibribring out niya yung cause of stress ko.
"Excuse me, I'll just go to the restroom" excusing myself is the safest thing to do. If no one will save me in this conversation then I'll save myself. Aalis na ako bago pa man maubos lahat ng energy ko sa katawan.
"Yeah sure, it's nice catching up with you. See you later, girl" we hug each other again before we walk away. Thank god natapos din. I'm not that introverted, but being with someone who talks so much just drains me. Di ako makasabay sa mga trip nila.
BINABASA MO ANG
Under The Spotlight
RomanceSpotlight Series #1 "Let's see what face will you make once you see me again, Aelius Cole Wellington"