Chapter 8: Beauty
"So, why did you two come here?" tanong ko sakanila dahil sa biglaan nilang planong pagpunta dito sa bahay.
"Ayaw mo na yata kami makasama, Elle." sagot ni Cren habang iniikot ang mata sa loob ng bahay.
"Wala. Study?" Rin shrugged her shoulder. "Boring kasi sa bahay." saad niya pa bago sumandal sa sofa.
Umupo ako sa sofa. "Let's just do group study, sayang ng oras. Lunes na sa susunod na araw, eh."
"Sure. Agree." agarang sagot ni Rin bago sumipsip sa juice.
Nilingon ko ito. "Bakit naman boring sa bahay niyo? 'Asan si Andrew?" tukoy ko sa nakababata niyang kapatid. "Si tita at ate Ruki? May kasama ka namang kasambahay sa bahay niyo, ah?"
Mas lalong sumimangot si Rin. "Busy si Andrew sa PreCal niya. Baka batuhin sa'kin calculator no'n pag-ininis ko. Si mom naman bumisita kay tita, kapatid niya. At syempre 'yong kasambahay namin nasa bahay! Ang gusto ko kasi makausap ay ka-edad ko."
Ngumuya ako ng cookies. "Nandiyan si Saia sa kusina. Feel free to talk with her." biro ko sa babae.
Rin rolled her eyes to me. "Magseryoso ka nga din kahit ngayon."
Makapagreklamo 'kala mo kung palaging matino kausap e!
"Bakit 'asan father mo, girl?" singit ni Cren.
Natamihik naman kami ni Rin dahil sa tanong ng lalaki bago nagkatinginan.
I cleared my throat.
"He's already in heaven, Cren." sagot ko sakaniya dahil walang lumabas na kataga sa labi ni Rin.Napatakip ng bibig si Cren bago humarap sa'kin at inilipat ang tingin kay Rin. "Oh, sorry for that, Rin. I didn't mean to. Condolence."
"No, it's okay." iniangat niya ang ulo niyang nakayuko. Kita ang pagpipigil niya sa kaniyang luha ngunit bigo at nagsimula ng magbadya sa kaniyang pisngi.
I feel sad for my best friend. Nitong nakalipas na taon lang nagpaalam si tito dahil nagkaroon siya ng sakit. And Rin still affected because of his Dad's suddenly leaving. She said that their time isn't united yet. That they had a lack of connection and before his dad left, she didn't fulfill that stray pieces.
Umusog ako at binalot ang dalawang braso sakaniya. Pati si Cren ay lumapit na din at nagsimula ng hagurin ang likod ng babae.
"Hey, it's okay. We're still here, got it? Hindi ka namin iiwan. Right, Cren?"
"Oo nga. May masasandalan ka kapag may problema. Kahit na sa madaling panahon lang tayong tatlo nagkakilala, itinuturing ko kayong mabuting kaibigan. Kayo nga din lang ang tumanggap sa pagkatao ko. Kasi ang pamilya ko hindi tanggap na bakla ako, eh. Si ate lang din."
I reached Cren with my left arm and hugged him too. Ilang minuto kaming nagyakapan at nagpalitan ng aliw sa isa't-isa.
"Basta ang proton, kay Ernest Rutherford. Ang electron, kay JJ Thompson at ang neutron ay kay James Chadwick. Nakakasunod ka ba, Cren?" tanong ko sa lalaki. Pinag-aaral namin ngayon ang core subject na Physical Science.
"Oo, pero wait lang. I-take down notes ko muna para 'di ko makalimutan."
Tumango naman ako bago tumingin Rin na nakasubsob ang mukha sa mesa.
"What about you, Rin?"
"I'm already done with that." walang gana niyang sagot.
We're at the living room to study. Dito nalang daw kasi sabi nila.
Nakaisip ako ng sasabihin. "You know, Rin. Seprein came here lately to chitchat with my brother."
Gaya ng inaasahan, bigla itong napabalikwas. "Really?!" hindi makapaniwalang tanong nito.
YOU ARE READING
Even Love
RomanceDid you know about God? Or do you believe in God? Will your life's really going to change if you meet Him? Ellesia Acion, a 17 years old girl who likes a guy named Arklow Franio that lives in the same village as her. She finds out that he is a Born...