Chapter 1

489 2 0
                                    

Ang pagmamahal minsan di natin inaasahan na mararanasan sa kakaibang paraan...

Sino nga bang makakapagsabi ko sino ang dapat at hindi dapat mahalin...

Hindi ba't ang sarili din natin.. Kahit sabihin ng iba na mali pinagpapatuloy pa rin natin dahil doon tayo masaya...

At yan ang di akalain ni Chandra na mararanasan niya....

Mga bata palang sina Chandra at Miyuki ay matalik na silang magkaibigan. Hanggang sa magtapos sila ng hayskul ay di sila mapaghiwalay.

Minsan nga ay tinukso sila ng mga barkada nila noong kolehiyo na baka sila na raw ang magkatuluyan dahil sa sobrang close nila sa isa't-isa...

''Hoy! Chandra kelan mo ba balak na magpakilala ng jowa sa 'kin ha???'' pangungulit ni Miyuki sa kanya. Palibhasa kasi ay kilalang play girl ang kaibigan, halos buwan-buwan ay may bagong boyfriend na pinapakilala sa kanya.

''Hay naku! Miyuki ayan ka na naman sa pangungulit mu sa 'kin ha!! Pwede bang tigilan mo muna ko tungkol diyan?'' awat niya.

''Eh pa'nu kita titigilan eh simula ng pinanganak ka wala ka pang nagiging jowa nuh! Parang gusto ko na tuloy maniwala sa mga tsismis ah....''

''At anu naman yang tsismis na yan??'' ang totoo alam niya kung ano yun, maraming tsismis na kaya daw wla siyang boyfriend ay dahil tomboy siya. O kung hindi naman siya tomboy eh tomboy ang hanap niya...

'''Sus! parang hindi naman niya alam! hoy bruha ikaw nga umamain ka sa 'kin ha! ano ka ba talaga ha???''

''Tao ako bakit di ba halata?? hahaha'' pagiiba niya sa usapan..

''pwede ba hindi yan ang tinutukoy ko ha!'' yamot na sagot sa kanya ng kaibigan... ''ang ibig kong sabihin kung tomboy ka ba talaga??''

''Eh panu kung sakaling tomboy nga ako , iiwasan mu na ko?'' alam niyang di talaga siya titigilan ng kaibigan hangga't di siya nagbibigay ng matinong sagot kaya sasakyan na lang niya lahat ng sasabihin nito.

''Huwaaaaaaat!!! Aba teh! umaayos ka nga diyan! keganda-ganda mong babae magpapakatomboy ka???''

''Hoy! eksaherada masyado ang reaction mo diyan! sabi ko PAANO KUNG lang! hindi ko sinabing tomboy nga ko!!!''

''Aaaaahhh! kahit na teh! kakakilabot pa rin yang sinabi mo... isipin ko pa lang tumatayo na balahibo ko!''

''So hindi mo na nga ituturing na kaibigan kung ganun nga ang mangyayari??'' may halong pagtatampo na sambit niya.

''Ofcourse not! anu ka ba! simula ng magkaisip tayo ikaw na ang lagi kong kasama, ngayon pa ba kita lalayuan?? OA teh ha!'' sabay hampas sa braso ng kaibigan.

''Thanks bakla! hehehe'' naisip niya na nakalusot na naman siya sa pangungulit ng kaibigan..

''Basta teh hangga't maaari wag naman sana kabaro natin ang patulan mu, sayang ang beauty mo teh kung ibuburo mo lang....'' pahabol ni Miyuki sa kanya.

''Oo na po, ikaw na talaga ang pinakamakulit kong kaibigan. Hindi ko alam kong paano ko nakatagal sa kakulitan mo.''

''Naman! kahit makulit ako ako lang din naman ang nag-iisang pinakamagandang kaibigan mo na kakampi mo sa lahat ng oras nuh!!!'' may pagmamalaki na sabi ng kaibigan.

''Hahahahha! oo na nga!'' wala na siyang masabi kung hindi sumang-ayon nalang...

''Napipilitan teh?? napipilitan ka lang ata eh??'' pang-aasar nito sa kanya.

''Hahaha! hindi nuh!''

''Good! And by the way kumusta naman pala ang pag-aapply mo ng trabaho?'' tanong nito sa kanya.

Pareho silang graduate ng Business Administration Major in Marketing pero ang kaibigan niya mas piniling magtrabaho sa isang call center company dahil mas nagagawa daw niya lahat ng gusto niya sa trabahong yun, habang siya naman ay wala pang napapasukan na kahit na anong trabaho simula ng matapos sila 4 years ago.

''Uhmmm, well.... ok naman'' matipid na sagot niya sa kaibigan. Dahil ang totoo hindi pa talaga siya nag-aapply.

''Anong ok naman? Teka nga nag-apply ka ba talaga kahapon ha??''

''Actually, bestfriend...... uhmmmmm'' alam niyang pagagalitan na naman siya ng kaibigan niya pag nalaman na hindi talaga siya nag-apply.

''Maria Chandra Alvarez! ano bang problema sa'yo ha?? bukod sa NBSB ka, NWESB ka din! di ko na talaga alam ang gagawin sa'yo te!'' gigil na sabi sa kanya ng kaibigan.

''Eh kasi naman natatakot ako na mag-apply mag-isa nuh!!''

''Hay naku! ayan na naman yang takot mo, di mawawala yang takot mo kung hindi mo susubukang gawin ano ka ba???''

''sinusubukan ko naman, di ko lang talaga magawa...''

''Ang sabihin mo hindi mo talaga sinusubukan... ang mabuti pa sumama ka sa 'kin mamaya.. hiring yung katabing company namin doon ka mag-apply ha..''

''Anong company naman yan?''

''Eh di call center company! Ano ka ba te, may matino bang company na magha-hire until midnight??''

''Sabi ko nga eh, baka naman mahirap makapasok dun ha... tsaka baka di pumasa ang english ko dun, manose bleed ako!''

''Hoy! Maria Chandra Alvarez ayan na naman yang kaduwagan mo ha! Pwede ba sa galing mong yan baka nga sabihin sa'yo ng interviewer mo over qualified ka! Kaya pwede ba tigilan mo yang pagda-down mo sa sarili mo ha! Babatukan na talaga kita jan!''

''Oo na, sorry naman'' may halong paglalamibing na saad niya sa napipikon na niyang kaibigan...

Kung ano kasi ang ikinatapang at ikinalakas ng loob ng kaibigan niya, siya namang ikinahina at ikinaduwag niya.... Kaya nga bagay silang magsama eh kasi ang kaibigan niya ang nagpapalakas ng loob niya.

''Oh basta mag-ayos ka ng mabuti mamaya ha.. you must be presentable, dapat palitawin mo yang itinatago mong ganda... who knows doon mo na pala makikita ang prince charming mo..'' may halong kilig na panunukso sa kanya ng kaibigan.

''Na naman! ayan ka na naman ha! di na ko pupunta, baka mamaya ibenta mo lang ako dun..'' pakunwaring pagtatampo niya.

''OA mo teh! syempre joke lang nuh... ikaw pa ba ang ibubugaw ko??? Haleerrrr! labs na labs kaya kita...''

''Hehehe yan ang gusto ko sa'yo eh.. ang galing mong mang-uto ng kaibigan...''

''Hoy! di kita inuuto nuh! I'm just telling the truth darling'... pero baka nga ibugaw na kita kapag umabot ka pa sa next birthday mo na wala pa ring jowa!''

''Hoy! Miyuki Kurasawa baka gusto mong paliparin kita papuntang Japan nang wala sa oras.. subukan mo lang gawin yun!''

''Hahahaha! joke lang teh... kasi naman your turning 27 na pero wala ka pa ring jowa..''

''Hay naku! kaya siguro walang dumarating kasi panay ang pangungulit mo! try mo kayang manahimik at ibaon yang topic na yan sa lupa kahit minsan lang...''

''oo nga nuh! baka na nakokontra ko ang pagdating ng prince charming mo dahil sa pagka-excited ko.. sige mananahimik na muna ko for now.. but just for now lang ha..''

''Hay! thank you...'' wala na talaga siya magagawa sa kakulitan ng kaibigan niya.

Kung bakit nga ba naman kasi ni minsan hindi niya naisipang sumagot sa mga nanliligaw sa kanya noon... gaya nga ng sabi ng kaibigan niya maganda siya, at di rin naman kaila na kung gaano kadami ang nanliligaw sa kaibigan niya ay ganun din ang sa kanya... pero hindi niya talaga naisipang sumagot at patulan ang mga nagpaparamdam ng lihim na pagtingin sa kanya noon.

Siguro dahil masyado siyang nafocus sa pag-aaral... yan na lang ang sinasagot niya sa tuwing tatanungin niya ang kaniyang sarili kung bakit nga ba...

kung tutuusin maalwan naman ang kanilang buhay, kaya niyang makipagsabayan sa mga gimikan kasama si Miyuki at iba pang mga kaibigan, pero di siya nagkainteres. Napapasama lang siya kapag pinipilit siya ng matalik na kaibigan.

Kaya ngayon sa pag sama niya sa trabho ng kaibigan at sa pag-aapply niya dumadalangin siya na sana maging maayos ang lahat dahil nagyon pa lang naiisip na niya kung anu-ano na namang kalokohan ang iniisip ng matalik niyang kaibigan....

Unusual Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon