Chapter 3: The Unusual Feeling

136 1 0
                                    

Halos hindi na makahinga si Chandra dahil sa kabang nararamdaman niya para sa taong kaharap niya ngayon.

May kung anong tensyon siyang na nararamdaman na nakakapagpalambot sa mga tuhod na para bang ilang sandali na lamang ay hihimatayin na siya.

Hindi niya maintindihan kung ano ba ang kanyang nararamdaman para sa babaeng kaharap... para siyang kinuryte nang ilang boltahe sa t'wing tititigan niya ang magandang mukha nito.

''Well, miss Alvarez> how are you?'' tanong nito sa kanya.

''U----- uhm I'm fine ma'am...'' payak niyang sagot na may halong panginginig

''Are sure of that miss Alvarez? because you sounds not fine at all..'' sambit nito na parang kinkilatis ang kaharap

''A--- actually ma'am I am.. I'm nervous..''

''Nervous? Why do you have to be nervous? Is this your first job interview?''

''Y---- yes ma'am..'' halos hindi na niya alam kung ano ang isasagot niya, dahil sa tuwing sasalubungin niya ang mga tingin ng kaharap ay para siyang nalulusaw na yelo...

''Oh? really, but as what I've seen in your resume you graduated as magna cumlaude... and yet this is your first job interview? why?''

''I--- I'm just taking my time ma'am... '' hindi niya alam kung bakit yun ang naisagot niya .. pero alam niyang huli na para bawiin iyon .. ''Gosh! bakit ba ganito ang epekto ng babaeng 'to sa 'kin... para akong ginayuma!!! nakakagigil siya na ewan... please help me Lord...'' sambit niya sa kanyang isipan...

''You are really nervous miss Alvarez, I can sense it...'' sabay ngiti sa kanya...

''Oh my gosh! yung ngiti niya bakit para kong kinukuryente kapag ngumingiti siya....'' naisip niya

''well, I think to make you more comfortable, why don't we speak in tagalog... hmmm''

''M--- ma'am???'' tanong niya rito.. para na talaga iyang mababaliw sa nararamdaman niya ngayon...

''May problema ba miss Alvarez? sobra ata ang kabang nararamdaman mo... nakakatakot na ang itsura ko....''

''I'm sorry ma'am.. hindi lang po siguro ako sanay sa ganito...''

''Well, i understand you.. its natural get nervous, especially for a virgin like you, right?''

''I--- I'm sorry ma'am but I din't get yur point..'' mas lalo siyang kinabahan sa sinabi nito...

''Oh! don't get me wrong when I say virgin.. in call center industry that's the term we use for newbies like you...''

''A----- ah okay!'' wala na siyang ibang maisagot dahil talagang lumilipad ang kanyang utak...

Hindi niya alam kung paano siya nakapasa sa interview at natanggap bilang HR... maging ang pagkakalabas niya ng building na iyon ay hindi niya rin alam... para siyang naglalakad sa kawalan at ang tangi lamang niyang naaaninag ay ang magandang mukha ng kanyang bagong boss...

''hoy! bakla...'' sigaw sa kanya ni Miyuki...

''Aray! sigawan daw ba 'ko!! mabasag ang eardrum ko ha!'' yamot na saad niya sa kaibigan..

''Paanong hindi kita sisigawan kanina pa 'ko dakdak ng dakdak dito di ka naman pala nakikinig...'' pagrereklamo nito sa kanya

''Wala kaya kong naririnig..'' pagtanggi niya.. alam niyang totoong may sinasabi ang kaibigan niya, at kung anu man yun hindi niya maalala dahil tila wala siya sa presensya niya dahil iba ang kanyang iniisip.... si Ricky...

''Anong wala... teh 48 years na ko dito oh! halos ugatan na ko sa harapan mo, kanina pa kita tinatanong kung anong nangyayari sa'yo... wala kang pakialam...''

''Sorry naman.... pero ok naman ako ah.. may hindi ba magandang nangyayari sa 'kin?''

''Ay wala teh.. walang masamang nangyari sa'yo.. para ka lang naman namaligno, yun lang naman teh...'' pilosopong sagot nito

''Eto naman.... pinagalitan ka ba ng matindi ng supervisor mo at napakasungit mo?''

''Hoy! Maria Chandra Alvarez wag mong ibahin ang usapan ha... ano ba talagang nangyari sa'yo at sa interview mo?'' panguusisa nito..

''Ok naman ako ah! at ok rin naman ang naging interview ko...''

''Sure ka? eh ba't kanina ka pa wala sa sarili... may ginawa ba sila sa'yo dun ha? sabihin mo ano pinakain nila sa'yo doon at nagkaganyan ka...''

''Alam mo, ayan ka na naman sa pagka-eksaherada mo... wala silang ginawa sa 'kin ano ka ba? Ok nga lang ako.. at ok din naman lahat ng nakausap ko kanina..''

''Eh kung okay naman ang mga nakausap mo bakit ka nga tulaley??? Ah! siguro napaka-gwapo ng nag-interview sa'yo nuh? kaya ka nagkaganyan?? makalalag panga ba an kagwapuhan ha??''

''Eto naman... hindi! hindi siya gwapo...'' mabilis niyang sagot... ''napakaganda nya...''

''Huh? teka girl, natulala ka sa kagandahan ng isang babae? nagkaganyan ka dahil sa isang babae???'' litong tanong sa kaniya ng kaibigan...

Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong na iyon, dahil kahit siya hindi rin niya alam kung ano nga ba ang nagyari sa kanya... kung bakit ganoon na lamang ang epekto ng kanyang boss sa kanya....

''Hoy! tinatanong kita... ayan ka na naman... natutulala ka na naman...''

''Sorry! oo maganda siya...'' sagot niya..

''Huh?? oo nasabi mo na ngang maganda siya, pero di mo naman sinagot yung tanong ko... naguguluhan na talaga ko sa'yo Chandra ha...''

''H--- ha??? sorry Miyuki... hindi ko talaga alam ang isasagot sa tanong mo , kasi kahit ako hindi ko din alam kung ano ang nangyayari sa 'kin...'' seryosong paliwanag niya... ''basta ang alam ko simula nang makita ko siya kanina ganito na epekto niya sa 'kin...''

''Teka nga sinong siya ba yan ha???''

''Si Ricky... y--- yung magiging boss ko...''

''Ha??? Ricky??? bakit bakla ba yung naginterview sa'yo?? ang alam ko babae yun ah...''

''Babae nga, at siya yun.. si Ricky... yun ang name niya...''

''Ah---- aaah!! so nagkaganyan ka simula ng makita mo siya?? OMG! Chandra tomboy ka nga bang talaga???''

''Hoy! hoy! hoy! wag OA ha!!! Nagandahan lang doon sa tao, tomboy kaagad???''

''Aba! malay ko ba... eh iba epekto sa'yo eh... di ka naman ganyan kapag may nakikita kang ibang maganda noh!!!''

''Alam mo ikaw! grabe ka talaga mag-isip eh noh! advance masyado...''

''Naman! para namang di ka ganyan...pero teka nga seryoso ka ba na nagandahan ka lang sa kanya...'' may bahid na malisyang tanong sa kanya... ''hindi ka ba nakaramdaman ng kuryente o kahit na anong sensation habang kaharap at kausap siya???''

Napalunok siya sa huling mga tanong ng kaibigan... alam niyang hindi siya titigilan nito sa oras na sagutin niya ng totoo ang mga tanong nito....

''W----- wala noh! Parang kang baliw diyan sa mga tinatanong mo...'' sagot niya sabay iwas ng tingin dito...

''Good!... safe ka pa din...''

Alam niya kung ano ang ibig sabihin ng kaibigan niya... kaya siguradong magwawala ito sa galit kapag nalaman na nagsinungaling siya at sinabi niyang wala siyang anumang naramdaman para sa magiging boss niya....

Unusual Love AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon