Alas-onse ang pasok ni Miyuki sa trabaho, per nagprepare na si Chandra maaga pa lang.
Alam niyang di lang simpleng pag-aapply sa trabaho ang gagawin nila ng kaibigan niya, sigurado siya doon.
Pero alas dies y media na wala pa rin si Miyuki, sabagay hindi na bago sa kanya ang ga'nong ugali ng kaibigan. Parati talga itong late... Filipino time to be exact, kahit noong high school at college graduation nila late din itong dumating. katwiran nito simpleng gawain lang sa kanya ang mga ga'nong bagay... for formality nga lang daw kaya di na siya nag-abala.....
''Oh gosh! I'm so sorry sister, napasarap kasi tulog ko, di ko namalayan ang oras...'' pagpapaliwanag nito sa kanya...
''Okay lang... para namang di kita kilala hahaha..''
''Hahaha! tama ka diyan sister... minsan talaga tinatamad na ko pumasok, pero pag naiisip ko na magiging boring ang life ko kung maghahanap ako ng ibang work, ay kesehodang ngarag lage ang beauty ko okay lang... as long as nagagawa ko ang mga gusto kong gawin...''
''Oo na! tama na yang paliwanag mo.. tara na kaya di ba???''
''Uy! excited ang lola ko sa work hmmmm...'' may halong kapilyahan na panunukso sa kanya.
''Hoy! loko! kung anu-ano na naman yang iniisip mo diyan ha... natural gusto ko din naman magkatrabaho nuh! nakakatanga kaya nag matengga sa bahay!''
''Ay! teh buti natauhan ka hahaha.... tara na nga! masamang pinaghihintay ang prince charming nuh...'' panunukso nito.
''Hay naku Uki tigilan mo ko sa panunukso mo ha.. wag ka magsimula diyan at baka ora mismo eh umuwi na lang ako at iwan ka sa ere...''
''Ay! dispensa naman teh! pero pwede ba stop calling me Uki, ang panget pakinggan eh...''
''Hahaha!'' isang malakas na tawa na lamang ang naitugon niya.. nakalimutan niya na ayaw pala nitong tinatawag siyang Uki.. bakit?? simple lang naman ang dahilan ng kaibigan niya... masyado raw panget ang pangalan na iyon sa tulad niyang mala-diyosa ang kagandahan.
''Once that I heard you calling me that ugly name.. I'm gonna throw you outside this car....''
''Okay! sabi mo eh.. basta ba titigilan mo na rin ako sa pang-aasar mo about sa lovelife ko eh...''
''Okay! Fine! titigilan na kita.. titigilan ko na ang pangungulit sa zero love life mo!'' pagsang-ayon nito.
''Good.'' alam niya na di talaga susunod sa usapan ang kaibigan niya, pero mas okay na din na kahit ngayong gabi lang eh tantanan na muna siya nito.
''So are you ready for the interview?'' tanong nito sa kanya habang inaabala ang sarili sa pagmamaneho.
''Uhmmmm,... slight... kinakabahan na nga ko eh...''
''Hey! relax lang.. kaya mo yan.. di ka naman kakainin dun nuh... baka mamaya magutal-utal ka na naman ha...'' paalala nito.
Ganoon talaga siya kapag kinakabahan, nauutal at lahat ng gusto niyang sabihin ay hindi niya magawang sabihin dahil sa sobrang kaba.
''Yun na nga ikinakatakot ko best eh... baka nga mamaya di ko masagot ng diretso yung mga questions...''
''Ano ka ba! relax lang.. take a deep breath and don't think things that can make you nervous...'' pagpapalakas nito ng loob sa kanya. '' Isipin mo na lang ultimate enemy mo ang kausap mo... gaya ng ginawa mo noon kay Sarah, remember...??''
Yes, naalala niya yun.. si Sarah ang pinakakinaiinisan nila ni Miyuki noong college... masyadong mayabang magsalita at akala mo kung sinong kagandahan... Hindi naman talaga sana niya aawayin si Sarah that time, balak lang sana niyang kausapin ito pero parang sinapian siya ng kung anong masamang elemento ng makita na ang mala-demonyong ngiti nito ng bigla siyang buhusan ng pintura... Oo hindi siya nakipagsakitan ng pisikal, pero aaminin niyang maraming siyang masasakit na nasabi na nagpatahimik sa lahat ng taong nasa paligid nila ng mga oras na iyon. Nahimasmasan lamang siya ng makarinig siya ng mga palakpakan at nang makitang niyang tumatakbong palayo habang umiiyak si Sarah.
BINABASA MO ANG
Unusual Love Affair
RomanceA different kind of love story that talks about genders. Hindi ko hinihingi ang atensyon niyo , gusto ko lang iparating sa inyo kung ano ba ang mga bagay na nararanasan din ng mga taong nasa lesbian and bisexual relationsip... kung paano nila hinaha...