Naging maayos naman ang lahat sa bagong trabaho ni Chandra... Naging napakabait ng mga co-workers niya sa kanya at kahit na madalas ay puyat at pagod siya ay nawawala ito kapag nagsimula na ang kanilang trabaho.
Ewan nga ba niya kung bakit pero ganado siyang magtrabaho at makipagsalamuha sa mga agents sa naturang kompanya...
Bukod sa pagiging HR niya ay inilagay din siya sa Training Department... Isa siya sa mga trainer ng soft skills... Inilagay siya doon ni Ricky upang nang sa ganoon ay masanay daw siyang makisalamuha sa mga agents at mapractice din ang kanyang speaking skills...
Wala naman talagang problema sa pagsasalita niya sabi ni Ricky kailangan nga lang daw niyang i-improve ang pagsasalita sa harap ng ibang tao...
Ang totoo wala siyang pakialam sa dahilan sa pagkakalagay sa department na iyon, tinanggap niya ang trabahong 'yon dahil may sarili siyang dahilan.... At iyon ay ang makaiwas siya sa napakaganda niya boss....
Gusto niyang iwasan si Ricky dahil sa tuwing magkakalapit sila o makikita lamang niya itong dumaraan ay para na siyang hihimatayin sa bilis ng tibok ng kanyang puso na hanggang nagyon ay hindi pa rin niya maipaliwanag sa kanyang sarili.....
Ngayon niya tuloy naiisip na baka nga totoo ang mga napapansin sa kanya ng ibang tao, na baka nga kaya ni minsan ay hindi siya nagkaroon ng interes sa mga lalaking nanliligaw sa kanya noon ay dahil isa siyang "lessy"...
Yun ang term na ginagamit nila ni Miyuki kapag may nakikita silang ganoon, pero minsan ay kinokontra din niya ang mga naiisip tungkol sa sarili....
''Bakit may crush din naman akong guy ah! Si Tom Cruise, Matt Damon, and not to mention Brad Pitt na sobra kong kinababaliwan simula noong high school pa lang.....''
''Oo teh, sobrang crush mo nga sila, kulang na nga lang sambahin mo sila.... pero teh, mga di naman ordinaryong tao yang mga kinakabaliwan mo eh... mga holliwood stars yang mga yan!! imposibleng makilala mo sila at magkagusto sa'yo....'' naalala niyang sabi noon sa kanya ni Miyuki....
Halos mabaliw na talaga siya sa kakaisip kong ano nga ba talaga siya at bakit ganoon na lang ang pagkainteres niya sa kanyang boss.... Buti na lang lunch break noon sa kanila kaya may time siyang makapagmuni-muni... Kakatapos lang niya magtrain sa bagong batch ng agents nila....
Nagsosolo siya nang gabing iyon dahil nasa Laguna si Miyuki, may seminar ang mga ito at apat na araw na mawawala... Kaya apat na araw din na ganoon ang set-up niya... Nasa kalagitnaan siya ng pagi-isp tungkol sa kaibigan niya ng biglang may nalanghap siyang pamilyar na amoy.......
Si Ricky!!!!... at nakatayo ito sa likod niya......... ni hindi man lamang niya napansin na nakalapit na ito sa kanya....
''Hi, are you alone?'' pag tawag nito ng pansin niya...
''B----- boss, k---- kanina pa kayo diyan?'' halos di siya magkandaugaga sa pagsasalita... eto na naman siya nara-rattle na naman siya, sa isip niyang saad...
''Uhm, actually hindi naman... napansin lang kita na nag-iisa kaya nilapitan kita....'' matamis na tugon nito
''A--- ah! U--- uhm... y---- yes nag-iisa nga ko, w---- wala kasi yung kasama ko... n---- nag-out of town sila...''
''Ah I see, uhm is it okay if I join you??''
''A--- ah yes of course... please have a seat...'' mabilis niyang tugon...
Lalong lumalakas ang kabog ng dibdib niya habang pinapanuod niya itong umupo sa kaharap na silya.... ''oh gosh! eto na naman ako... ano bang meron ka Ricky Navarro at kapag lumalapit ka natotorete ako...'' sambit niya sa kanyang sarili...
BINABASA MO ANG
Unusual Love Affair
RomanceA different kind of love story that talks about genders. Hindi ko hinihingi ang atensyon niyo , gusto ko lang iparating sa inyo kung ano ba ang mga bagay na nararanasan din ng mga taong nasa lesbian and bisexual relationsip... kung paano nila hinaha...