Kinakabahan na si Chandra sa pwedeng hantungan ng magiging usapan nila ni Miyuki... Isang araw bago bumalik ang kaibigan mula out of town ay nasabihan na niya itong kailangan nilang mag-usap, sinabi na rin niyang kailangan niya ng tulong...
Ngunit hindi pa man ito nakakabalik ay kinukulit na siya na sabihin na lamang sa telepono ang lahat, mabuti na lamang at nakumbinsi niya itong sa pagbalik na lamang nila ito pag-usapan... At dahil kilala niya ang ugali ng kaibigan, siguradong siya ang unang pupuntahan pagkarating na pagkarating nito mula sa biyahe....
Hapon iyon ng sabado, at nagpapahinga siya sa kanyang kwarto... Nang makahanap ang kaibigan niya ng trabaho ay nagsimula na itong magsolo sa buhay... Halos dalawang taon sin siyang nakitira sa apartment ni Miyuki dahil mas ninais na ng mga magulang niya tumira sa Canada kasama ang iba pa nilang mga kamag-anak.. Kaya naman laking pabor sa kanya ng alukin siya ng kaibigan na sa kanya na lamang muna tumira...
At nang matanggap siya sa trabaho ay nagpaalam siya sa kaibigan na bubukod na rin siya ng tirahan... Noong una ay hindi ito pumayag, ngunit kalaunan ay nakumbinsi na rin niya ito... Nakahanap siya ng isang paupahang apartment sa Valle Verde 6, malapit lamang ito sa trabaho niya kaya kung tutuusin ay kaya na niyang umuwi mag-isa... Pero hindi pumayag si Miyuki, kaya dinadaanan siya nito bago at kapag pauwi sa trabaho... Ayaw sana niya ng ga'nung set-up pero wala siyang magawa sa pangungulit ng kanyang kaibigan, kaya napapayag na rin siya nito....
Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip ng mga posible niyang idahilan kung sakaling uuriratin siya ng kaibigan nang bigla na lamang tumunog ang door bell... Napabalikwas siya sa pagkakahiga at tarantang lumabas ng kwarto... Kilala niya kung sino ang gumagawa ng ganoong uri ng ingay sa doorbell... Si Miyuki!....
''Hi girl!!!!'' sigaw na bungad nito sa kanya...
''Ano ba?! Ikaw ilang araw kang nawala pero ang pagkaeksaherada mo sa pagpindot ng doorbell ko di pa rin nagbabago... malapit na talaga akong ireklamo ng mga kapitbahay ko sa ginagawa mo eh...'' kunwaring reklamo nito.. pero sa totoo lang ay na-miss din niya ang ingay ng kaibigan... nakasanayan na kasi niya ang ingay nito kaya nanibago siya ng apat na araw itong nawala...
''Sus! natakot ka naman... pabayaan mo silang magreklamo noh! bakit pa sila maglalagay ng doorbell kung di naman nila paiingayin...'' depensa naman nito habng papasok ng kanyang bahay hila-hila ang isang may kalakihang maleta...
Tama ang hinala niya, talagang sa bahay niya ito unang dumiretso... Patunay ang karay-karay nitong maleta at ilan pang mga paper bags..
''Akala ko ba seminar ang pinuntahan mo? Eh bakit parang galing ka sa shoppingan at sandamukal na shopping bags ang dala mo...'' panguusisa nito... natatakot kasi siyang maunahan nito na magtanong...
''Oo nga seminar nga... Bakit hindi ba pwedeng mag-shopping pagkatapos ng seminar???''
''Sus! puro gimik lang ata ginawa mo dun eh...''
''Hahaha... Slight lang naman girl.... Hmmm anyway.....'' pabitin nitong saad... alam na niya kung ano ang susunod na itatanong ng kanyang kaibigan kaya sinisimulan na siyang kabahan... ''Ano nga pala yung sinasabi mong problema ha at ayaw mo pang sabihin sa telepono...'' pagsisimula nito...
''A--- ah.. A-- ano kasi... U---- uhmmmm'' natatarantang sagot niya.... '' A--- ah! gusto mo ba ng juice?? Ipagtitimpla muna kita ng juice... kasi mukhang napagod ka sa biyahe nyo...'' palusot niya...
''Hoy! Chandra wag mu na akong daanin sa paliguy-ligoy mo ha... kabisado na kita, simula sa amoy ng utot mo hanggang sa deodorant na ginagamit mo alam ko, kaya alam ko kung gumagawa ka ng palusot para lang makaiwas.... kaya ngayon pa lang simulan mo nang mangumpisal... dali!!!!''
BINABASA MO ANG
Unusual Love Affair
RomanceA different kind of love story that talks about genders. Hindi ko hinihingi ang atensyon niyo , gusto ko lang iparating sa inyo kung ano ba ang mga bagay na nararanasan din ng mga taong nasa lesbian and bisexual relationsip... kung paano nila hinaha...