Chapter One / Introduction
Sabe ng iba ang CRUSH daw ay isang paghanga lamang sa isang tao. Sabi din naman ng iba ang CRUSH daw ay pagkakaruon ng pagkagusto sa isang tao.
Pero para sakin?
Ang CRUSH ay yung taong automatic na nadedetect ng paningin mo, yung taong marinig mo lang yung pangalan makikichismis ka na kaagad, yung taong maiinis ka kapag may ibang nagkakacrush sa kanya, yung taong fineFLAMES mo yung pangalan nyong dalawa at maiinis kapag Enemies or Friends ang kinalabasan pero sobrang saya kapag Sweethearts o Love o Marriage ang kinalabasan, yung taong halos matunaw na sa pagtitig mo, yung taong sinusulat mo yung pangalan nya na minsan with *crush* ♥ *name* pa sa page sa likod ng notebook mo, yung taong gagawin mo lahat para mapansin ka basta wag lang halatang nagpapapansin ka, yung taong naiinis ka kapag nalilink sa iba pero kilig na kilig kapag sayo nililink, yung taong makasalubong mo lang hindi ka na agad mapakali, yung taong makainteract mo lang Heaven na, yung taong makatinginan mo lang parang pwede ka ng mamatay, at yung taong wala pang ginagawa sayo kinikilig ka na.
Hindi ko alam kung nasabe ko na lahat o may kulang pa, add the prologue part na rin.
How about LOVE? What is LOVE?
Para sa mga taong InLove, eto daw yung tipong makita mo lang yung taong mahal mo buo na araw mo, yung tipong kakayanin mo lahat para sakanya, yung tipong pangwalang hanggan ang peg nila, at kung ano-ano pa. Dami-daming pananaw ng tao tungkol dyan eh, kaylangan ko pa ba sabihin lahat? Hindi naman diba? LOL. ^3^
Para naman sa mga taong Bitter o Broken-hearted, eto daw yung panira ng buhay, yung tipong buhay ka pero pakiramdam mo patay ka na, yung tipong sa sobrang sakit daw mas okay ng mamatay ka na lang, yung puro daw kasinungalingan at kalokohan, at kung anu-ano pa.
Pero para sakin?
Ang LOVE... hindi mo maieExplain yan eh. Mararamdaman mo na lang, sa puso mo. And most of the time, mareRealize mo na lang na nagmamahal ka na pala dahil nasasaktan ka na.
---
*SWOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOF...*
Naglalakad na ko papasok ng school, late na kasi ako. Nung nasa gate na ko, nakita ko siya. Late nanaman siya -__________- But Hey! Magkasunod kameeeeee! ^///////////////^ Nung nasa may quadrangle na ko, MyGosh. Ang haba ng pila, pipirma pa kasi ang mga late. And isa na ko sa mga yun.
Waiting...
Waiting...
Waiting...
Wait!!! Ang alam ko magkasunod kame kanina ah? Edi dapat siya ang nasa harapan ko ngayon sa pila? Hm. Tinignan ko yung pila at hinanap ko siya, ang UNFAIR! Nakisingit siya sa mga kaibigan niya! PSH! >_____< Edi sana kasunod niya ko ngayon! Aish! Pero yamuna, malapet lang naman siya saken. Dalawa lang naman yung nasa pagitan namin eh. HUWAAAAAAA~! ^//////////^
“Uy, balik ka na dun! Bawal suminget!” sabi sakanya nung isang kaibigan niya.
Pero tinignan lang nya yung kaibigan nya.
“Oy, andaya mo.” Sabi nung isa niya pang kaibigan na pumipirma na ngayon.
Hinablot niya nung record book at ballpen sa kaibigan niya at nung matapos siya, inabot niya na yung record book at ballpen sa kasunod niyang kaibigan at umakyat na siya.
“Oy teka, antayin mo ko.” Sabi sakanya nung kaibigan niya kaya nagstay siya dun sa landing ng hagdan.
Napatingin naman ako sakanya...
BINABASA MO ANG
In A Mental Relationship With My Crush
Novela JuvenilThis story may be on-hold and might be continued someday, or not. Please follow me on my new account: @RawrMyLady