MIKAELA'S POV
Kasalukuyang nasa office ako at may inaayos akong papers para sa darating na projects namin..
At biglang may kumatok sa office ko at napatingin ako agad dahil I think may dala nanamang food si Jaz kaya napangiti ako but in my surprise bumungad sakin cousin kong may masamang timbre ang mukha.
Lumapit siya sakin at mabigat na umupo sa sofa ko at mukhang stress siya..
"What happened?" Pagtatanong ko..
Yumuko siya at mukhang stress talaga siya kaya naman tumayo ako at nilapitan ko siya..
"Jul what happened? Okey ka lang" pagtatanong ko tapos inangat nya yung ulo niya at tumingin sakin...
"Hindi ko na talaga matiis Miks" sabi niya at nagtataka ako kung ano yung di niya matiis
"Ang alin?" Pagtataka ko ng tanong
"Miks alam kong hindi ka makikinig kung about kay Addison" sabi ni Julie
"Wala ka bang office? Dun ka na lang sa office mo magpahinga" sabi ko dahil medyo naiinis ako dahil si Addi nanaman.
"Miks what if anak niyo ni Addi yung dinadala niya?"
"Kay Justin yon, wag mo na sayangin panahon mo kakaisip jan paulit ulit na lang kayo" sabi ko at tumayo na palakad sa desk ko.
Dahil sa totoo lang simula nung umuwi sila sa Elyu yan yung paulit ulit nilang sinasabi sakin na baka anak ko yung dinadala ni Addi pero wala akong kahit anong kutob na sa katawan na anak ko pa yon.
At kapag sinasabi nila yan sakin sumasagi din sa isip ko yung about sa anak talaga namin na pinalaglag niya, at naiinis lang ako at na triggered nanaman ako, nagkakaroon nanaman ng galit sa puso ko kapag naalala ko yung bagay na yon..
"But Miks, malay mo d-"
"Julie ilang beses ko na bang sasa-"
"Paano kung buhay yung anak niyo? Paano kung hindi niya talaga pinalaglag Miks?" Sabat ni Julie na mayroong mataas at sindak na tono sakin na kinabigla ko muli kaya napatingin ako sakanya..
Nakaramdam ako ng bilis ng tibok ng puso, naghahalo yung kaba,galit, inis at pakalito...
Umupo ako sa desk ko at nakatingin ako kay Julie..
"Hindi ko alam kung paano mo yan nasasabi Jul, pero sobrang labong mangyari yan, matagal na yon at never kong nakitang nagbuntis siya" sabi ko habang naka close arm
"Paano mo makikita eh diba nacoma ka?" Napakunot ako ng noo
Nung naaksidente ako, yeah tama nacoma ako at wala na kong alam about doon dahil yun yung huling usap namin ni Addison before ako maaksidente.
"Kita mo na, wala kang alam about doon dahil hindi mo siya pinakinggan Miks"
"Pero malabo pa rin, wala naman siyang sinabi at mas lalong may nakikita ka bang kasama niyang anak? Wala diba?!"
"Oh sge sabihin natin yan na wala na talaga yung sa nauna so paano yung ngayon? Yung pagbubuntis niya ngayon?"
"Ang kulit mo Julie hindi nga sak-"
"PAANO NGA KUNG SAYO YON AH?!" sabat ni Julie na mataas at inis na yung boses.
"Mag 4 months na yung tiyan niya and for your information hindi siya nagpakasal dahil umaasa siyang anak nyo yon!" naiinis na boses at nakakasindak na mukha ang ipinamalas ni Julie at tumayo na
At saktong nagbukas yung pinto at bumungad samin si Jaz na may dalang food.
"Miks I'm here na dala ko yung favorite mong f-"
Nakatingin si Julie kay Jaz tapos nilipat niya yung tingin nya sakin "Samantalang ikaw chill lang" dagdag ni Julie at padabog na umalis sa office ko na nakakunot ang noo at may iritang mukha.
Since nung last day sa Elyu, parang ito rin yung dahilan kung bakit medyo iniiwasan na rin nila ako, dahil din kay Jaz, dahil tutol sila kung magiging kami raw ni Jaz, kaya medyo naiinis din ako dahil porket kaibigan nila si Addison, kay Addison pa rin sila.
Lumapit na si Jaz sakin na may dalang food.
"What happened?" Pagtatanong ni Jaz pero umiling lng ako
"What if anak ko yon haha, napakaimposible talaga ng sinasabi nila"
"Kain na tayo Miks " pagaaya ni Jaz at inaayos niya na yung food..
"Wala akong gana ikaw na lang kumain" matamblay kong sabi
"Pero hindi ka pa kumakain ng breakfast kanina pa?"
Tumingin ako sakanya..
"Ayoko na muna kumain ikaw na lang muna" sabi ko na may halong naiirita sa boses kaya tumayo na ko
"Miks about ba kay Addi nanaman?" Pagtatanong ni Jaz pero hindi ko na siya sinagot at lumabas na ko ng office ko
Tumungo ako sa rooftop at nagopen ng isang sigarilyo at humithit ako...
Recently lang ako nagstart dahil sa sobrang stress na nararanasan ko, dahil hindi ako makahinga sa bigat ng nararamdaman ko at ito ang nagsilbing inhaler ko sa ngayon..
Nakatingin ako sa kalangitan habang bumubuga ng usok ng sigarilyo.
"Hindi ko na alam, pero paano nga kung anak ko yon"
Naalala ko yung batang nakita ko kanina, sa totoo lang yung ngiti ko kanina ay parang galak ko nung buntis plang si Addi sobrang excited ko noon at sobrang saya ko nung nalaman kong buntis siya..
Pero lahat ng saya namin noon ay napalitan na ng galit ngayon..
Pero may pagasa bang anak ko yon, naisip kong muli kong kausapin si Addison hindi siguro para makipag ayos pa pero para siguro din sa baby.
Naisip ko na baka nga sakin yon? And what if kung sa akin nga? Magkakabalikan pa kaya kami?
Pero tingin ko kung oo magkakabalikan na lang kami para sa bata, dahil may galit pa rin ako dahil sa ginawa niya at hindi ko yon makakalimutan buong buhay ko.
Nakatingin ako sa phone ko na nakalagay sa contacts ni Addison, hindi ko pa rin naman inaalis yung number niya sakin naka block nga lang.
Nagmessage ako kay Addison...
"Para sa baby hindi para sakanya"
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
ITO NA MAGUUPDATE NA! HAHAHA
.
.
.
.
.
.
.
To be continue
YOU ARE READING
AROUSES • MIKHAIAH 🔞
FanfictionMIKHAELA DE VALOIS ADDISON SMITH POTENZA [intersex] A pleasure that can destroy your peaceful world? 🚨Content warning🚨: This story contains depictions of violence, hateful speech and sexual explicit content that may be upsetting for some readers...
