05: First day

512 10 11
                                    

05

First day

First day? Oo first day!

First day ko palang dito sa mansyon ngunit para gusto ko ng mag resign!.

Hanep kasi tong mga butler ni master eu eh! Kanina pa nila ko pinagtitripan, hindi ko pa naman kasi kabisado itong mansyon tapos  ti-nake advantage ng mga gunggong iyon at paulit-ulit akong nililigaw.

Ngayon at nandito ako sa hallway,walang katapusan na hallway.

Geitay! Nakakabadtrip, gusto ko lang naman ng mapayapang trabaho eh.

Inis na naglakad ako papunta sa dulo ng hallway.

Pinipikon ako ng mga hinayupak na to!

Liko dun likod dito, madami muna akong pinagdaanang liko bago ako makarating sa living room kung saan nakaupo ang mga hayup na gunggong na butler.

Sa sobrang inis ay hinubad ko ang aking suot na sapatos at pinagbabato sa kanila.

Lamunin niyo sapatos ko mga putangina!.

Agad silang napatalon at gulat na tumingin sa dereksyon ko, kanya-kanyang reklamo naman ang mga hayup.

"Sakit naman!"

"Sadista naman nito!"

"Puta akala ko daga,sapatos pala!"

"Taena! Tinamaan ako sa muka!"

"Sino sumipa sa junjun ko!"

"Nakakagulat naman si miss maid!"

"Napapala niyo!" Si elias.

Nabaling sa akin ang masama nilang tingin, sinuklian ko naman iyon ng mas masama pa sa pagkatao nila.

"Kelan kayo titigil sa pambubwisit niyo sakin mga animal?!" Sigaw ko sa kanila.

Isa isa ko silang tinignan, nagkatinginan rin ang mga gunggong tinatancha kung sino ang unang magsasalita.

"Hulaan mo!" Hiyaw ng putanginang lalaking katabi ni elias.

Agad ko siyang sinamaan ng tingin at binato ng kapares ng sapatos ko, sapul siya sa mouth!

"First day torture ba to ah?! Sumbong ko kayo kay master au!" Inis kong sabi sa mga loko, pero kung hindi ba naman isat-kalahating tarantado ang mga to pinagtatawanan pa ko!

Ginigigil niyo buong lahi ko!.

"Enough!" Sigaw ni elias.

Agad naman tumigil ang mga loko at umayos ng upo, parang si elias kasi yung leader nila kaya grabe sila kung sumunod.

Tumayo si elias at nakapabewang na tumingin sa kanila.

"Seriously?! Bullying a girl? For god'sake she was new here! Firstday! And yet you'll treat her like this?! If she dont know the exact way of the mansion guide her! Not just sit here and let her get lost!" Galit na hiyaw nanaman nito.

Tama ka dyan!

Parang naging ibang tao si elias sa paningin ko, parang kahapon eh maloko siya tas ngayon laging galit!

Kanina ko pa kasi napapansin na parang wala siyang sa mood.

"And you!" Turo nito sa akin.

Taka ko siyang tinignan at tinuro kopa ang sariling dibdib habang takang nakatingin sa kaniya, lumingon pako kaliwa't-kanan pero wala naman akong katabi.

"Hmm? Ako?" Sagot ko naman habang nakaturo parin ang kamay sa sarili.

Lumapit ako sa kaniya ng tumango siya sa akin, akala kung anong gagawin niya yun pala ay pipitikin palang pala ako ng pagkalakas-lakas sa nuo.

Arghhhhhhhhhhh!!! Ansakettt!!!!

Inis ko siyang binilingan ng tingin habang hinihimas ang aking nuo, rinig kopa ang tawanan ng mga nasa paligid namin.

"Aray ah! Ano bayang daliri mo? Metal!" Inis na ani ko dito habang patuloy sa pag himas ng nuo.

Dinuro ako nito at akmang pipitikin pa ng lumayo na ako.

"Ikaw kababae mong tao wagas ka mag mura!, Puro ka mura! Mas matanda sila sayo!" Sigaw nanaman niya

Akmang sasagot na ako ng bumukas ang pinto ng living room at pumasok an- holly cow karabaw!.

Putakte! Kamuka niya itong kaharap ko! As in! Bakit ganito hindi ako unform na uso pala ka lookalike dito?!

"Hellow everyone mess me?!" Parang tangang ani nito.

Napatingin ako sa kaharap ko at sa kakapasok lang sa pinto, hindi parin ako makapaniwala.

Ngayon lang nakakita ng kambal?

"Sino ka? Akala ko ikaw si elias!!" Hiyaw ko sabay atras palayo sa kaniya.

Malakas na nagtawanan ang mga nakapalibot sa akin pati narin ang lalaking kakapasok lang sa pinto.

"Huh? I am tobias,elias brother and twin" bored na sagot nito.

Ukininam!

{A/n: dont forget to vote and share thanks!}

One Terrible Mistake (modern asshole series 2)Where stories live. Discover now