04: The new maid

336 4 0
                                    

04

The new maid

"Okay ka lang ba talaga?" Anim, pang anim na tanong ni elias sa akin.

Dalawang oras na ang nakakalipas ng makipag-rambulan kami kay aldeus na black panther, hindi parin ako nakaka-move on pano banaman kasi ay sobrang laki nuon tapos nung pasugod na siya sa akin ay kita ko yung malaking pangil niya.

Buti na lamang ay bigla nalang bumukas ang pinto at sinalo ni elias ang kagat nung panther may proteksyon naman siya kaya hindi siya nasugatan.

Ambangis naman!

" Bakit ba kasi kayo nagaalaga ng ganuong hayop? Alam niyo naman na mabangis iyon!" Inis kong sabi kay elias,
May pasa kasi ito sa braso kaya nilagyan namin ng yelo, sabi ni elias ay sanay na raw siya dahil kapag may bisita ung master eu nila ay palagi nalang itong nandadamba.

"Mahilig si boss sa panther eh!" Tila natatawa pang ani nito sa akin.

Talapindas!

"Sige tawa pa, ligaya mo dyan!" Inis na ani ko dito.

Humalakhak nanaman ang loko, inis ko siyabg binato ng ice bag sa dibdib, panay parin ang tawa.

Nakakatawa yun? Nakakatawa yun hah?!.

"Bwisit ka!" Ani ko sa kaniya at akmang batukan ng may malalim na boses ang nagsalita sa likod namin.

"Looks like your having fun with my assistant" mapanuyang ani nito at punong puno ng pagkasarkastimo.

Tumingin ako kay elias para sana humingi ng tulong pero nakaupo na itong tuwid at seryoso ang muka pero hindi maitago ang kaniyang pamumutla at takot.

"Ahm.. sir ako po yung ano... Mag-aapply for maid po" alanganin kong sabi habang nakatalikod sa kaniyang gawi.

Napatingin ako kay elias ng sumenyas siya sa akin na harapin ang boss nila pero humiling ako at pinandilatan siya ng mga mata.

Bwisit tong lalaki nato!, Hindi man lang ako matulungan!

Para akong mamatay sa kaba at panginginig ng tuhod sa takot, grabe ang presensya nung boss nila.

Nakakatakot....

"Face me woman" tipid man siyang sumagot ngunit nababalutan naman ng awtoridad at pagkaistrikto ang mga linyang kaniyang binibikas.

Kabado man at nilakas ko ang aking loob para harapin siya, isang buntong-hininga muna ang aking ginawa bago siya hinarap.

Ngunit halos bumuhos ang laway ko sa aking nakita.

Lord patawad!

Naka puting sleeve polo ito na bukas ang ilang butones sa dibdib.

Nakasandal siya sa kitchen counter at may hawak ng baso ng alak.

Para siyang model ng kung anong produkto.

Itim na itim ang kaniyang buhok at ang kaniyang mga mata ay kulay berde, maskulado rin ang kaniyang pangangatawan na parang alagang alaga sa gym.

Tumaas ang isang kilay nito ng makita akong nakatitig sa kaniya,suplado itong umirap at ngumisi bago uminom ng alak.

"What's your name miss?" Binitawan nito ang hawak na baso at nagpamulsang lumapit sa akin.

Sinuyod din niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Kinakabahan akong ngumiti ngunit nagmukha lang ngiwi.

"Penelope del rosario sir" tumingala ako ng pumantay ito sa akin ng tindig.

"What a beautiful name just like you" ani nito.

Nagulat ako ng hinawakan nito ang ilang hibla ng buhok ko at pinaikot sa kaniyang daliri.

"Si-" magsasalita sana ako ngunit pinigil iyon ng kaniyang daliri.

Hinawakan niya ang  baba saka niya ako tinitigan sa mga mata.

"You will be our new maid, your job is to serve me... Only me... Nothing more...nothing less, are we clear?" Nakakahibang ang bawat salita na lumalabas sa mga mapupula niyang bibig.

Tumango ako habang nakatingin parin sa mga berde niyang mga mata, ngumiti sa akin saka hinimas ng hinlalaki niya ang aking labi bago tuluyang lumayo.

Nakangisi siya ng nakakaloko sa akin, bumaling ang tingin niya kay elias na hindi manlang gumalaw sa kaniyang kinatatayuan, ngunit bakas ang panunukso sa kaniyang mga tingin.

"Elias, guide miss hope to her new room and drive her home after" kalmado parin ito.

Tumalikod ito sa amin ang nagsalin ulit ng alak sa kaniyang baso bago kami hinarap.

Diko namalayan na hinawakan na ako ni elias sa braso ngunit nakapako parin ang aking mga tingin dun sa boss nila.

Tumingin ito sa akin na para bang may pinapahiwatig ngunit sadyang hindi ko talaga makuha ang ibig niyang sabihin.

"Tama na ang titig, malulusaw yan sige ka! Sa first day mona lang pagsawaan" nanunukso itong tumingin sa akin.

Inis ko siyang hinarap at inambahan ng batok, tinakpan naman niya ang kaniyang ulo.

"Easy miss serve me only" hindi parin ito tumitigil kaya naman inirapan ko siya na ikinatawa nya.

Humarap ulit ako duon sa lalaki, pero halos mawalan ako ng balanse ng idikit niya sa kaniyang labi ang kaniyang daliri na ginamit na panghimas sa labi ko saka siya ngumisi sa akin at kumindat.

"Sinabi ng sa firstday na eh"

"Epal!" Hiyaw ko sakniya.

{A/n: dont forget to vote and share thanks}

One Terrible Mistake (modern asshole series 2)Where stories live. Discover now