06: curse

194 5 0
                                    

06

Curse.

Turuan niyo naman ako makilala kung sino si elias sa dalawang to!.

Kanina kopa sila tinititigan pero hindi ko talaga mahanap kung ano ang pagkakaiba sa itsura nila.

Parehong panget!.

Pero kung ugali naman ang pagbabasihan mo ay malalaman mo talaga. Si tobias kasi ay moody na parang pinadede ng panis na gatas nung baby. Si elias naman ay malokong barumbadong epal na akala mo'y nahulog sa kama nung baby.

Oh diba confirm!

"So ti-ti-tigan mo nalang kami?" Bored na ani ni tobias sa akin habang naka dekuwatro.

Mukang hindi lang pala si elias ang epal sa buhay ko ngayon dumagdag na si tobias.

"Gusto ko kayong titigan eh, paki mo?" Suplada kong sabi.

Inambahan ako nito ng hampas sa ulo, hinarang ko ang dalawang braso ko sa ulo bilang proteksyon.

"Hey bro! Babae yan!" Sigaw ni elias sa kaniyang kakambal.

Agad akong sinamaan ng tingin ni tobias habang unti-unting binababa ng kaniyang kamay.

"Mukha bang babae yan? Parang mas mapagkakamalan pang lalaki sating dalawa yan eh" inis na pang iinsulto nito sa akin habang nakaduro.

Grabe makalalaki ah?! Putulin ko daliri nito eh!.

"At least ako parang lang! E kesa naman sayo! Bata palang muka ng paa!" Sigaw ko pabalik sa hayop na tukmol na kinginang tobias nato!

Parang mas lalong nanginig sa galit si tobias, sobrang pula ng muka niya at halos mag-dikit na yung mga kilay niya.

Hala hala!

Dahan-dahan akong nitong tinignan habang nanlilisik ang mga mata.

"Inuubos mo talaga ang pasensya kong impakta ka!"  Pikon na ani nito.

Grabe maka impakta ah!

Tignan mo to siya pa may ganang mapikon samantala siya yung nagumpisang manlait sakin.

Mukha daw akong lalaki oh!.

Lakas makabwisit nitong tobias sibuyas nato eh.

Pareho kaming napatingin sa isang butler na lumapit sa amin.

"Yes dexter?" Bored na sabi ni elias duon sa butler.

Napakamot nalang ng batok yung dexter saka tumingin sakin, taka akong tumingin sakanila. Problema nitong mga to? Ang w-weird ng mga tao dito.

"Sir pinapatawag daw po si miss impak-"

"Subukan mong ituloy yan, masisira kinabuksan mo sa suntok ko" banta ko sakani'ya saka niya pinatay sa nanlilisik ko mga tingin.

Natatandaan ko tong gunggong nato eh! Siya yung nagsabi sakin ng word na 'hulaan mo'  o diba alam ko siya yun e! May atraso sakin ang putanginang to!

Nagtawanan naman yung mga nakapaligid sa akin, agad ko silang inirapan na lalong kita tawa nito.

Super ang saya pag sa jobele bida-bida ka!

"Oy impakta tawag kana ni boss" si "ehem" elias.

Wala salitang lumabas sa bibig ko at tumayo nalang ng basta. Tumingin ako kay elias, ngingisi pa ang hayop akala naman niya ay papatalo ako sakniya.

Isang malutong na malutong na kutos ang binigay ko sakniya. Kita ko pa ang pag ugoy ng ulo nito at panlalaki ng mata.

Agad akong tumakbo bago pa nila ako maabutan, takbo lang ako ng takbo hanggang sa mapunta ako sa second floor.

One Terrible Mistake (modern asshole series 2)Where stories live. Discover now