03: Interview

522 6 7
                                    

IT'S BEEN  two days i always think about that offer.

Hindi pumayag si aurea sa gusto kong mangyari,masyado daw delikado kaya pag-isipan ko daw muna'g mabuti kaya eto ako ngayon pilit parin naghahanap ng trabaho para sa option.

Pero wala talaga akong mahanap, yung iba ay naghahanap ng tapos ng kolehiyo tapos yung iba naman ay gusto ng may karanasan sa trabaho.

E waitres lang naman talaga ang alam kong trabaho o di kaya naman ay taga hugas ng pinggan.

Pagod akong umupo sa may sofa ng living room, maghapon nakong naghahanap sumasakit narin ang mga paa ko.

Tumayo ako at kumuha ng tubig sa kusina.

Habang umiinom ay may narinig akong nagsasalita sa likod bahay, sa labis na pagtataka ay lumabas ako ng kusina upang makita kung sino ang taong iyon.

" Ma naman...intindihin naman natin si penelope wala na siyang pwedeng malapitan" mahinang bulong ng taong iyon.

Kahit hindi ko alamin ko tignan ay alam kong si aurea iyon kausap ang kaniyang ina.

[ Ay jusko naman anak!, Hanggang kelan ba magiging pabigat sayo iyan'g bata na iyan?!"] Sigaw mula sa kabing linya, rinig na rinig ko iyon dahil umii-echo iyon.

Sumikip ang dibdib ko sa narinig, nanginig din ang aking mga labi sa labis na sakit na nararamdaman.

Feeling ko ay lalo akong nangliliit sa mga binabato nilang salita sa akin.

Nuon palang naman ay alam ko nang ayaw sa akin ng ina nito kaya hindi ko siya masisi kung bakit  ganito nalamang ito magbitaw ng salita sa akin.

" Ma grabe naman ho kayo, baka ho nakakalimutan ninyo na kung hindi ako ipinasok ni aurea sa trabaho at pinatira dito sa kaniyang bahay ay baka pare-pareho tayo nagmamalimos ngayon!." Ramdam ko ang labis na iritasyon nito, marahil ay pagod ng magliwanag sa kaniyang ina, sa kung ano ang sitwasyon namin ngayon.

[Ah basta kapag hindi payan nakahanap ng trabaho ay paa-]  narinig ko ang pag patay ng tawag at isang buntong-hininga.

Napapikit ako at napasuklay ng buhok, mukang wala akong mapagpipilian sa sandaling ito.

Pumunta ako sa aking kuwarto at hinalughog ang aking damitan kung saan ko itinago ang sobre.

Mukang kaylangan ko makipagsapalaran.

Marahil ay dito talaga ako pilit dinadala ng tadhana.

" Alam ko narinig mo usapan namin ni mama" isang mahinang boses ang biglang sumulpot sa aking gilid.

Nilingon ko siya at nagpilit ng ngiti, hawak ang sobre ay umupo ako sa may sofa.

" Mukang wala na akong pagpipilian aurea"mahina kong sabi dito.

Iniwasan ko siyang tignan at yumuko.

"Pasensya kana sa mama k-". Hindi na niya natapos ang sasabihin ng agad ko siyang pinutol.

"Ayos lang wag mo nang isipin yun" mahina lang ang aking pagkakasabi.

Tinignan ako nito ng puno ng awa, ayokong ayoko na nakikita sa mata ng iba ang labis na awa kagaya nalang ng nakikita ko kay aurea kaya naman pinili ko nalamang magiwas ng tingin.

"Pasensya kana penelope ah, sa mga sinasabi nila mama"ani aurea.

Ngumiti naman ako ng pilit sakaniya at tinapik ang kaniyang balikat.

"Okay lang naman , sapat na yung mga tinulong mo sakin para mabayaran lahat ng tinulong ko sayo"  ani ko.

Nagulat ako ng bigla nalang itong humagulgol at niyakap ako ng mahigpit.

One Terrible Mistake (modern asshole series 2)Where stories live. Discover now