We were in Grade 10 when Kaiden transferred to our school. I first saw him in front of the admin building.
I had accidentally passed by the admin building when it started to rain. I didn't have an umbrella, so I decided to stay there until the rain stopped. My eyes wandered around, and suddenly I noticed an unfamiliar figure, a boy wearing a black polo shirt. He was just standing there, watching the raindrops.
There was something about the way he stood. I found him attractive.
Perhaps he sensed someone was watching him because he suddenly turned and looked in my direction. Our eyes met for a moment, and I quickly glanced away, feeling my cheeks heat up.
Reivan, calm down.
Ang pogi...
I tried to steady my breathing, but my heart raced as if it had a mind of its own. Reivan, calm down, I told myself again, mentally willing the heat in my cheeks to fade.
I tried to glance at him again, but he had disappeared. Where did he go?
At first, I thought I had imagined the whole thing, but then I saw him again in the cafeteria, sipping from a water bottle. And there I decided to do some research, secretly.
After days of doing some research about him I found out that he is Kaiden Reeves, a transfer student currently in Grade 10, Section B.
Nasa Section A ako, kaya hindi kami magkaklase. Sayang!
I thought it was just a simple crush, but I was wrong. As the days passed, my feelings for him grew stronger, and I didn't want anyone to know—not even him. I had no plan to tell him. He's straight. Hell no! I'll just keep these feelings to myself.
After that, I decided to write all my observations about him in my journal. All my unspoken thoughts were kept inside its pages. My journal knows everything about how I'm madly in love with this guy named Kaiden Reeves.
"Magkano lahat?" tanong ni Kaiden. It's already 6:30 in the morning. Masyado pang maaga kaya wala pang gaanong estudyante na pakalat kalat sa loob ng campus. 7:30 pa kasi ang start ng first subject.
"250 lahat. May freebie na rin iyang another small tub ng graham."
"Uy, halla! Thank you! May pa freebie pa," He said that with a wide smile on his face. My heart started to act abnormally. Damn that smile, nakakapanghina.
Inabot niya sa akin ang isang libo kaya napatingin ulit ako sa kanya.
"Wala ka bang smaller bill?"
"Wala eh. But I do have gcash. May gcash ka ba?" He asked me a question. I stared at him for almost three seconds. I was taken aback when he snapped his fingers in front of me. Gosh! I was completely spacing out.
"Sorry! Ano ulit yun?" nahiya ako bigla.
"Sa gcash ko nalang isesend,"ulit niya.
"Ah... sige sige!" Natataranta kong sagot. Nilabas niya ang kanyang cellphone saka niya ibinigay sa akin. Napatingin ulit ako sa kanya ng may pagtataka.
"Put your gcash number."
Shet! Napapamura nalang ako sa aking katangahan. My brain is not braining right now.
Sa pagkuha ko ng kanyang cellphone ay saglitang nagdikit ang aming mga kamay. Reivan, Calm down!
Nagpaalam na ako at umalis na agad pagkatapos niyang maisend sa gcash. Hindi ko na kasi alam kung paano ako umakto sa kanyang harapan.
Buong umaga akong sabog sa klase dahil sa mga nangyayari. Dati kuntento na ako na makita siya tuwing uwian, makasalubong sa corridor o makasabay pumila sa cafeteria. Pero ngayon... tila ba binigyan ako ng tadhana ng pagkakataon para makausap ang taong matagal ko ng gusto.
"Hoy, Ivan! Hindi ka magla-lunch?" Bumalik ako mula sa malalim na pag-iisip nang tanungin ako ni Venice kung magla-lunch ba ako. Salubong ang kanyang mga kilay at halatang naiinis na naman siya.
"Kanina pa ako salita nang salita dito! Sasama ka ba o hindi?" Inirapan niya ako saka siya naunang naglakad palabas ng classroom. May dalaw na naman ata.
"Hoy! Hintayin mo ako." Mabilis akong sumunod sa kanya pagkatapos kong kunin ang aking mga gamit. Pagkarating namin sa cafeteria ay agad kong inilibot ang aking tingin. Hinahanap ang taong gusto kong makita.
"Uy, Reivan!" Napatingin ako sa aking likuran nang may tumawag sa aking pangalan. Si Kaiden. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Bigla na namang umurong ang aking dila.
"Oy, Pre! " Agad namang lumapit si Trev kay Kaiden nang mapansin niya ito. Hindi na matanggal sa mukha ni Kaiden ang kanyang mga ngiti. Heto na naman ako. Paano ba kasi iwasan ang mga ngiting iyan?
Tila ba tumahimik ang paligid at tanging si Kaiden na lamang ang aking nakikita. Ang kanyang mga mata na puno ng buhay, ang kanyang mga ngiti na nakakaakit ng atensyon. Nakaayos rin ang kanyang buhok, halatang alagang-alaga ito.
Habang hinihintay namin ang aming mga inorder, I tried to distract myself through scrolling on my facebook. Kaso kahit anong gawin ko ay hindi pa rin ako makakalma. Paano ba ako kakalma kung ka-table namin si Kaiden? Niyaya kasi siya ni Dave na sumabay na sa aming mag lunch tutal wala naman daw siyang kasabay, bakit hindi nalang daw sumabay sa amin?
Nagulat ako kaninang pumayag siya. Hanggang nang matapos kaming umorder at makahanap ng pwesto ay hindi na tumigil ang bilis ng pintig ng puso ko.
Hindi ko nga alam kung nakakakain din ba ako nang maayos. Tila ba naging conscious ako sa aking bawat pagsubo. Patapos na kaming kumain nang bigla akong napatingin sa inilabas ni Kaiden mula sa kanyang bag. Yung mango graham na ginawa ko.
"Guys, baka gusto niyo ng Mango Graham," alok niya. Hindi ako tumingin sa kanya. Kinuha ko lang yung tumbler ko saka uminom ng tubig.
"Halla! Kalasa ng gawa ni Ivan." Napatingin ako kay Venice na ngayon ay kumakain na pala.
"Actually, binili ko sa kanya iyan." Napatingin pa sa akin si Kaiden.
"Mabuti naman at nakabili ka, pre? Hindi na kasi kami nagagawi sa building niyo. Inuubos kasi lagi ng mga Stem ang mga binebenta namin," Si Trev habang kumukuha ng Mango Graham.
"Hoy! Tirhan niyo naman ako," reklamo ni Dave.
"Sorry, Dave. Hindi ka raw kasali sa bibigyan," Pang aasar ni Venice.
Napatingin ako kay Kaiden at nagulat ako kasi nakatingin din pala siya sa akin.
"Reivan, do you want some?" he offered me the mango graham, the one that I made!
"Huwag na si Ivan, sawa na siya sa graham niya." Napailing nalang ako sa sinabi ni Dave.
"Loko ka talaga, pre,"mahinang saad ni Kaiden.
Inubos nga nung tatlo yung Mango Graham na binili sa akin ni Kaiden. Hindi ko nga alam kung natikman ba niya ito.
Pagsapit ng uwian, nauna nang umuwi si Venice at Trev. Dahil may kailangan pa akong tapusing activity na hindi ko natapos kanina sa Contemporary arts namin ay kailangan ko munang magtungo sa library para tapusin ito. May isang oras pa naman ako bago magsara ang library kaya matatapos ko pa itong activity ko. Kukulayan ko nalang naman.
Pagdating ko sa library ay hindi ko nakita si Ms. Gievera. Kaya dumiretso nalang ako sa paborito kong spot saka ko ipinagpatuloy gawin ang aking art.
Nasa kalagitnaan na ako ng aking ginagawa nang biglang nag vibrate ang aking cellphone.
I got a message from an unkown number.
From: 09556872XXX
"If ever you prepare mango graham, I'll order another tub. I'll just send my payment to your GCash number."
My eyebrows furrowed at what I read. Is this Kaiden? Did he just message me to order another tub of mango graham?