CHAPTER 3

10 0 0
                                    

Nagising ako nang marinig ko ang boses ng kapatid ko na ginigising ako. May kasama pang yugyog sa balikat kaya nagising talaga ako.

Tamad na tamad akong bumangon kahit nakapikit pa talaga ang mga mata ko. Inaantok pa kasi talaga ako at ayaw pang kumilos ng katawan ko.

"Kuya... Gising na! Anong oras na, oh!" sabi pa ng kapatid ko habang hila na ang kamay ko at pilit akong ginigising.

"Ito na, gising na." antok na sabi ko kahit nakapikit pa rin talaga ang mga mata ko.

Narinig ko naman siyang tumawa kaya kahit hindi ko siya nakikita dahil ayaw ko pang magmulat ay napangiti na lang din ako.

"Inaasar mo naman ako, kuya, eh! Dali na kasi, gising na! Kakain na tayo ng almusal." pamimilit niya na kaya pinilit ko na ring dumilat.

Medyo malabo siya sa paningin ko no'ng una dahil nga kakagising ko lang pero katagalan ay umayos na rin ang linaw ng paningin ko.

Bumungad sa 'kin ang nakabusangot niyang mukha. Hindi ko tuloy naiwasang matawa sa mukha niya. Nakasuot na rin siya ng uniform niya.

"Anong almusal naman ang meron tayo?" nakangiting tanong ko.

"Secret," sabi niya at tumawa.

Napailing na lang ako habang may malaki ring ngiti sa labi. Nawala lang 'yon ng may marealize ako.

"Oo nga pala, si–" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang magsalita na agad ang kapatid ko.

"Si ate Pearl ba? Kanina pa siya umalis." sabi niya habang may nakakalokong ngiting nakatingin sa 'kin.

"Mali ka ng iniisip. Akala mo hindi ko alam 'yang iniisip mo, ah." agad na sabi ko ng mabasa ko agad ang mukha niya.

Bumunghalit naman siya ng tawa na ikinasimangot ko. Kilala ko ang kapatid ko kaya alam ko kung anong iniisip niya. Basang-basa ko na siya.

"Wala kaya, eme ka, kuya." umiiling na sabi niya pero nakangiti pa rin.

Nagkita pala sila. Inaasahan ko na rin naman 'yon dahil maagang nagigising si Hazey dahil sa may pasok siya sa school.

"Hindi mo ba ako tatanungin, kuya kung may napag-usapan man kami or may pinapasabi siya sa 'yo bago siya umalis, ha?" nakangising sabi niya sa 'kin.

Tumaas ang isang kilay ko sa sinabi niya. Inaasar lang ako ng batang 'to, eh.

"Bakit naman? Kung umalis na siya edi umalis na siya, ano pa bang gagawin ko?" sabi ko lang na ikinatawa niya.

Ayos lang naman sa 'kin kung umalis na siya nang hindi nagsasabi sa 'kin. Hindi naman kami close, noh.

"Hay naku, kuya." iiling-iling na sabi pa ng kapatid ko.

"Oo nga pala, kuya. Bakit nandito si ate Pearl, ha? Bakit dito siya nagpalipas nang gabi? Anong ginawa niyo, ha?" tinuro niya pa ako gamit ang hintuturo niya kaya napaatras ako dahil baka matusok niya ang mata ko.

"Wala 'yon at hindi mo rin pwedeng malaman. Kung ano man 'yang iniisip mo, mali ka." sabi ko at tumayo na para maligo.

Buti na lang at wala na nga siyang sinabi pa. Marunong naman akong sumunod sa usapan. Kung anong napag-usapan namin ni Pearl ay sa 'min na lang 'yon. Mas mabuti na rin siguro 'yon.

Nang matapos akong maligo ay wala na ang kapatid ko. Umalis na ata dahil pagpunta ko sa sala ay wala na siya do'n at wala na rin ang gamit niya kaya sigurado akong umalis na siya para pumasok.

Pinupunasan ko pa ang basa kong buhok gamit ang twalya ko ng maglakad ako palapit sa mesa kung nasaan ang almusal.

Mahina pa akong natawa ng makitang may note doon na galing sa kapatid ko. Ganito talaga siya. Nag-iiwan siya ng note kapag hindi na siya makakapagpaalam sa 'kin ng harapan at nagmamadali siya.

LA FIERRA SERIES 1: Pearl Jay SamoaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon