CHAPTER 1

43 0 0
                                    

Nahinto ako sa pag-aayos ng mga gamit ko para sa mga ititinda ko mamaya nang marinig ko ang pagtawag sa 'kin ng kapatid ko.

"Kuya..." tawag niya ulit sa 'kin.

Kita ko agad ang malungkot niyang mukha kaya napakunot ang noo ko. Mukhang iiyak pa nga dahil may nakikita akong luha sa mata niya.

"Bakit? Bakit ganiyan ang mukha mo?" takang tanong ko sa kaniya.

Imbis na sagutin ang tanong ko ay yumuko lang siya at pinaglaruan ang mga daliri sa kamay.

"Halika nga dito." tawag ko sa kaniya at tinapik pa ang kahoy na upuan sa gilid ko para paupuin siya doon.

Agad naman siyang naglakad palapit sa 'kin para maupo sa tabi ko. Doon kasi ako nakaupo habang nag-aayos at naghahanda ng mga street foods na ititinda ko maya-maya lang.

"Anong problema? Sabihin mo kay kuya." sabi ko matapos siyang akbayan.

Nag-angat naman siya ng tingin sa 'kin at doon ko nakita na umiiyak na siya.

"Sorry, kuya." sabi niya at humagulgol na.

Napaawang naman ang labi ko. Hindi alam ang dahilan kung bakit bigla siyang nag-sosorry at humahagulgol ng iyak.

"Bakit ka nag-sosorry?" kunot noong tanong ko at pinupunasan na ang mga luha niya sa mata.

"Ma... mababa po kasi 'yung mga scores ko sa e-exam at baka p-po magkaroon rin ako ng line of 7 sa card dahil do'n." nahikbing sabi niya.

Bumuntong hininga naman ako tsaka siya niyakap at marahang tinapik-tapik ang likod niya. Niyakap niya rin naman ako nang mahigpit at tsaka niya sinubsob ang mukha niya sa dibdib ko.

Nasasaktan ako para sa kapatid ko. Wala namang problema sa 'kin kung hindi siya mataas sa mga scores niya, ang mahalaga lang naman sa 'kin ay 'yung nakakapag-aral, natututo at nag-eenjoy siya. Kahit kailan ay hindi ko naman siya prinessure pagdating sa pag-aaral niya. Gusto ko lang na maranasan niya ang magsaya at mag-aral.

"Shh, tama na. Okay lang naman sa 'kin, h'wag ka ng umiyak." pagpapakalma ko sa kaniya.

"Alam ko namang ginagawa mo ang best mo at hindi mo pinapabayaan ang pag-aaral mo. Ang malamang nag-aaral at hindi mo pinapabayaan ang pag-aaral mo ay okay na sa 'kin. H'wag mo masyadong pahirapan ang sarili mo." sabi ko sa kaniya.

"N-naguiguilty lang po k-kasi ako, kuya. Nagpapakahirap ka po kasing magtinda para mapag-aral ako tapos.... tapos gano'n pa po ang ibibigay ko sa inyo. Ginawa ko naman po lahat pero wala pa ring nangyayare. S-sorry po, kuya." hinalikan ko siya sa noo pagkatapos niyang magsalita.

Pagkatapos ng ginawa ko ay hiniwalay ko siya ng yakap sa 'kin tsaka ko siya pinatingin sa 'kin.

"Tumingin ka sa 'kin. Hazey, 'di ba sabi ko sa 'yo na kahit ano pang makuha mo ay ayos na sa 'kin? Ang mahalaga ay masaya ka at nag-aaral ka. Gusto ko lang naman na makapagtapos ka, 'yun ang importante sa 'kin. Oo nga at maganda ngang may matataas na marka o may nakukuhang awards kumbaga dagdag achievement sa 'yo, reward sa lahat ng pinaghirapan mo pero ayos lang rin naman kung wala kang makukuha. Kahit naman magka line of 7 ka ay proud na proud pa rin ako sa 'yo. Alam ko kung gaano ka naghihirap at nagsusumikap kaya kahit ano pa man 'yan, proud na proud ako sa 'yo, okay? Basta mag-aral ka lang nang mabuti at magsaya, h'wag mong ipressure ang sarili mo. Hindi nga kita pinepressure, eh." sabi ko na ikinatawa niya pa dahil sa huli kong sinabi.

LA FIERRA SERIES 1: Pearl Jay SamoaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon