"Gising ka na pala." sabi ko nang makita kong nakaupo na sa kama si Pearl pagpasok ko ng kwarto kung saan ko siya nilagay.
Sa bahay namin ko siya dinala at ako na ang naglinis ng sugat niya. Gustuhin ko man siyang dalhin sa hospital ay hindi pwede dahil paniguradong tatanungin ako kung bakit may daplis siya ng bala.
Hindi ko rin naman alam ang isasagot kaya nagdesisyon akong iuwe na lang siya at ako na lang mismo ang gagamot sa sugat niya.
Nalaman ko kasing nadaplisan lang siya at wala namang bumaong bala kaya nakaya kong gamutin ang sugat niya.
"Nasaan ako?" seryosong tanong niya habang nililibot ng tingin ang kwarto ko.
"Nasa bahay namin." sagot ko naman kaya napatango-tango siya.
Oo nasa kwarto ko siya. Kahit na maliit lang ang bahay namin ay mayroon kaming sariling kwarto ng kapatid ko.
Sakto lang naman sa isang pamilya ang laki ng bahay namin. Sariling bahay rin namin 'to kaya tubig at kuryente na lang ang binabayaran ko.
Dapat sa kwarto talaga ng kapatid ko siya ihihiga kaso pag-uwe ko ay tulog na ang kapatid ko sa kwarto niya kaya hindi ko na inistorbo.
Hindi na ata niya ako nahintay kaya nakatulog na siya. Anong oras na rin naman kasi. Mukhang natagalan ako sa mansyon na 'yon. Hindi ko na rin kasi talaga natingnan pa ang oras dahil sa mga nakita at nalaman kong pangyayare.
"Oo nga pala, anong ginagawa mo sa lugar na 'yon? Hindi mo ba alam na pwede kang mapahamak kung nakita ka nilang nando'n?" salubong ang kilay na sabi niya.
Napakamot lang naman ako sa kilay ko dahil hindi ko naman ginustong pumunta doon. Napag-utusan lang naman ako tsaka hindi ko naman alam na may mga gano'n do'n.
"Napag-utusan lang naman ako. Hindi ko alam na may gano'n. Eh, ikaw? Bakit nando'n ka? Anong ginagawa mo do'n at bakit hinahabol ka nila at binabaril?" takang tanong ko.
Bigla naman siyang umiwas ng tingin at napatikhim. Dahil sa ginawa niya ay mas lalo kong nasiguro na may ginagawa siyang hindi maganda.
Napapaisip pa rin talaga ako kung bakit siya nando'n. Ayaw ko namang husgahan siya agad, lalo na at wala naman akong alam sa nangyare.
"Kalimutan mo na lang na nakita mo 'ko do'n tsaka h'wag na h'wag mong ipagsasabi sa iba ang nangyare nang gabing 'yon." bigla niya akong nilingon ulit nang sabihin niya 'yon.
Naninibago ako. Hindi ito ang Pearl na nakilala ko, eh. Ibang-iba ang aura niya ngayon. May tinatago talaga siya, eh.
Hindi mo ba pwedeng sabihin sa 'kin kung anong ginagawa mo do'n?" kunot noong tanong ko.
Nagdadalawang isip pa nga akong itanong 'yon kasi baka magalit siya kaso hindi ko mapigilang itanong, eh.
"Hindi pwede, bawal." sagot niya na ikinatango ko na lang.
Dahil sa nangyare ay parang may nagtulak sa 'king kilalanin siya. Gusto kong malaman kung sino ba talaga siya at kung ano bang tinatago niya.
Gusto kong malaman kung ang Pearl na pinapakita at pinakilala niya sa 'min noon ay siyang totoo o ang nakita ko ngayon lang.
"Oo nga pala, masakit pa ba ang sugat mo? Ayos ka na ba?" tanong ko kaya nabaling ang tingin niya sa braso niyang may benda na.
Benendahan ko pagkatapos kong linisin at gamutin. Gulat niya naman akong tiningnan matapos niyang makita 'yon.
"Ikaw ang may gawa?" tumango ako sa tanong niya.
"Salamat, pogi." malaki siyang ngumiti sa 'kin at natigilan ako nang bigla niyang pisilin ang pisnge ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/289198143-288-k685378.jpg)
BINABASA MO ANG
LA FIERRA SERIES 1: Pearl Jay Samoa
Roman pour AdolescentsSTOLEN HEART Pearl is a thief who grew up in a life of crime. With no family to care for, she continues her secretive and dangerous job. Meanwhile, Bhen is a humble street food vendor, selling to sustain their daily living. When Bhen meets Pearl and...