The Note

7 0 0
                                    


Ilang sandali pa ay bumalik na sya sa table nila at hindi rin nagtagal ay bumalik na sa wakas ang mga kaibigan nya, pasado alas dose narin ng mga oras na 'yon.

"Girrrlll! Ikaw ha! Ano, wala ka bang balak ikwento?" 'Yon agad ang bungad ni Ceila pagkaupo nilang tatlo.

"Ha? Ano namang ikukwento ko."

"Come on, Sebastian saw you dancing kanina, who's the lucky guy?" Esmerée said while poking her.

And just like that, she felt those butterflies again. Their dance suddenly flashes through her mind, the most magical moment she has ever done.

"Omg, she's blushing!" Sera shouted.

"Sshh, you're too loud." Zephyra said and looked away. "I have nothing to say. Come on, the party ends here, let's go home." She hurriedly stood up at mabilis naman syang sinundan nung tatlo.

"Ladies, our Zephyra is keeping a secret from us." Pang-aasar pang muli ni Ceila. "Kaya pala ayaw sumama sa'tin kasi may parating."

"Shut up, Ceila." 'Yon nalang ang sinagot nya dahil pakiramdam nya ay namumula parin ang mga pisngi nya.

"Excuse me, Ms. Zephyra?" Bago pa tuluyang makalabas ay tinawag sya ng receptionist na tila nakaabang na talaga sa pagdaan nya.

Nagtataka nyang tinignan ang babaeng nakangiti sa kanya pati narin ng mga kaibigan nya ay napatingin dito.

"Yes?"

"May nagpapabigay po nito." Nakangiti nitong inabot sa kanya ang isang maliit na bouquet of red roses at may nakaipit pang maliit na note dito. Nagtataka man ay kinuha nya ang bulaklak.

"Salamat." Ngumiti sya pabalik bago tuluyang lumabas ng venue at doon kinuha ang note.

"Girl, kanino galing 'yan?" Hindi nya pinansin ang tanong ni Esmerée at mabilis na binasa ang nakasulat dito.

[It was the most wonderful dance I ever had. Everything seems so romantic. Would you mind going out and have some coffee with me, Zephyra? There's a cafe near the venue. I just feel like I want to spend more time with you. If you're interested, please come. I'll be waiting for you at 3pm sharp. Take care, Zephyra and hope to see you again. - Cassian]

"Cassian?" The three of her friends said in unison. She flickered a little because of their voices.

Pagtingin nya sa mga ito ay pawang mga kinikilig na ang itsura, handa nanaman syang tuksuhin.

"'Yan ba yung kasayaw mo kanina?"

"For sure sya 'yon 'no?

"Pangalan pa lang ang gwapo naaa! And take note, gusto kang makita ulit!"

'Yon ang sunod-sunod na sinabi ng mga ito at wala naman syang balak na sumagot. Nakangiti nyang tinupi ang note at ibinalik sa loob ng bouquet.

"Tumigil na kayo, tara na umuwi na tayo." Nauna na syang maglakad papunta sa sasakyan ni Esmerée na akala mo nasa kanya ang susi.

"Ang daya mo naman, magkwento ka naman huy!" Pangungulit pa ulit ni Sera.

Hindi nya pinansin ang mga ito at tumahimik lang buong byahe kahit matagal pa bago tumigil sa pangungulit ang tatlo sa kanya.

"Bye, Cassian! Sana masarap ang tulog mo, hmp!" Kunyaring pagtataray ni Ceila. Sya ang naunang inihatid dahil sya lang ang medyo nalalayo ang bahay, ang tatlong naiwan ay hindi gano'n kalayo ang pagitan ng kanilang lugar.

Ngumiti sya sa mga ito at kumaway. "Bye, salamat sa paghatid. Ingat kayo."

Nang tuluyang mawala sa paningin ang sasakyan ng kaibigan ay mabilis naman syang pumasok ng bahay at inilagay agad sa vase ang mga rosas na muli nanamang nagpangiti sa kanya.

Hindi dahil sa ayaw nyang magkwento, gusto nya munang sarilinin ang sayang nararamdaman. Gusto nyang sya lang muna ang nakakaalam ng masayang pangyayari na hindi nya inasahan.

After doing her night routine, she went straight to her bed and just like earlier, her memories with him kept on flashing on her mind, like a boomerang. Even his voice echoed in her ears.

Muli rin nyang inalala ang gwapong itsura ng lalaking kasayaw. Noon lang sa buong buhay nya naranasan ang lahat ng hindi nya inaasahang mangyari kanina.

The scene she had earlier was like a scene in a movie, in a romance novel, in a fairy-tale story. Who would have thought that it could possibly happen to her. Yung mga bagay na sinusulat nya lang ay bigla nyang naranasan. They're total strangers but they've done a beautiful magical dance and time together. Maybe into some other people, it's normal, but to her? Nah, it's really something special.

--

Saturday morning came at masaya syang bumangon at deretsong binuksan ang kurtina ng bintana nya mula sa second floor. Masaya rin syang bumaba sa first floor para mag-prepare ng breakfast nya.

Mula pa kagabi ay hindi nawala sa isip nya ang pag-aaya sa kanya ni Cassian. Wala sa isip nya ang hindi sumipot, sa katunayan nga ay nung mga oras palang na basahin nya ang note ay buo na ang loob nyang siputin ito. Iba ang saya na naramdaman nya sa isipin na hindi sya basta nalang iniwan ng lalaki sa gitna ng dance floor, bahagya ay nawala ang kaunting lungkot na naramdaman nya pagkatapos ng sayaw nila.

Mabilis na lumipas ang oras at heto nga't nakaharap na sya sa kanyang tokador at namimili ng tamang susuotin, bigla ay parang wala syang mapili sa mga damit nya kahit na magaganda naman ang mga ito.

At the end, she chose to wear a white halter dress above the knee length paired with nude beige color 2 inch sandals. Ayaw naman nyang magmukang excited at mag-over dress. She wears light make-up to look simple but classy.

Ito ang unang beses na makikipagkita sya sa isang lalaki, hindi pa sya kailanman nagkaroon ng date kung date nga bang matatawag ang magiging pagkikita nila ngayon.

Suddenly her phone rang and it was Esmerée.

[Girl, ano? Kikitain mo ba sya?"] Halata sa boses nito ang excitement. Pati tuloy sya ay hindi naiwasang mahawa sa excitement na 'yon.

"Talagang tumawag ka para makichismis?" Sagot nito at pilit tinatago ang nararamdaman kilig.

[Duh! Of course!] Malakas at natatawang sabi nito. [Galingan mo ah? Baka ito na ang destiny mo!]

"Sshh, tahimik. Sige na aalis na 'ko, bye." Deretso nyang pinatay ang tawag. "Ano ba 'yon, chismosa talaga." Natatawa nyang sabi sa sarili.

**

Cityscape Romance | Short StoryWhere stories live. Discover now