She looked at her face in the mirror for one last time. Checking if she's good to go. She inhales and exhales before she decides to enter the coffee shop. She roamed the place and saw that Cassian's wasn't there yet.Bigla ay parang nawala ang excitement nya at napalitan ng kaunting kaba, hindi nya inaasahang makakarating sya doon ng wala pa si Cassian. Hindi nya alam kung nauna lang ba talaga sya o ano.
Bigla ay inalala nya ang kahapon nilang pagkikita, masaya syang sinalubong ng ngiti ng lalaki. Hindi tulad ngayon na kahit presensya nito ay wala.
Wala nalang syang nagawa kundi umupo sa isang corner at maghintay na lang. Hindi nya rin alam ang gagawin, kung papaano nya makakausap si Cassian eh hindi naman sila nagpalitan ng number.
Lumipas ang isang oras ng paghihintay nya, nakaubos narin sya ng dalawang order ng coffee. Bigla ay napalitan ng lungkot ang sayang nararamdaman nya, hindi nya naiwasang mag-isip ng bagay-bagay.
'Ano kayang nangyari?'
'Bakit hindi dumating si Cassian?'
'Nakalimutan nya ba o hindi talaga sya darating.''Yan ang iilang tanong na hindi nya malaman ang sagot.
She started to fix her things. If Cassian won't show up then it's time for her to go home. She was about to stand up nang lumapit sa kanya ang isang barista.
"Hi, are you Ms. Zephyra? 'Yon po kasi nakalagay sa receipt nyo."
"Y-yes? Why?" Her eyes turned to a familiar book the barista is holding. Bahagya syang kinabahan.
"Someone wants to give this to you po."
Nagdadalawang isip man ay inabot nya ang mga librong iisang tao lang ang alam nyang pwedeng magbigay no'n sa kanya.
"Kanino galing?"
"Sorry pero hindi po nagpakilala, Ma'am. Kanina pa po 'yan ibinilin, siguro mga one and a half hour na po, nakalimutan lang ibigay nung kasama ko. Sige po, salamat po." Hindi sya nakapagsalita. Kahit walang pangalan ang libro ay alam nyang kay Cassian galing ito dahil 'yon ang librong binanggit nya kahapon na paborito nya.
"So, he came? He was here?" She asked like there's another person on her side that is going to answer her.
Now, a lot of questions are playing in her mind.
'What happened?'
'He came and left without seeing me?'
'What were these books for?'And many more unanswered questions.
Hanggang sa makauwi ay hindi maalis ang mga tanong sa isip nya. Wala sa sariling ibinaba nya ang libro sa desk nya at tinitigan 'yon na para bang nando'n ang sagot sa mga tanong nya.
Iniisip nya kung may nagawa ba syang mali o nasabing hindi maganda para maging dahilan ng hindi nila natuloy na pagkikita pero kahit isa ay wala naman syang maalalang mali sa ginawa nya.
Masaya pa nga silang naghiwalay ng landas.
Hindi tuloy sya mapakali, inabot na sya ng kalaliman ng gabi sa pag-iisip. Naghalo-halo narin ang nararamdaman nya, parang napalitan ng pag-aalala, dismaya at lungkot ang dalawang gabi na masaya nilang pinagsamahan.
Nag-vibrate ang cellphone nya at nakitang tumatawag si Esmerée, walang ganang dinampot nya ito at sinagot.
"Bakit?"
[Okay ka lang ba dyan?]
"Ha? Oo naman bakit?
[Kanina pa kaya kami nagdo-doorbell.]
"Doorbell?"
[Oo, nandito kami sa pinto mo.]
Nagtataka nyang tinignan ang pinto nya, gano'n kalalim ang pag-iisip nya para dumating sa puntong hindi nya marinig ang pagtunog ng doorbell nya.
Tumayo sya at binuksan ang pinto, nandoon nga ang apat nyang kaibigan at may kanya-kanyang dalang brown bag.
"Anyare sayo?" Bungad na tanong ni Ceila
"Ha?"
"Hello, earth to Zephyra." Esmerée clicked her fingers in front of Zephyra's face. All of them went straight to the dining table and placed the brown bags they were holding.
"Anong ginagawa nyo dito?" Wala sa sariling tanong nito.
"Are you okay, Zephyra? Because you don't seem okay." Hindi narin napigilan ni Sebastian ang magtanong.
"What? I-i mean yes, yes okay lang ako." Pilit nyang inayos ang sarili at isinantabi muna ang magulo nyang pag-iisip.
"Are you sure? Bakit parang lutang ka?"
"Ha? Ano ka ba, Sera..." Bahagya syang ngumiti, "Syempre hindi, tsaka baka pagod lang. Ano pala 'yang dala nyo?" Lumapit sya sa table at sinilip ang bawat supot.
"Drinks, makikichika kami about sa date mo kanina, so anong nangyari? Maganda 'yan pag-usapan habang nag-iinom, di ba guys?" Sumang-ayon naman ang lahat sa sinabi ni Ceila.
Walang anu-anoy bigla syang napatigil sa ginagawa at nagbaba ng tingin. Matagal syang natahimik na pawang naisip nanaman ang nangyari kanina.
"Oh bakit? Anong nangyari? Hindi ba kayo natuloy?" Agad na lumapit sa kanya si Esmerée at bahagya pang sinilip ang mukha nya.
Doon ay nakita nya ang lungkot na matagal na nyang hindi nakita sa dalaga. 'Yon ang lungkot na nakita nila nung maiwan syang mag-isa ng parents nya.
Agad syang inakbayan ni Esmerée, inaalo. "What happened, Zephyra? Tell us." Sa tono na 'yon ng boses ni Esmerée ay agad-agad na naglapitan ang tatlo pa nyang mga kaibigan. Umakbay din ang nagsisilbing kuya nilang lahat.
"Zeph? Gusto mo ng kausap? Nandito kami." Zephyra looked straight to him, to them, and that moment a tear escaped from her eyes.
"Hindi ko alam guys, hindi ko alam kung tama ba 'tong mga nararamdaman ko, ang gulo ng isip ko ngayon." Natakpan nya ang mukha at pasalampak na umupo.
Nagkatinginan naman ang magkakaibigan dahil sa narinig, tinatantya kung ano ang dapat na gawin.
"Bigla syang lumapit sa'kin, pinagaan ang loob ko, tapos... tapos bigla nalang syang..." hirap sa pagsasalita si Zephyra, hindi alam kung anong tamang salita ang makakapag-describe ng mga nararamdaman nya.
Tumabi sa kanya si Ceila at umakbay.
"Okay lang 'yan, sige sabihin mo lang lahat. Makikinig kami."
Tumingi sya sa mga kaibigan na nakatutok lang din ang tingin sa kanya. Hindi naman siguro masama ang mag-open sa kanila, sila-sila lang naman ang nagtutulungan, isip-isip nya.
**
YOU ARE READING
Cityscape Romance | Short Story
Short StoryZephyra never expected that a single night would change everything. At a grand ballroom filled with strangers, she crosses paths with Cassian, a mysterious man who brings a spark of magic into her quiet world. What begins as a fleeting encounter un...