Unofficial Ending

3 0 0
                                    


"Just like that? Aba, kung gaano sya kabilis dumating sa buhay mo, gano'n din sya kabilis umalis? Aba'y eat and run naman pala 'yon eh!" Hindi napigilan ni Ceila ang inis.

Pinalo naman ni Esmerée ang hita nya. "Anong eat and run ka dyan, run lang walang eat bruha!"

"Sorry, sorry na. Eh ba't naman kasi gano'n!"

"Oo nga, hindi ba parang ang redflag naman nya?" Komento rin ni Sera. "Pero super green flag nya base sa kwento mo eh, ano kayang nangyari."

Naroon sila sa balcony ng kwarto nya at nag-iinom. Dahil sa hindi napigilang emosyon ni Zephyra ay wala na syang nagawa kundi sabihin ang nangyari simula nung party hanggang sa kaninang hindi pagsipot ni Cassian.

All of her roller coaster emotions are new to her, as in brand new. Hindi nya alam ang tamang dapat maramdaman at isipin kaya sa tingin nya ay kailangan nya ng advice mula sa iba.

She's a romance writer yes, and she thought that she could handle every emotion that may happen to her in the future kasi nga mismo sa libro nya ay may happy endings, majority of her story is a happy and peaceful relationship because she thinks that's how pure love works. Na kahit may dumaan na pagsubok, kayang lagpasan basta magkasama at mahal na mahal ang isa't-isa just like in fairy-tales.

People read her books to fall in love kaya nasanay syang gumawa ng storyang walang taong nagmamahal ang sobrang nasasaktan when in reality, hindi pala gano'n. Hindi nya inasahan na hindi pala gano'n kasimple, hindi nya pala dapat inunahan ng isip na gano'n din ang mangyayari sa kanya kung hindi pa naman talaga nya nararanasan.

The reason why she's hurt is because she really thought that that's their beginning but hell no, it's the other way around. Inakala nya talagang okay sila dahil Cassian did nothing but made her happy, every single moment.

"Let's not just jump into conclusion, we really don't know what happened. Maybe he has a reason, kasi bakit nya aayain ulit si Zeph makipagkita kung hindi pala sya sisiputin, right?" Napalingon si Zephyra sa sinabing 'yon ni Sebastian, napapaisip.

"Eh baka nagbago ang isip kaya nagback-out at iniwan 'to sa ere." Kontra naman ni Ceila.

"Tama, wait. Alam ko na!" Nahampas ni Esmerée ang table na parang nahulaan ang tamang sagot. "Baka kaya nagbago ang isip at hindi ka sinipot dahil nahuli ng girlfriend, baka taken na 'yon tapos diniskartehan ka pa!"

"Ang lokong 'yon! Itong Zephyra pa natin ang pinuntirya!" Dagdag pa ni Sera.

Biglang napaisip si Zephyra. Hindi nya naramdaman ang bagay na 'yon, ni hindi sumagi sa isip nya ang tungkol do'n. Gano'n ka green flag sa kanya si Cassian to the point na hindi nya naisip ang bagay na 'yon.

"Wait, wait lang. I don't think 'yan ang dahilan." Pagkontra naman ni Sebastian.

"Sandali nga, sino bang kaibigan mo rito? Parang napapansin kong pinagtatanggol mo 'yon eh!" Mataray na sabi sa kanya ni Ceila. "Sige nga Zephyra, sabihin mo, naitanong mo man lang ba kung may girlfriend sya?"

"Hindi. Hindi ko tinanong 'yon kasi ayokong mag-isip nya ng kung ano-ano sa'kin."

"Edi baka 'yun na nga ang problema. Baka napagtripan ka lang." Dagdag naman ni Sera.

"Hindi nga kasi gano'n, parang pakiramdam ko talaga gusto nya si Zeph pero hindi pa lang ngayon eh."

"Hindi talaga ngayon, iniwan nga sa ere eh." Giit naman ni Esmerée.

"But what about the book?"

Sabay-sabay silang napatingin sa librong nasa gilid ng table.

"Eh ano namang connect nyan?"

"Come to think of it, guys. This book is Cassian's favorite book sabi mo Zeph, diba? Tapos may autograph pa 'to, usually, ang hirap makakuha ng autograph tapos tinatago nya talaga 'tong libro. Now, kung ako si Cassian and there's something important to me, bakit ko 'to hahayaang mawala?"

Sa sinabi nyang 'yon ay naguguluhang nakatitig sa kanya ang lahat.

"Seb, di kita ma-gets. Are you trying to say na hindi importante si Zeph sa kanya kaya hinayaan na mawala ng gano'n nalang? Aba, siraulo nga talaga 'yon!" Angil ni Sera.

"That's not what I mean, Sera. Tss!" Nakamot ni Sebastian ang ulo. "Okay ganito, kunyari isa akong pirata at nakakuha ako ng isang treasure box but I had to go somewhere or I need to do important matters or let say emergency, so ang gagawin ko sa treasure box, ipapahawak ko sya sa isang mapagkakatiwalaang tao or kung wala man, itatago ko sya into somewhere safe so I can go back when I'm done to get back my treasure."

"So you mean, kaya nya 'to iniwan sa'kin dahil babalikan nya 'to?" Ang kaninang malungkot na mukha ni Zephyra ay bahagyang nabawasan.

"That's the possibility, don't get your hopes too high. Ang gusto ko lang sabihin ay posibleng balikan nya 'yan... at balikan ka nya."

Bahagya syang nakahinga ng maluwag sa narinig sa kaibigan. Nabuhayan ulit sya ng loob dahil do'n, sa isip nya ay parang kahit katiting na chance lang ay kakapitan nya.

"Kaya 'wag ka na masyadong malungkot. Ang isipin mo na lang ay may emergency syang kailangan gawin, we never know. Cheer up, kaya mo 'yan." Inakbayan sya ni Sebastian kaya naman lahat na sila ay yumakap na sa kanya.

"Cheer up, nandito lang kami. Ito ang unofficial first heartbreak mo, congrats pretty!" Pang-aasar ni Esmerée.

"Bruha, nang-aasar ka pa eh."

"Joke lang, pinapatawa lang kita. Ganito nalang, malay mo bukas o next week, bumalik sya bigla 'di ba? Wala kasing makakapagsabi satin eh. Kaya ang choice na meron ka is, it's either hihintayin mo sya o hindi na, 'yun lang 'yon."

Hindi na sya kumibo at nag-isip nalang ulit. Doon na rin natapos ang usapan nila tungkol kay Cassian. Kahit papaano ay nagliwanag ang mukha nya at nabawasan ang konting pangamba.

Marami paring tanong sa isip nya at siguro ay hihintayin nalang nya ang pagbabalik ni Cassian para mabigyang kasagutan ang lahat.

**

Cityscape Romance | Short StoryWhere stories live. Discover now