1

16.5K 263 15
                                    

AN: Hayun. kaka-5 votes lang.hahaha.here's the update. hahaha..hyper ko ngayon.

do vote-comment or recommend po..lalabs you all...ehehehe.lab ko KARA.^^v

---

Spike THAT

COMMONER. Ako yan. Yung tipong hindi napapansin kahit mag-absent sa klase. I love being a commoner. Walang inaalagaang image. I can do what I want. I can eat street foods anywhere I want. Pwede akong mangulangot sa public nang hindi tinatambangan ng mga paparazzi. At kung sinumang mahilig mangialam sa buhay.

Ganyan ako... NOON. Ganyan pa rin naman ako ngayon. Or sa pangarap ko na lang yan.

Nakapasok lang ako sa Mhei Zhou university dahil sa paglalaro ng volleyball. Marami palang benefits to. Free ang tuition fee, may allowance, may dorm. Makakatipid ang mga magulang ko nito. Hihi.

Maraming sikat ang nag-aaral ditto. Yung masasabi mong..DUH volleyball player ka lang. kami miyembro ng mga elite sa siyudad.

OO. I hate them. They who think they could buy someone's life. Yung kung umasta kaya nilang bilhin ang buhay mo at ng pamilya mo isama mo na ang mga ninuno mo at magiging apo mo sa kuko. Pssh. Stupidity. Umuusok na naman ang ilong ko.

"Ara... baka gusto mong isubo yang nasa kutsara mo?"

Nagising na lang ulit ang diwa ko sa pagpansin sa akin ni ate Kim. "ha?? Ah sorry...Lutang lang e..."

Ara here. Freshman at Mhei Zhou University. As I was saying kung walang volleyball hindi ako makakapag-aral ditto.

"gisingin mo na kaya yung isa?"suhestyon niya.

"hayaan mo nga siyang ma-late sa klase niya. Panay ang puyat e..napapala niya."

"aba kayo ang magkasama sa kwarto. Dapat pagsabihan mo..."

Padabog akong tumayo at tumungo sa kwarto. Kakatok pa lang sana ako ng bigla na itong bumukas. Bumulaga sa akin ang higanteng kapre na to. Anghaba naman kasi ng binti pero yan ang asset niya e. pupungay pungay pa ang kanyang mga mata."anong oras na?"

"7:00 in the morning..."mahina kong tugon sa kanya para hindi siya mabigla.

"whoooahhhh? Why didn't you wake me up... im so damn late..."

(=_=)and I hate it when she speaks like that. nakakainis. She acts as if like those people I hate much.

"hoy ikaw Mika Marcaliñas,,, may cellphone ka naman..i-set mo sa mas maagang oras okei? Hindi yung maninisi ka ng iba sa katakawan mo ng tulog.."bulyaw ko sa kanya."saka pwede ba?tigil-tigilan mo yang kaka-nag mo...nakakainis e..."

"nag-aaway na naman kayo diyan.."sigaw ni ate kim.

"ito kasing higanteng to..."saka ko siya tinalikuran.

"ara..."

Nilingon ko siya."ano?"

"sorry po?"

Tinanguan ko na lang siya. See? Bipolar yata. Kanina lang kulang na lang magwala e. tapos ngayon. Psssh. Kung di ko lang kaibigan yan kukutusan ko e kahit hindi ko abot ang tuktok niya."geh na... bilisan mo na lang maligo.. sabay sabay na tayo  nina ate kim..."

Sumaludo siya at saka ako nagtungo sa kusina.

"naku...para siyang anak mayaman umasta kahit kailan... sarap kutusan..."

SPIKE THAT (SPIKER SERIES)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon