1

5 0 0
                                    


Ang init!!...... Putcha kalalabas ko lang ng room pauwi na ako kasi tapos na ang klasi namin. Tas nasiraan pa ang tricycle na sinasakyan ko.

"Neng mukang matatagalan pa to, mabuti pa at bumaba kanalang at sumakay ng ibang tricycle". Sabi ni kuyang driver habang inaayos ang sira niya tricycle.

Wala akong choice kundi bumaba at maglakad papuntang highway. Buti nalang malapit may highway kami nasiraan.

Ang init - init tas  wala pa akong dalang payong at wala pang dumaraang mga tricycle. My god!!. Muka na akong tubol ang haggard ko grabe.

Malapit na naman sa bahay kung lalakadin ko mga 5 to 10 minutes lang ang layo. Piro ayaw ko, nag - away kami ng kaklase ko at ang bahay nila ay dadaanan ko pa to.

Ayy..... Thankyou may paparating na tricycle.

"San ka neng!?" Anang Tricycle  driver.

"Diyan lang kuya sa may kanto" Sabi ko at sumakay.

Shet may poging pasahero, umupo ako sa tabi niya. Ang bango niya shet!. Di ko maiwasan di ko siya titigan. Ang tangkad niya hanggang may balikat lang niya ako ngayong naka upo. Ewan ko nalang kung tumayo to. Baka tumingala ako.

Tinitigan ko siya. Ang pogi niya matangos na ilong, singkit na mga mata, makakapal na kilay na parang arabo sa kapal. At shet yung labi niya mamula-mula parang naka lipbalm ata. Yung buhok niya is medyo curl na magulo. I think lower taped, yung gupit niya. Halatang nag ge-gym siya. Dahil yung white T-shirt niya parang fitted sa kanya.

"Miss are you okay!?" Oh shit ang ganda ng boses niya lalaking-lalaki.

"Miss!?". Ayy shet kanina ko pa pala siya tinitigan,nakakahiya.

" Ahhh... Oo." Kabado at nahihiyang sabi ko.

"Kuya diyan nalang po." Sabi ni kuyang pogi.

Ahh malapit lang pala siya sa bahay namin. May tindahan sila. Bumaba muna ako ng tricycle kasi nasa may gilid ako naka-upo.

Pagkababa ko bumaba din siya at shet, tama nga ako ang tangkad niya. Hanggang kili-kili niya lang ako. Tinitigan ko ang pangalan ng kanyang ID.

"Gabriel!.... Gabriel Sanchez" Pagbasa ko sa ID niya.

"Yes, why?." Seryosong sabi ni kuyang pogi. Hala shet akala ko sa isip kolang binasa yung pangalan niya kahiya.

"A-hh... Wala po". Agad akong pumasok sa tricycle. Kahiya piro ok lang pogi naman siya haha.

Pagkarating ko ng bahay agad kung nakita si Mama na nag-iinom sa sala. Di naman gaanong kalaki yung bahay namin sakto lang. Pagpasok mo unang bubungad sayo ang sala at tv,tas sa kabila naman kusina. Tas sa kanan naman hagdanan papuntang taas.

"Nak shot tayo" sabi ni mama at tumayo pa ito.

Umiling-iling nalang ako at dumiritso nalang  sa taas at di ko nalang pinansin si Mama.

Gawin na ni Mama ang pag-iinom tuwing nag-aaway sila ni Papa. Minsan sa bahay lang iinom. Minsan don sa mga kaibigan niyang mga babae. Samantalang si Papa na sa kwarto lang busy sa trabaho.

Madalas nag-aaway sina Mama at Papa dahil palaging busy si Papa sa trabaho at wala ng oras kay Mama.

May business kasi kami dinaman gaanong kalaki. Piro sapat na para maibigay ni papa ang mga pangangailangan namin.

Pagkarating ko sa kwarto ko agad akong naligo. Matapos maligo nag-cellphone ako at naalala ko nanaman si kuyang pogi.

Di parin mawala sa isip ko si kuyang gwapo. Agad kung kinuha ang cellphone ko at sinearch yung pangalan niya sa Facebook.

The Love I Couldn't SeeWhere stories live. Discover now