2

1 0 0
                                    


Nagising ako hindi dahil sa alarm ko, kundi dahil kay Mama.

"MARIA ANONG ORAS NA WALA KA BANG KLASE?! Sigaw ni Mama sa may pintuan ng kuwarto ko.

"Mamaya pa Ma!" sigaw ko pabalik.

Mapungay-pungay kung tinignan ang orasan sa cellphone ko.

'7:16' palan- hala 7:16 na, 7:45 yung klase namin bawal ma-late dahil quiz. Agad akong bumangon at nagpunta sa cr.

Nag-toothbrush nalang ako at hilamos nalang. Dahil kung maliligo ako baka ma-late ako. Di lang baka, dahil ma-late na talaga ako.

Sinuot ko na ang uniform ko. Ang uniform pala namin ay paldang yellow at blouse naman tas necktie na may lugo ng paaralan namin.

Nag-deodorant, polbo nalang ako at nagsuklay ng buhok. Katapos bumaba na.

Pagkababa ako agad kung nakita si Mama nasa kusina nagka-kape.

"Ohh akala ko ba mamaya pa klase niyo?"  Nakapamewang na tanong ni Mama.

"Bye Ma, late na ako. Mamaya nalang" sabi ko sabay takbo sa may sakayan ng tricycle. 20 minutes pa bago ako makarating ng skwelahan namin.

Talagang ma-le-late ako! Haysss!!  Buti nalang may tricycle. Agad akong sumakay .

"Highschool po Manong" agad naman pinaandar ni Kuya Manong. Binuksan ko ang Cellphone ko ang dami chat ng mga kaibigan ko lalo na si Marice.

Marice Ong

'hoii bakla san kana?malapit na mag time. alam mo namang bawal ma late'.

Agad akong nag-reply.

Maria Evangelista

'otw na te' kay Marice lang ako nag-reply sa others di ko na pinansin.

Hayss kasalanan to ni Kuyang Pogi kainis. Speaking of Kuyang Pogi dadaanan ko dapat siya ngayon! Hays!! I chat ko nalang siya mamaya.  Na mamaya ko nalang kukunin yung ID ko.

"Dito nalang po kuya, keep the change nalang po" 2 pesos nalang naman yon.

Agad akong pumasok sa may gate ng biglang.....

"Oppp.... Teka ID mo!?" tanong ng Guard.

Shet naman talaga! Bat ngayon pa!

"Naiwan po ID lace lang po nandito! Kuya please papasokin niyo na po ako dadating na si Sir Pj may quiz po kami! Sigi na po! Guwapo naman po kayo!" Sabi ko sabay hawak sa balikat ni Kuyang Guard.

Di gwapo si Kuyang Guard ha. No choice lang ako kaya sinabi kung gwapo siya, para papasokin niya ako.

" Sigi pasok na! Sa susunod na di mo dala ID mo uwi ka nalang!" Ani ni kuyang Guard.

Agad akong pumasok at tumakbo papunta sa may  room namin! Shet 4rthfloor panaman to! Hayss kainis!! Takbo dito takbo doon. Hayss kahingal!

Ng makarating na ako sa room namin, tinignan ko kung nandiyan na si Sir Pj.
But thanksgod wala pa.

Agad akong pumasok at tumabi kay Marice sa may gilid.

" Bakla ka muntik ka nang ma-late!" Sabi ni Marice sabay kurot ng tagiliran ko!.

"Aray! Mamaya may chika ako sayo!" Sabi ko at biglang pumasok si Sir Pj.

"Good morning class!" Ani ni Sir Pj at agad kaming tumayo para batiin siya.

Mabilis na tapos ang quiz at agad kaming nag-check. Ina- announce na ngayon ni Sir Pj ang mga scores namin.

"Dimagueba-28/30, Ong- 29/30, Evangelista-18/30!" Sabi na kasing huwag na mag-review eh!

The Love I Couldn't SeeWhere stories live. Discover now