12

59 2 0
                                    


“Class dismissed.” our last subject professor said.

Sa wakas, tapos na din.

Bakit ba kasi may klase pa ngayon e Saturday naman. Kahit na 2 sub lang ngayon ay nakakairita pa din dahil sa maaga ito at 2 hours per sub.

“Sav, sabay kana sa’min ni ella.” Nadia said, putting her things inside her bag.

“Where?”

“Sa labas ng campus para kumain.” pilosopong sabi nito.

Good mood ba sya or hindi naka-kain?

“Ah, Ganon ba? Tsk.”

“Joke lang, ito naman. Arcades tayo tas Mcdo after.” she said, “My treat, of course.”

Malaking ngiti ang binigay ko sa kaniya at umakbay dito, “Yun oh, miss ko na libre mo. Tara puntahan na natin si ella.” masiglang sabi ko pa.

Tumawa lang ito at humawak sa bewang ko at sumabay sa pag lakad ko.

“Huy, Ella the great!” sigaw ko nang makita ito sa corridor, hindi kalayuan sa'min.

Muntik na niya matapon ang phone nitong hawak sa pagka bigla niya. Dali-dali niya nilagay ang phone nuto sa bulsa nya at sumalubong sa'min.

“Ano yon? May ka update-tan kana no?” asar kong sabi sa kanya.

“Ano?! Wala kaya!”

“Ay defensive si ate mo HAHAHA ” asar ko pa lalo habang tinuro-turo si Ella. Tumatawa lang si Nadia sa amin.

“Bahala na nga kayo jan!” nag walk out si ate nyo.

“Huy gaga, wait lang!” sigaw ko habang lakad takbo kami ni Nadia to keep up with Ella who is now mad.

Tsk, kunting asar lang e. Bad mood siya, good mood si Nadia. Bakit ganon? Hays...

We enjoy our time in arcade and almost forgot about the time.

“Dito nalang tayo kumain, it's not crowded here naman.” Nadia said.

“Sure.” Ella said. Tumango lang ako at sumunod sa kanila papasok.

After we ordered ay nagpa-alam muna si Nadia na mag Cr lang ito.

I'm on my phone, scrolling down through Instagram when Ella caught my attention by tapping her fingers onto the table.

“What?” I said in plain.

“Nung nakaraang araw. Saan ka pumunta non?”

“Nagpa hangin lang ako saan saan. Bakit?” walang gana kong sagot dito.

“Ah, hindi ka pumunta sa condo ni professor Acosta?”

I looked at her. She looked at me waiting for my response. I stayed silent, thinking what to say to her.

I was about to respond when Nadia came back.

“Gosh, I look so haggard na.” she said as she look herself in her mini mirror.

I looked at Ella once again and back to Nadia to avoid what we were talking about.

“Nadia, diba may family bonding kayo?” I asked.

Natigilan si Nadia but later on respond, putting her mini mirror to her bag and putting a smile on her face.

“Yeah. Why?”

“Wala naman. Kumusta naman? Nag enjoy ba kayo?”

“Of course. It was a memorable day.” she said still smiling.

Loving Miss Grumpy Where stories live. Discover now