CHAPTER 1

9 2 5
                                    

"Shadow tawag ka ni Phantom"sabi sa akin ni Sage.

"ok"maikling tugon ko dito.at agad na pumunta sa office ng Head namin.

"Goodmorning sir"bati ko kay Phantom na siyang Head namin.

"Shadow you have a mission at kailangan mo nang imbistigahan yan soon as possible"sabi sa akin ni Phantom at inabot sa akin ang Isang folder na alam kung information ito.

"sige po sir"sabi ko dito at agad ding lumabas dahil kailangan ko pang pag-aralan ang information ng iimbistigahan ko.

nang maka rating na ako sa office ko dito sa headquarter ay agad kung pinag-aralan Ang file ng biktimang namatay.

Information

Janice Lee
25 yrs old
Filkor
Single
5'6
Singer/model

Ayon sa Info ng biktima Suicide daw ang dahilan ng pagka matay dahil daw sa viral nitong nude photo na kumalat  pero hindi naniniwala ang Family ng biktima dahil mabait naman daw ito at wala itong dahilan para mag suicide at mababaw na rason lang daw ang kung yong nude photo ang dahilan nito at alam din naman nila na hindi talaga ito ang anak dahil kilala nila ang anak.

habang binabasa ko ang mga info ay may napansin agad Ako kaya naman agad ko itong sinulat sa booklet ko.

Alora Miranda
27yrs old
FilAm
In relationship of Bryan Santos
5'6
co model/bff of victim

Bryan Santos
30 yrs old
Chifil
In relationship of Alora and best friend of victim
5'9
Business Man.

nang matapos kung basahin ang nasa files ay agad kung pinatawag si Sage and Seraph para I discussed ko din sa kanila ang mission dahil silang dalawa lang naman ang laging kasama ko sa bawat Imbestigasyon.

"bakit ganito ang file bakit nandito ang mga kaibigan ng biktima?"nagtatakang tanong sa amin ni Sage.

"baka naman may kinalaman ang dalawang yan"sabi pa ni Seraph.

"maari dahil ayon sa files matagal ng magkaibigan ang tatlong yan kaya naman bukas sila muna ang pagtuonan natin ng pansin dahil baka Isa sa kanila ang suspect dahil ayon dito sa file pwedeng Sila nga ang suspect"Sabi ko sa dalawa kaya naman ay tumango lang ang mga ito sa akin.

"sa ngayon puntahan Muna natin ang biktima sa morgue dahil kailangan din nating I check ang biktima."dugtong ko pa.kaya naman ay agad na kaming naghanda para sa aming imbestigasyon.

"Shadow ayon sa na interview namin parang sinadya talaga ang pagpatay"sabi sa akin ni Sage ng makarating kami HQ namin ng matapos kami pumunta sa morgue.

"malalaman natin yan pagka labas ng Autopsy"sabi ko kay Sage.

"ayon din sa nakalap ko hindi pala magkasundo ang magka ibigang Janice and Alora"sabi naman ni Seraph kaya naman ay napa tigil ako sa pag susulat sa booklet ko.

"what do you mean?"intirisadong tanong ko kay Seraph.

"dalawang linggo na palang hindi nag-uusap ang magkaibigan dahil nag seselos si Alora kay Janice dahil itong si Janice pala ay maraming project na naka pending"sagot sa akin ni Sage na siyang kasama ni Seraph kanina sa pag imbestiga matipos kaming dumaan sa Morgue.

"ayon pa sa mga co-model na napag tanong ko alam nilang hindi lang yon ang dahilan ehh...kaya masasabi nilang si Alora ang hinala nilang suspect"dugtong naman ni Seraph sa sagot ni Sage.

"Sige magpahinga na muna kayo at maaga tayo bukas duon sa lamay na lang natin sila i-embistigahan"sabi ko sa mga ito kaya naman ay agad nang nag handa Ang mga ito upang umuwi makalipas ang ilang minuto ay lumabas na ito sa office ko.

kaya naman ay nilagay ko sa bag ko yong mga dapat pag-aralan ko sa bahay para madali na lang bukas.nang makalabas ako sa office ay nakita ko na ang mga kasamahan kong nightshift.

"Shadow uuwi kana?"tanong pa sa akin ni Phantom na mukhang uuwi na din.

"Oo sir"maikling tugon ko dito.

"sige ingat sa pagmaneho...nga pala sa case ni Janice gusto ko sana matapos yon bago dumating 3 araw kaya ba?"tanong pa nito sa akin.

"kakayanin Sir sige po"maikling tugon ko naman dito at tumalikod na din agad.

"alam kung kaya niyo"sabat naman ng isa sa mga kasamahan namin pero di ko na alam kung sino ang nagsalita.

nang makarating ako sa parking area ay agad din akong nag tungo sa big bike ko.nang makarating Ako sa mansion ay nakita ko pa ang ate kong may kausap at mukhang kasamahan nito sa work isa din kasi itong Police Office.

"Ava halikana at sabayan mo kaming kumain"tawag sa akin ni ate nang makita ako nitong makapasok sa mansion.

kaya naman ay napa lingon sa akin ang mga kasamahan nito kaya naman ay na pa buntong hininga na lang Ako dahil sa mga tingin ng mga ito.

"sige ate shower lang muna Ako"sabi ko naman dito at agad nang umakyat sa 2nd floor kung saan nanduon ang Kwarto namin ni ate na magkatabi.

makalipas ang ilang minuto ay tapos na din akong mag shower kaya naman ay nag bihis agad Ako ng  black T-shirt and Black short.

nang matapos akong nag bihis ay agad ko ding sinuot ang eyeglass ko na wala naman grado sadyang disguest ko ito dahil alam ng mga tao na pinsan lang ako ni ate Isabel ayaw ko kasing may maka-alam na Isa akong Wilson di sana papayag si ate and Dad kaso disisyon ko to kaya wala na silang nagawa.

"Ahm..guys si Ava nga pala pinsan ko and Ava mga kaibigan and co-workers ko sina Samantha,Nicole and Trixie"pagpapakilala ni ate Isabel sa mga kaibigan niya.

"Nice meeting you Ava"sabay-sabay na bati ng mga ito kaya naman kahit na iilang ako sa   tingin ng mga ito ay nakipag shake hands pa din ako para di maging bastos.

"kung di mo sinabing pinsan mo itong si Ava akalain kung magkapatid talaga kayo"biglang sabi ni Trixie kaya naman ay napa baling ako dito Ganon din si ate.

"Oo nga kahit kasi naka salamin yang si Ava di padin makakailang magkamukha kayong dalawa kaya nga napa titig ako sa kaniya para makilatis"sang-ayon naman ni Nicole kay Trixie at napa tango lang din naman ang dalawa pang kaibigan ni ate na para bang sang-ayon din sa sinabi ng kaibigan.

"maraming nagsasabi niyan dahil magka mukha nga daw kami pero ok lang kung pagkamalan niyo kaming magkapatid ganon din naman tingin namin ni Ava na magkapatid kami"sabi naman ni ate Isabel sa mga ito.

"my father and mother of Ava ay magkapatid kaya wag na kayong magtaka at Isa pa Anak na din ang turing ni Dad sa kaniya simula ng mamatay ang parents niya"dugtong pa ni ate sa sinabi nito at dahil dito ay napa tango na lang Ang mga ito.

"excuse me mga anak naka handa na ang hapunan"sabi sa amin ni Nanay Linda na isa sa mga katulong namin.

"Sige po nay...Ava mauna na kayo sa hapag kainan hindi pwedeng paghintayin ang pagkain isabay mo na din ang mga kaibigan ko dahil tatawagin ko pa si Dad"sabi sa akin ni ate kaya naman ay tumango na lang ako at inaya ang mga kaibigan nito sa dining area.

Habang kumain kami ay may na pansin ako sa labas ng bahay kaya naman ay dahan-dahan kung kinuha ang baril sa ilalim ng upuan ko.

"bakit mo kinuha yan?"tanong sa akin ni ate nang mapansin ako nito.

kaya naman ay napa tigil sina Dad at mga kaibigan nitong kumain dahil habang kumain kami ay tahimik lang ayaw kasi ni Daddy na kapag kumain ay maingay kawalan daw nang respeto ang ganon.

"3 O'clock"maikling tugon ko dito kaya naman ay na alarma sila ni Dad dahil alam na nila kung anong ibig sabihin noon.

A/N: please comment naman kayo if ok lang ba story ko para naman ma improve ko pa.Wag din kalimutan mag like if ok lang😊



The Shadow Of Justice Where stories live. Discover now