CHAPTER 2

17 2 1
                                    

Nakarating na ako sa tournament area na dapat ay kanina ko pa narating--kung hindi nangyari ang cab mistake na iyon

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nakarating na ako sa tournament area na dapat ay kanina ko pa narating--kung hindi nangyari ang cab mistake na iyon.


Pero ayos lang dahil maaga pa naman ako ng mga... four minutes. After a few moments ay magsisimula na din, isa pa ay pangalawa pa naman ang para sa mga babae kaya may oras pa ako para makapag-ayos sa loob.


Pagdating ko roon ay nakasalubong ko pa si Macie. Nakatayo lang siya roon at tila may iniintay, tiyak ako na iyon. Ngumiti ako sa aking pagsalubong sa kaniya. Ipinatong ko ang palad ko sa kaniyang balikat kaya siya napatingin. Oras na masalubong ako ng tingin niya, hindi na tumigil ang pagraratrat niya ng mga sermon, ni hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataong bumati.


"Ikaw! Kanina pa ako nag-iintay sayo! Tatlong minuto na lang ay magsisimula na ang program tapos wala ka pa rin?! Sabihin mo lang kung wala ka nang balak pagandahin 'yang future mo!" walang-humpay niyang pagpapagalit. Nakakahiya pa't naririnig ng ilan ang bugso ng galit niya.


Napakamot na lang ako. Kahit ako ay guilty rin dahil nagpa-late ako. Pero kahit ganoon, hindi ko naman sinadyang mangyari iyon. May nangyari nga kasi bago ako makarating dito, ang malala ay hindi ko pa maalis sa alaala ko iyon.


I was pleading a guilty face. "Oo na, sorry na nga eh," paumanhin ko. "Nandito na 'ko, 'yon ang mahalaga. Kaya please, tigil na sa pag-talk, papasok na 'ko nang makaabot ako sa oras."


Hinampas niya na lang bigla ang balikat ko. "Aba mabuti! Mabuti naman at nagtino-tino ka rin! Oh, pumasok ka na nga d'un," iritable niyang utos at tinulak niya ako sa gawi papunta sa room ng mga swimmer.


Napilitan akong ngumiti sa kaniya bago ko siya tuluyang iwan. Pumasok na lang ako sa loob, sa room ng women's lockers. Kinuha ko ang mga damit ko sa locker at nagpalit na sa aking swimming suit. Sinuot ko na rin ang swimming cap ko. Ang goggles ko naman ay sinabit ko muna sa leeg ko bago deretsong isuot. Isusuot ko lang ito kapag tatalon na ako sa tubig.


Pagkatapos ay tumakbo ako sa labas. Stand-by akong nakapila kasama ng ibang mga kagaya kong swimmers. Hinanap ko mula sa mga manonood ang kaibigan kong si Macie. Matagal bago ko siya tuluyang nakita, maliit lang kasi siya pero ang hyper niyang energy ang nagpapalaki sa kaniyang presensya. Naroon siya sa mga bleacher, nagchi-cheer kasama ang ibang mga audience.


Nakakatuwang tignan siya. Kahit na siya lang ang supporter na mayroon ako, namo-motivate pa rin ang loob ko. I have a good guts that this will be a good play. Alam ng Diyos kung nakailang marie biscuits ako kagabi maitaboy lang ang lahat ng jinx na pwedeng mangyari sa 'kin ngayon.

Boyish SecretsWhere stories live. Discover now