CHAPTER 7

9 1 0
                                    

"Hi, Jai," sabay na bati nina Wilzen at Jordan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Hi, Jai," sabay na bati nina Wilzen at Jordan.


"Oh ayan, sinama na kita dito. Siguraduhin mo lang na kapupulutan mo ng aral ang pagsama mo sa 'min," striktong bilin ni Casper.


Sinama ako ni Casper sa gala nilang magkakaibigan pagkatapos ng naging deal namin na tutulungan niya akong maka-survive this sem.


Ewan ko nga ba kung saan ako dadalhin ng mga ito. Kanina pa kami palakad-lakad pero parang magkakamukha lang ang nadadaanan namin. 'Di nila alintana iyon dahil masyado silang distracted sa pakikipagharutan.


Tahimik lang ako dito sa likod. Pahimas-himas sa braso at kung saan-saan umaaligid ang tingin. Naramdaman ko na lang bigla ang palad na dumikit sa balikat ko. Nilingon ko ito at nakita si Casper. Hinampas niya pala ako noon.


Nakaismid niya akong hinarap. "Akala ko ba tinatanggap mo ang tulong ko? Wala ka namang ginagawa ngayon," he scolded me. "Ito na nga ang pagkakataon mong makipag-usap, wala ka pa ring ginagawa?"


Natigil sa paghaharutan sina Jordan at Wilzen at napatingin na lang sa 'ming gawi. Si Wilzen ay pangisi-ngisi lang, ganoon rin si Jordan na tila may naiisip sa 'ming dalawa ni Casper.


Tumiklop nang kusa ang mga labi ko. Napayuko na lang ako dahil roon. "Sorry," nahihiya kong paumanhin. Nilapit naman niya ang kaniyang ulo sa 'kin, kaya ngayon ay napakalapit namin sa isa't-isa, hindi ko naman mapigilan ang dibdib ko noon sa pagkabog.


Nanlalaki ang mga mata ko sa kaniya. Parang 'di maikalma ang kabog ng dibdib ko. Napakalapit naman kasi namin talaga, kulang na lang ay...


"Gets ko na," he snorted a grin. "Mahiyain ka talaga, 'no? Wilzen." Makahulugan niyang tinawag si Wilzen at tinanguan.


Blangko ang naging ekspresyon ko sa pagpapalitan nilang dalawa. Umusad si Wilzen at inakbayan ako. Si Jordan naman ay tumabi sa tabi ko kaya nag-iisa si Casper sa harap. Siya ang nanguna sa paglalakad nang nakapamulsa ang mga kamay. Ang angas rin talaga niya.


Tama si Casper. I should get moving. Bilang simula ng pagsasanay ko, ipinamulsa ko rin ang mga kamay ko sa aking bulsa. Ginagaya ko lang ang gawi ni Casper. As of now, siya ang model guy ko.


"Kung gano'n pala, tropa ka na pala namin," kinumpirma ni Wilzen saka humalakhak.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 13 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Boyish SecretsWhere stories live. Discover now