Who is Jai Abuenista?
A petite, young man. Likes to engage with cool boys though has no history of being part of a male group of friends. Often perceived as a nerd, is actually a dumb idiot.
Ito na ang bago kong buhay. Bagong pagkataong kailangan kong gampanan.
Ginamit ko lang naman ang buong weekend para makapagpagupit na ng buhok. Kahit na nagpagupit na ako ng gupit-lalaki ay makapal pa rin ang buhok ko. Ayos na iyon, sinunod ko naman ang mga damitan ko. Bumili ako ng chest binder para mas maitago pa ang pangangatawan ko. I also wore a different frame of glasses, para masulit na talaga ang disguise.
Naging productive ang weekend ko. Nang humarap ako sa salamin, namilog ang mata ko sa gulat. Hindi ako makapaniwala na ako na pala ito. Halos 'di ko na nakilala ang sarili ko dahil wow! Ang gwapo ko pala kapag naging lalaki.
I may not be as masculine handsome as typical men, kuntento na ako sa ganito. Ang mahalaga ay magmukha akong lalaki kahit papaano.
Dumating ang araw ng pasukan. Actually, late sem ako nag-enroll pero nagkaroon pa rin naman ako ng mga klase. Nagkita kami ni Mr. Mon sa may hallway. Kung hindi ko pa nga siya tatawagin ay baka hindi niya talaga ako makilala.
"Mr. Mon!" tawag ko na may bahagyang palo sa kaniyang kamay.
Agad namang naagaw ang atensyon niya. Napatingin siya sa 'kin, kinikilala at tila pamilyar nga ang aking mukha. Mula ulo hanggang paa ay tutok na tutok ang kaniyang titig. Hanggang sa huli ay nakilala niya rin ako.
"Jamie!" Agad ko siyang pinatahimik lalo na't maririnig siya ng ibang taong tawagin ako sa tunay kong pangalan. "Ay... sorry," paumanhin niya at binabaan na niya ang kaniyang boses.
Yumuko siya sa aking lebel at lumapit sa 'king mukha upang bumulong. "Hindi nga kita nakilala. Mukhang lalaki ka na talaga; lalambot-lambot nga lang."
Napatadyak ako't nagkamot ng ulo sa irita. "Mr. Mon naman!" Tumawa kami. "Syempre, hindi pa lang po ako sanay. Pina-practice ko pa pa'no gumalaw kagaya ng isang lalaki."
"Gusto mo bigyan kita tips?" alok niya sabay tingin nang pilyo.
Tumawa akong muli. "'Wag na pala. Kaya ko nga pala," sarkastiko kong sagot.
"Okay... if you say so. I think your first class starts at this period," pagbaling niya ng usapan.
YOU ARE READING
Boyish Secrets
RomanceMONTESEÑOR UNIVERSITY: Boyish Secrets 𝐒𝐔𝐌𝐌𝐀𝐑𝐘: In an unexpected twist of fate, Jamierie's family finds themselves facing a severe financial crisis. Jamierie is determined to pursue her dream of becoming a scholar with no financial burden weig...