Buti na lang at malaki ang eskwelahang pinapasukan nila, kahit papaano ay mababa ang tsansa na magkikita sila ni senyorito Vincent, lalo pa at mag-kaiba sila ng kurso. Kung nagkakataon man na nakakasalubong ito ni Celina ay madali naman siyang nakakapagtago.
Subalit ang araw-araw na pag-iwas dito ay nagdulot naman ng kakaibang pagod sa kanya, kahit kasi sa mansyon ay tinataguan niya din ito, kung nagkakataon man na magkatagpo sila ay yumuyuko na lang siya at bumabati pagkatapos ay dali-dali na din siyang lumalayo.
"Hoy Cel!" kaway ni Lucy sa mukha ni Celina.
Doon lang nabasag ang pagkatulala niya upang mag-angat ng tingin sa kaibigan. "Huh, ano iyon?" Wala sa sariling saad niya.
Kasalukuyan kasi silang naglalakad papunta sa susunod nilang klase.
"Ang lalim yata ng iniisip mo, kanina pa ako nagkwekwento dito pero parang wala akong kausap," busangot na sagot ni Lucy.
"Ay! Sorry Cy, medyo pagod lang ako," nanghihinang sagot na lang ni Celina.
"Haiz, alam mo, maganda din na mag-relax paminsan, hindi iyong patayan sa pag aaral," birong sermon ni Lucy.
Napangiti naman ng tipid si Celina sa kaibigan. "Alam mo naman iyong scholarship ko lang iyong inaasahan ko, kaya hindi ako pwede magpabaya."
Napailing na lang si Lucy, lalo pang kumusot ang mukha nito nang ibalik ang tingin sa kanilang harapan.
"Hay naku! Oh iyan." Ngusong senyas na lang nito. "Sigurado kong isa iyan sa mga iniisip mo."
Biglang napatingin si Celina sa tinutukoy ng kaibigan, sa hindi kalayuan ay naaninag niya si senyorito Vincent, kasama ang mga kaibigan nito.
Dali-dali na lang siyang napaliko papunta sa kabilang direksyon upang hindi nito makita, sumunod naman kaagad si Lucy sa kanya.
"Ano bang problema mo doon kay Vincent, stalker mo ba siya at grabe ka umiwas?" pikon na tanong ni Lucy.
Ilang beses na kasi siyang nahuhuli ng kaibigan na nagtatago kapag nakikita ang lalake, kaya ito na din mismo ang nagbibigay babala sa kanya.
"Wala iyon Cy," tipid na sagot ni Celina na nagmamadali pa rin sa paglalakad.
"Hindi nga?" may bahid ng panunuyang saad ni Lucy bago siya harangan. "Dali na, ano ba kasi problema?" padyak nito.
Napahinto na lang si Celina sa paglalakad dahil sa paulit-ulit na pagharang ng kaibigan sa daraanan niya. Ilangg saglit pa at tuluyang ng siya nitong napasuko.
Sa iksi ng panahon na magkasama sila at naging mag kaibigan, nakabisado niya na ang ugali nito at alam niyang hindi ito titigil hanggat hindi nasasagot ang tanong sa kanya.
"Alam mo naman na nakatira kami ni ninang sa amo niya diba?" tipid na ngiting saad ni Celina.
BINABASA MO ANG
I'm A Slave for You
RomanceMaagang naulila si Celina Manuel dahil sa isang aksidente. Dahil sa walang kamag anak lumitaw para kupkupin siya ay napilitan siyang buhayin ang sarili ng mag isa, hanggang sa swerteng nahanap siya ng kanyang ninang at ampunin. Ngayon sa bagong mund...