I'll make you regret

55.3K 847 15
                                    

 "Grabe! Sana hinayaan mo na lang akong sapakin iyon." nanginginig na saad ni Lucy na halatang asar na asar pa din ng araw na iyon.


"Cy, alam mo naman na ayaw ko ng gulo" malungkot na sagot ni Celina.


"Ay, Oo nga pala, baka lalo ka lang apihin noon kapag wala ako sa tabi mo!" busangot na sagot ni Lucy. "Pero grabe! Ang yabang, tama ba naman daw parinigan tayo ng ganoon. Sarap lang sampalin." malakas na buga ni Lucy ng hininga sa ilong para magpakalma.


Napangiti na lang siya sa kaibigan. "Hayaan mo na, sanay na ako sa ugali niyang iyon," napabuntong hininga na lang si Celina nang maalala ang mga dinadanas dito araw-araw.


"Hay naku, kaya friend, once na grumaduate tayo at nakahanap ng trabaho, umalis ka na doon, share na lang tayo sa apartment, kahit ako na bahala sa rent ng bahay basta hati tayo sa bills." masayang yakap na lang ni Lucy sa kanya.


"Hindi ko yan tatanggihan Cy!" buong tuwang yakap na lang din ni Celina sa kaibigan. Iyon rin naman kasi ang isa sa mga plano niya kapag nakapagtapos.


Natigilan lang sila nang biglang nag-ring ang phone ni Lucy, mabilis ang naging pagkunot nito ng noo nang makita kung sino ang tumatawag.


"Oh, anong kailangan mo gunggong?" nanggagalaiting sagot nito. Naroon ang biglang pagtaas ng isang kilay ng kanyang kaibigan habang nakikinig.


"Bakit ako pa pupunta diyan! Kayo ang may kailangan, kayo ang pumunta dito!" pagtataray ni Lucy sa kausap.


Bigla itong tumigil at napabuntong hininga, matapos ng ilang saglit. Napahilot na lang ito sa ulo dahil sa matinding pagkakusot ng mukha.


"Heh! Sige na papunta na ako dyan!" sagot na lang ni Lucy sa kausap bago ibaba ang cellphone.


"Sino iyon?" tanong ni Celina.


"Si Luke, pinapapunta ako sa isang restaurant, emergency daw. Hay kaasar talaga!" gulo na lang ni Lucy sa buhok dahil sa inis.


Napapigil na lang ng tawa si Celina. "Puntahan mo na iyong kapatid mo, mauna na akong uuwi!" paalam niya sa kaibigan.


"Gusto ko sanang mag meryenda tayo doon sa bagong bukas na milk tea house, kainis talaga itong mokong na to," maktol na padyak ni Lucy habang nag aayos ng gamit.


"Dalian mo na, baka naghihintay na iyon sa iyo. Bukas na lang tayo kumain doon," natatawang sabi ni Celina.


"Sige na nga, pero bukas kakain tayo doon ah! Ingat sa pag uwi, umiwas sa mga maeereng tao at baka liparin ka, okay!" biro pa ni Lucy sabay taas ng kamay na tila nag-checheer sa kanya.


Napahagikgik na si Celina dito. "Wag ka mag alala, mabilis ako magtago." sagot niya pakapigil sa tawa.


Nagyakapan muna silang dalawa tulad ng palagi nilang ginagawa kapag naghihiwalay. Napagdesisyunan ni Celina ang umuwi na nang makalayo ang kaibigan.

I'm A Slave for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon