03

2 0 0
                                    


Tahimik kaming nakaupo sa garden, kumakain. Tahimik rin si Hera mula kanina, after mag discuss nong ex niya.

Paano sila naging mag ex? Hindi ko alam dahil hindi pa nagsasabi si Hera, nalaman ko lang na mag ex sila nong nadulas niyang nasabi na naging sila nga ni Sir Zed.

One thing about Hera, she's not used to making kwento about her love life.

"Ganito kana lang ba, Hera?" Tanong ko habang nakatingin sakaniya.

"Ha? Hotdog."

Nang asar pa ang bruha. Hinampas ko ang balikat niya. Hindi siya umaray, manhid na 'to.

"Umayos ka nga. Kanina ka pa tulala diyan." I said seriously.

Ngumuso siya. Anong arte yan?

"Ih! Bakit ba kase hindi niya man lang ako tiningnan? Panget ba ako? Hindi ba kapansin pansin ang beauty ko?" Maarteng sabi niya. I acted like I was vomiting.

"Alam mo Hera, may kaniya kaniya tayong ganda. Siguro 'yong sayo pa expired na kaya hindi ka niya pinansin." Birong saad ko.

"Bwisit ka talaga!" Sigaw niya at tumayo, nag walk out.

Natatawa naman akong humabol sakaniya. Inakbayan ko siya at sabay kaming naglakad. Hindi ko alam kung saan pupunta ang babaeng 'to.

"Saan tayo punta, best friend?" Tanong ko habang naka akbay pa rin.

"Maghahanap ng hayop na ang pangalan ay Ivan." She said seriously. Oo nga pala, 'yong assignment.

Tumango ako at sumunod lang sakaniya. Dumaan kami sa Canteen nagbabakasakaling nandoon si Ivan, ngunit bigo kaming lumabas. Pumunta kami sa library kahit na alam naming puro katarantaduhan ang alam non at hindi mahilig sa library ay pumunta pa rin kami, baka lang nandoon siya ngunit wala rin. Nasaan kana bang hinayupak ka?

"Hera, pagod na ako. Hintayin nalang natin siya sa classroom." Saad ko. Nakaupo na kami sa mahabang upuan sa hallway.

Tumingin siya sakin. "Ang bata mo pa pero yang tuhod mo pang matanda na?" Pang aasar niya at hinawakan pa talaga ang tuhod ko.

"Pati ba naman yang tuhod mo manhid na rin? Ang layo nang nilakad natin, hindi ka ba napagod?" Bawi ko.

Napahawak siya sa bandang puso niya.

"Pagod na, Freskia. Pagod na pagod na." She said seriously. Ay, seryoso siya. Napahawak ako sa aking bibig, with my both hands.

Lumapit ako sakaniya at niyakap, she acted like crying and hugged me back.

"Hoy! Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong ko.

Narinig kong suminghot siya, gagi seryoso nga siya.

"Hera! Huwag kang umiyak, hoy!" Mahinang sigaw ko at humiwalay sa yakap. Nakayuko lang siya, nakalagay ang dalawang kamay sa kaniyang mukha.

"Panget na ba talaga ako?" Parang batang tanong niya. Talaga naman.

"Ano bang sinasabi mo? Kailangan pa bang sabihin sayong maganda ka? My god, Hera. Ang ganda ganda mo kaya." Saad ko, walang halong biro. Seryoso ko itong sinabi, nakatingin sakaniya.

She tilted her head and looked at me.

"Bakit hindi niya man lang ako tiningnan? Porket ba ex na wala ng pakialam? Ganon ba yon, Freskia?" Tanong niya.

Aba, ewan ko. Wala pa naman akong nagiging ex, loyal nga ako kay Wallen eh. Sakaniya lang 'tong puso ko, kahit madaming nag mamay-ari sakaniya.

"After all the happy memories we shared, ganon ganon nalang 'yon? Alam ko namang hindi ako nagkulang sakaniya, sobra sobra na nga ako para sakaniya pero hindi pa rin siya nakuntento." Nag drama na nga siya, sa harap ko. Mabuti nalang iilan lang ang mga nadaan dito ngayon.

EVERYTHING ENDSWhere stories live. Discover now