Chapter 4: Project

551 23 0
                                    

ALYANNA'S POV

Pagdating ng professor namin ay nag-start kaagad ito ng discussion. After ilang lessons ay natapos na ang klase namin, earlier siyang natapos kaya maaga ang break time namin.

"Ms. Arceta, halika muna dito ija" tawag sakin ng prof namin kaya agad naman akong lumapit.

"Yes po ma'am?" tanong ko paglapit ko.

"Pwede ba ija pakibalik nitong mga ito sa stock room? Diba ikaw naman ang may hawak ng susi doon?" pakiusap sakin ni prof.

"Sure po ma'am, no problem po. Ito lang po ba?" tanong ko habang nakaturo sa mga gamit na naka-kahon.

"Oo, ija iyan lag naman. Thank you ha! Mauna na ako" sabi nito sabay tapik sa balikat ko at lumabas na sa classroom.

Dali-dali ko namang kinuha ang box at lumabas nadin sa room. Nang makarating ako sa stock room ay kinuha ko na ang susi para buksan ang pinto.

Habang inaayos ko ang mga gamit sa mga shelf ay parang nakarinig ako ng pumasok, tumingin ako sa may pinto at may nakita akong isang babae at lalaki. Mukhang familiar sakin yung likuran nung lalaki.

Nung una ay hindi ko makita ng malinaw kaya hindi ko alam kung ano ginagawa nila pero bigla kong narinig na umungol yung babae kaya nagulat ako at bigla kong nabitawan ang hawak kong box.

Napatigil naman ang dalawa sa kanilang ginagawa at nung biglang lumigon ang lalaki ay sobrang gulat ko.

"A-ate Ally?"

Jayron? Gosh, it's him nga. Sa sobrang pagkabigla ko ay agad akong lumabas sa stock room at nagmadaling makalayo.

Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Siguro tama nga ang mga naririnig ko about him na, he's a playboy. Maybe kaya parang maganda ang ipinapakita niya towards sakin kasi he respects me as his best friend's older sister pero he's just the same lang pala as my brother. They both like to play around.

I know hindi ko na dapat isipan pa yun kasi it's his life naman eh, he can do whatever he wants pero there's this feeling na I can't shake off. I'm feeling uneasy, maybe? Ewan ko, dahil lang siguro hindi ako sanay yung totoong siya.
Maybe it's true, baka nga playboy talaga siya. He must be taking advantage of his good looks.

"Ally huy!"

Nagulat ako nang may biglang tumawag sakin, nakatulala na pala ako ng matagal kaya hindi ko napansin.

"Gosh Stella! Kayo lang pala ni Mads, I thought kung ano na" pagrereklamo ko.

"Girl, anyare sa'yo? Umalis ka kanina sa room bigla, papunta na kami ng cafeteria tapos bigla ka naming nakita dito tapos ang layo pa ng isip mo" tanong ni Mads.

"Ah...eh napagod lang siguro ako kasi inutusan ako ni prof na ibalik yung mga kinuha niyang gamit sa stock room" palusot ko na pinaniwalaan naman nila.

"Haynako talaga si ma'am pinapagod ang ating bff" pagbibiro ni Stella.

"Tara na nga sa cafeteria at gutom na ako" pag-aaya ni Mads kaya sabay-sabay na kaming pumunta sa cafeteria.

●●●

3 days later

MAXWELL'S POV

"Okay students listen!" our teacher said. "You'll be having a project which requires you to interview someone you know or kahit hindi niyo kakilala na college student...gagawin niyo siya na parang talk show style, ask them about their struggles as a college students and how they overcome it" she explained.

Love Is All Around (MIKHAIAH AU)Where stories live. Discover now