Binuksan ni Cameron ang pinto ng kotseng nagsundo sa kanya at umupo sa front seat. Binati niya si Manong Ben, saka naman nito pinasimulan ang makina. Sa tuwing sa harapan sya uupo ay awtomatikong hindi muna sasabay sa kanya si Mason. Noong una'y laktaw sa araw kung hindi ito sumasabay ngayon ay isa o dalawang beses nalang ito nakakasabay.
Ang rason ay ang mga nalalapit na academic contest ng kababata. Parating tumatagal ito sa paaralan para mag-ensayo, hindi lamang kasi isang kategorya ang irerepresenta nito, kung hindi ay dalawa: hackathon at Math Quiz Bee.
Sinubukan naman ni Cameron na makasali sa MQB. Hindi nga lang sya pinalad na makuha dahil pangatlo lang sya sa qualifiers nila. Ang naging partner ni Mason ay si Louise. Buong buhay nya ay pinilit na makamit ang unang karangalan sa paaralan, noong dumating si Louise ay saka lamang siniksik sa kukuti niya kung gaano kalayo ang pagitan nila ni Mason. Louise was fighting head-to-head with Mason. Papalit palit sila ng ranking sa buong batch nila. Maybe she's not 'just not good with numbers', she's not good at all.
When she found out she was not representing their school anymore in Maths, debate or science quiz, she pulled an all nighter studying all these subjects. Para bang kung mag-aaral sya'y maaring maayos ang kung anong mali sa kanya. Sooner she'd find out, she'd need not do anything. The gaps are just too big. Instead she focused on her dad's business reports. Dumadalas na rin ang pagsama sa kanya nito sa mga official business meetings. Sinigurado nyang nakapokus na sya sa makabuluhang bagay na gagawin nya sa kinabukasan. Parang isaang daang tiyak na ginawa't tinutid ng kanyang ama. Kahit na minsa'y hindi maiwasang tanungin kung para ba talaga sa kanya ang business.
Nasa sala si Sara ng makarating siya sa bahay. May kung anong dinadrawing na naman sa kanyang sketchpad. Her mom runs a small personalized boutique, not grand just something for fun. Nang mapansing dumating na sya'y lumiwanag ang mukha nito, ibinaba ang hawak at lumapit sa kanya.
"Cam, thought you'd be a little late this time."
"I quit cheer, Mom. More time for reading and studying." Binigyan nya ng ngiti ang ina. Humalik sa pisngi at yumakap.
Madalas ay saktong bente segundo ang yakap sa ina, ngunit mas pinatagal nya ngayon. Mason always said something about smells that makes one feel safe, and reassured. Kaya ay siniksik niya ang ilong dito. Hinihigpitan ang yakap. Hinaplos naman sya ng marahan sa likod na syang nagpabasa ng kanyang mga mata. Ang mabagal na haplos ay parang isang switch para malabas ang kinikimkim na mga damdamin sa loob ng ilang linggong lumipas.
"Everything alright, baby?" sabi ni Yvone.
She let out a small chuckle, as if her mom's question was a joke. Na para bang hindi siya kilala nito. Nagpakawala ito ng malalim na hininga noong tumakas na siya sa mga yakap. Malumbay na nginitian siya niyo, pinasadahan ng kamay ang mga pisngi.
"I want nuggets for dinner Mom." sabi niya, sinubukang ibahin ang usapan. "At maanhang na maanghang na sawsawan."
"Okay." Binigyan ulit siya ng isang mabilis na mahigpit na yakap animo'y nanggigil. Tumatawa syang umaangal sa kulit ng ina. She should be fine. Kung may mga bagay na hindi niya kayang maging, may mga bagay na nagpapatunay kung anong klaseng tao sya. At sa momentong ito siguro ay sapat nang maging isang anak na nakadepende sa ina.
Pagkalabas n'ya ng kwarto ay sakto ring bumukas ang pinto ng kaharap niyang kwarto. Agad niyang hinuli sa mga bisig ang nakatayong bata roon.
"Cameron, you stink!" sigaw ng nakababata nyang kapatid na si Morgan. Kiniliti niya ito at hindi nagpatinag sa pagwawakli ng mga braso niya.
"You're such a twink Morgan." Ginulo niya ang buhok, nang makuntento sa pang-aasar.
BINABASA MO ANG
Somewhere Between Friends
FanfictionA fan-fiction. Somewhere Between Friends was a story written by Lovelornme when I was in High School. I was so fixated on her Nuknukan Trilogy and fell in love with the characters kids; Mason and Cameron. I forgot most of the small details of the...