Chapter 8: What's Your Problem?

1 0 0
                                    

Morgan was getting into Cameron's head. Noong nasa pinto na sila ng coffee shop matapos makapagpaalam kay Samara, ay napilitan na syang sagutin ang tawag niyo.

"Where are you?" he asked. Morgan sounded so out of it on the other line.

Umirap si Cameron. "I told you already, I'm out with my friends." Nagmamaktol na sagot niya. Sinenyasan nya ang mga kasama at lumakad patungo sa gilid, halos malapit sa pader.

"Who are you with?" diretso nitong tanong, tunog tamad na tamad. Para bang may nakatutok na baril at nagbabasa ng script.

"The heck, bat ka nagtatanong ng ganyan?" Morgan wouldn't be so pressed into questioning her. Tatanggapin lang nito kung anong isasagot niya at saka babalik sa kung anong pinagkakaabalahan.

"It's not me, Daddy asked me to ask you." Puno rin ng irita ang boses nito.

Kung ang tatay niya ang nagpapatanong, nagtaka sya kung bakit kailangan si Morgan pa ang mangungulit. Nilagay niya sa speaker mode ang cellphone at tiningnan kung may mga pinadalang mensahe ang kanyang Ama. To her surprise nakakatatlong tanong na ito kung nasaan sya.

Bumuntong hininga sya. "Ngayon ko lang na check Messenger ko," sabi niya. "I'm with Mason, nga." Saka binalik sa silent mode ang phone at nilapit muli ito sa tenga.

"Alone?" Pumikit ang mata nya ng madiin sa dagdag nitong tanong.

"I told you, also Ethan then yung girlfriend ni Mason, si Louise you met her. You told me." Tumataas na ang boses ni Cameron.

Nagulat siya ng kinalabit siya ni Ethan. "Who's that?" Hindi niya napansing lumapit na pala ang binata sa kanya.

"Morgan, again," she pouted her lips, answering.

Tumawa naman si Ethan at tumabi na sa kanya. He leaned on the wall and was next to her now. Walang malay na nakigaya si Cameron ng sandal at inihiling ang ulo sa balikat nito.

"Oh," she heard Morgan on the other line suddenly became enthusiastic. Napataas ang isang kilay niya. "Was that Ethan? Get him on the phone." So that's why.

Napairap ulit sya sa inakto ng kapatid. Parang fanboy na fanboy ni Ethan. Well, he's technically a fanboy. Sa adik ba naman ni Morgan maglaro ng Valorant. "Nope," mabilis nyang sagot.

"Damot ni Cameron Marie." Natawa siya sa sinabi ng kapatid. Nabawasan ng kaunti ang pagkainis.

"Fine, pauwi na rin ako, tell Dad. Make it fast, Morgan." Saka niya inabot ang phone kay Ethan. Kahit nalilito ay kinuha ang phone at nakipag-usap sa kapatid nya.





"Look at them," nabaling ang tingin ni Mason mula sa mga palad ni Louise na pinaglalaruan niya, patungo sa mukha nito. Nakatayo ito sa harap niya habang sya ay nakaupo sa hood ng kanyang kotse. Nakanguso ito sa direksyon nila Cameron. Sinundan niya ito at nilingon ang direksyon. "God, Cameron's a girl in love," kinikilig pang komento nito.

He laughed in amusement for her statement. Hindi naman tumagal ang tingin niya sa mga kaibigan. He's not really interested. Sa halip ay tinuon ang pansin sa nobya. "Well, just like my baby." Hinaplos ang braso at bumaba ang kamay niya sa kamay nito. Binalik ang atensyon sa kamay ng nobya at saka pinaglaruan ulit ang mga daliri at panakanakang minamasahe ito.

"Look at her, she's actually leaning on his shoulders. Parang PDA. Daig pa tayo babe."

Tumawa si Mason. "It's like you're watching a scandal." Hinawakan niya ang pisngi nito at hinuli ang mga mata. "Sakin ka nalang tumingin. Hayaan mo yan sila. It's rude to stare."

Namula si Louise na sya namang nagpalakas ng tawa ni Mason. She's so cute. Napapansin ni Mason na sa tuwing hinahawakan niya ito ay mabilis itong mahiya. Naaliw sya sa reaksyon nito. Kung dati rati ang paborito niya ay asarin ang dalaga para makakuha ng nakakatuwang reaksyon rito, ngayon ay simpleng hawak at paglapit niya rito ay sapat na. Noong naging magkarelasyon sila ay tila ba natanggal ang lahat ng dating pag-aalinlangan ni Louise sa kanya. It most probably is because of trust that she gets to be so vulnerable around him. She was oozing with femininity, yung tipong laging gusto niyang maprotektahan. From her being rowdy to being so sensitive around him is a gift he would gladly take anytime of the day. She's his, afterall. Hindi niya napigilang tumingkayad at pinatakan ng mabilis na halik ito sa pisngi. Mas lalong namula ito at malambing na pinalo sya sa braso.

Somewhere Between FriendsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon