Apat na yabag ng mga dalawang batang naghahabulan ang tipikal na maririnig sa bahay ng mga Villegas tuwing Biyernes.
"Mommy, si Alex! Mommy!" Sigaw ng batang si Cameron Marie Villegas habang tumatakbo papalayo kay Alexis Mason Falcon, isang anim na taong gulang na batang may dala-dalang bulateng putik sa kamay.
"Camcam, wala na! Naitapon ko na doon sa labas." Nakangising sabi nito sabay tago ng kamay sa likod. Inaasar ang kababata dahil alam niyang ayaw na ayaw sa maputik na bagay. Patuloy pa rin ang habulan nila, papalapit sa ina ng batang babaeng naghahanda ng meryenda.
Pinasadahan ng tingin ni Sandra ang dalawang bata. Natatawa sa naiiyak n'yang anak na nakakapit sa bewang at umiiwas sa kaibigan. Alam nitong nakatago pa rin ang bulate at pilit na ilalapit pa rin iyon sa kanya ni Mason.
"Mommy~!" Mangiyak-ngiyak pa ding sabi ng bata, habang nakabusangot na nakatitig kay Mason.
"Cam, baby, it's not that bad. Hindi din naman iyan masakit if you hold it," ani Sandra. Natahimik naman nang saglit si Mason nang mapansing seryosong natatakot si Cameron sa kanya. Hawak hawak pa rin sa likod ang bulate.
"I'm sorry Camcam. Itatapon ko nalang sa labas." Bagyang napatigil sa pagreklamo si Cameron.
"Really?" Paninigurado niya.
"Yep, just come with me." Hindi maiwasan na lumabas ang pilyong ngiti ni Mason. Pahiwatig na tatakotin niya parin ang kalaro.
Hindi nakumbinsi si Cameron. "Ayaw!"
"Fine, I will throw it out now." At dahang dahang lumabas ng pinto ng kusina kung nasaan sila si Mason. Ipinakita ang bulate at inihagis ito sa malayong parte ng hardin. "See? Wala na." Ibinuka pa nito ang dalawang kamay pataas para lang patunayang wala na nga syang hawak na kadiri.
Dahil dyan ay napangiti na si Camcam, binitawan ang pagkakayakap sa nanay, matuling tumakbo papalapit kay Mason, at binalangkit ang mga braso sa leeg nito at niyakap.
"Okay na, Alex. Let's play again." Bulong nito at humalik sa pisngi ng kalaro.
Maya-maya pa ay umambon at tuluyang bumuhos ang malakas na ulan. Napasilip si Sandra sa mga binabantayang mga bata, baka mabasa ang mga ito. Nakita niyang nagbubulungan na ang dalawa habang nakatingin sa labas. Alam na alam niya na ang mga plano ng mga bubwit. Una ay itinulak ng mahina ni Cameron si Mason. Hanggang sa kunware'y nilakasan ng ganti ng tulak ni Mason si Cameron patungo sa labas. Pagkabilang niya ng tatlo sa isip ay sumigaw si Cameron.
"Mommy! Mommy si Alex," tinulak ako sa ulan.
Napatawa siya sa pag-aarte nito. Sa dalawang bata kasi ay mas maingat si Mason sa mga bagay na pinagbabawal sa kanila, kung kaya't alam niyang si Cameron ang may pakana sa pag-arteng ito. Lumapit siya kay Mason at nakitang medyo nahihiya ng konti ang kanyang inaanak. Tinapik ng marahan ang ulo at sinabihang maligo na sila sa ulan.
"Really, Mommy? Thank you! Come Alex." Nang napagtantong pumayag ang ina ay nakalimutan ata ni Cameron na nagkukunwari lamang sya. Walang nagawa ang ina kundi ang tumawa sa kapilyohan ng anak. Panay sigaw si Cameron habang naglalaro, si Mason naman ay patawa-tawa ng malakas.
Madikit ang pamilyang Villegas at Falcon dahil mag best friend ang mga Nanay. Magkatabi pa ang mga bahay kung kaya't laging magkalaro sina Cameron at Mason. Hindi naman mga bugtong na anak ang dalawa, may mga kapatid ito. Ngunit sobrang lalayo ng agwat. Parehong tig-isang taong gulang pa lamang ang mga bunso.
The two kids had always been close. Si Cameron ay medyo may pagkabrat, dahil paborito ng ama at babae. Kung kaya't kung ano ang gusto ay madalas na nasusunod. Nadala niya ang pakikitungo kay Mason. Wala namang angal si Mason dahil likas na mahiyain ito dati at tahimik. Noong una'y sunod sunuran ito kay Cameron kung anong gustong laruin. Minsan pa nga'y nakikita nilang may hawak na Barbie doll at nagboboses babae dahil napapagalitan ito. At minsan naman ay sinisira ni Cameron ang binubuo niyang mga lego, dahil naiinggit ito kung gaano katutid ang kanyang pagkagawa. Sa kanilang dalawa ay hamak na mas mature na mag-isip si Mason. Noong pumasok na sila sa school ay ito ang nagbabantay dito. Tagapaalala ng pagkain, dahil mapili si Cameron. At kalauna'y naging pilyo na rin. Kung kaya't madalas na ding inaasar si Cameron ng kung anong mapuputik na bagay, dahil maarte nga ang babae.
BINABASA MO ANG
Somewhere Between Friends
FanfictionA fan-fiction. Somewhere Between Friends was a story written by Lovelornme when I was in High School. I was so fixated on her Nuknukan Trilogy and fell in love with the characters kids; Mason and Cameron. I forgot most of the small details of the...